SARCASM
"Sue, ang ganda talaga ng buhok mo." Sabi ni Cass sabay haplos sa buhok ko. Biniyayaan ako ng langit nitong buhok na straight at syempre natural. Konting alaga lang naman ang kailangan kasi madulas at maganda naman na.
"Thanks, maganda din naman ang straight mong buhok ah." Puna ko sabay haplos sa tips ng kanyang buhok.
"Hey Stephy! Come on." Sigaw ng babaeng mukhang kaklase ni Cass
"OH BAKIT!? NANDYAN NA BA ANG MGA BOYFRIENDS KO!?" tanong din naman nung babae.
Nilingon ko ang tinititigan ng ibang mga babae sa side namin ni Cass at nakita ko kung ano ang dahilan ng mahinang pagtitili ng mga ito. Iyon pala, tinatahak ng mga E12 ang corridor namin. Tumatawa sila at kumakaway sa mga girls na nadadaanan nila at ang mga bruha ay hindi na napigilan ang pagtili.
"OMG Girl! Ang gwapo ni Shawn noh?" tanong ni Cass. Napaawang ang bibig ko dahil sa aking narinig kaya binalingan ko siya ng tingin.
"Oh bakit ganyan ang expression mo?" dagdag pa niya at nag-crossed arms .
"Gusto mo ba siya?" agad kong tanong, napansin kong agad ring pumula ang kanyang mga pisnge. Dahil siguro sa ganung klase kong tanong.
"Huwag mong sasabihin ah" sambit niya kaya tumango nalang ako.
Dahan-dahan siyang lumapit at bumulong sa aking tainga "Oo, gusting-gusto." Dagdag niya bago medyo lumayo sa akin na may ngisi sa kanyang labi. Mas lalong napaawang ang bibig ko ng dahil dun.
Napaisip ako, mabuti nalang at wala na akong nararamdaman para kay Shawn dahil kung oo.. Malamang magpapanic na ako.
"HAHAHA! Sasabihin ko yan sa kanya." Biro ko at ang lokaret ay kinurot ako sa aking baywang.
"Oww.." sabi ko na medyo natatawa, pumula kasi ulit ang kanyang pisngi dahil sa sinabi ko kanina.
"Sue,nagtext yung kagroup ko sa science. Magbra-brainstorm muna kami, maiwan na muna kita ah." Pagpapaalam niya tsaka beso sa akin kaya tumango nalang ako. Wala naman akong magagawa pero pansin ko ah, lagi nalang akong iniiwan ni Cassandra. Nakakahurt ang peg.
Nung nawala na si Cass sa aking paningin ay naglakad akong papuntang canteen para magmeryenda. Wala naman kasi akong ibang nakakasama, sina Cass tsaka Cody or minsan si Charlie rin.
Nagulat ako nang biglang nag-ring ang aking phone kaya agad ko itong sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.
"Hello?" sambit ko, actually.. Gusto kong maunang magsalita yung nasa kabilang linya kaso huwag nalang.
"Kristen Sue Alvarez, nasaan ka?" tanong ng nasa kabilang linya na napagkaalaman kong ang magaling na kuya Klifford ko ang napatawag.
"Oh napatawag ka kuya? Bakit?" tanong ko pabalik.
"So kailangang sagutan ng tanong ang tanong ko, ganun? Just answer my fvckin question Sue." Utas niya. Wala na akong ginawa kundi ang sagutin ito at sumunod nalang sa gusto niya, feeling ko sunud-sunuran lang ako nito. Tss, kabanas ah.
So ayun nga, bumili ako ng mineral water para sa kanya at cola naman ang sa akin.Pagkalabas ko palang ng canteen ay agad ko nang tinahak ang way papuntang art club na kung saan ay nandoon si kuya.
"O sir, nandyan na po ang pinapautos niyo." Sabi ko at inabot sa kanya ang mineral water.
"Sige, salamat ah." Sarkastiko kong sabi na aakma ng umalis nang may naisip ako. "Bayad mo?" tanong ko habang nakangisi.

BINABASA MO ANG
[HIATUS] Taken By A Bad Boy (EXO Kai FanFic)
Fiksi UmumThis story is a work of fiction. Names,characters,some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events,places of persons, living or dead is entirely coincidental. READ FOR YOU...