CHAPTER 24 (2)

83 8 1
                                    

ANOTHER ONE

Bakit parang ang tahimik dito sa classroom ngayon? Kapag wala kasi kaming teacher ay madalas na nag-iingay ang mga classmates ko.

Tinignan ko dito sa aking kaliwa.

Wow, himala. Wala ata si Tyrone ngayon ah, ano kayang ginawa kong kabutihan kung bakit tinupad ni Lord ang wish ko?

"Hi Sue." nakangiting bati sa akin ni Liam, binati ko rin siya at inayos ko ang aking pagkakaupo.

"Practice daw ulit mamaya." sabi niya tapos umalis na agad sa aking harapan. Yun lang?

Dahil bored na ako plinug ko ang aking earphone sa aking tainga, bahala na si batman kung meron na yung next teacher namin. Babalaan naman ako ng katabi ko dito sa kanan.

"Miss Alvarez?"

Nagising ako bigla dahil tinapik-tapik ng katabi ko ang aking kanang braso, nag-smile nalang ako sa kanya tapos tinanggal ang aking earphone and tumingin na sa harapan.

"Miss Alvarez, pinapa-excuse ka ni Tyrone sa akin para sa practice niyo. Pwede kanang lumabas" sambit niya habang nakapamaywang. Sinunod ko naman ang kanyang sinabi at tumayo na sa aking upuan.

"By the way, he's waiting for you outside." then kindat. Huh? Pinagsasabi niya? Impossible naman yun dahil sa pagkakaalam ko hindi ugali ni Tyrone ang maghintay sa mga members niya. Hindi nalang ako nagsalita at agad ng lumabas ng classroom.

"Bakit ang tagal mo?" nakakunot noo niyang sabi.

"Paki mo." singhal ko sa kanya nung makalapit na ako

"Tsk. Don't talk to me like that, maayos ang pagkakatanong ko." angal niya. Inirapan ko nalang siya at tumuloy na sa paglalakad leaving him behind me.

"Just Great. Hinintay kita tapos iiwan mo lang ako?" narinig kong sabi niya mula sa likod. Nilingon ko siya agad pagkasabi niya nun.

"Sinabi ko bang hintayin mo ako?" mataray kong tanong sa kanya habang naka-crossed arms.

Napa-stop siya sa paglalakad at tinitigan ako ng masama.

"Oo na. Joke lang naman eh." pagpapalusot ko.

Nag-tsk lang siya tapos pinagpatuloy niya ang paglalakad pero sa ngayon ay mabilis na leaving me behind him naman.

"Ganito dapat kasi ang pag-galaw mo sa iyong kamay." sabi niya sa kanyang tinuturuan na babae and I smell something fishy.

Nakaupo ako ngayon sa pinakadulo ng practice room habang pinapanood kong magturo si Tyrone, hoy! Walang malisya 'to ah.

"Ang galing niyang magturo noh?" medyo napaton naman ako dahil sa biglaang pagsulpot ni Liam sa aking tabi

"Ewan." sagot ko sa kanya tapos uminom ng bottled water.

"Wala ka bang gusto sa kanya?" straight forward niyang sabi. Nabilaukan naman ako dahil sa paggulat na naman niya sa akin. "Hey, are you okay?" tanong niya ulit. Inayos ko ang sarili ko bago magsalita.

"Liam, are you joking? If yes, it's not funny you know." sambit ko habang nakakunot ang noo. Hinintay ko ang sasabihin niya kaso walang lumabas sa kanyang bibig. After ilang seconds, nagsalita na ulit siya.

"Sue... If you're always thinking of someone does that mean you like that someone or you're just attracted to that someone?" natameme ako sa tanong niya, hindi ko inaasahan 'to kasi ang alam ko.. related ang sasabihin niya sa topic kanina pero iba. May pinagdadaanan ata si Liam.

"Bakit tinatanong mo sa akin yan? I'm not a love guru, okay?" sambit ko na nagpangisi sa kanya. He messed my hair and smiled sweetly at me, gosh! Bakit ang pogi ng nilalang na 'to?

"Haha. Kung nakita mo lang ang iyong itsura kanina, it's priceless." pang-aasar niya kaya pinalo ko ng mahina ang kanyang kanang kamay leaving him laughing slightly. Napangiti na naman ako. Bakit anong nangyayari sa akin?

"Huy Love Birds, Practice na!" narinig naming sigaw ni Shawn kaya nagtaka ako kung sino ang tinatawagan niya.

"Anong tinitingin-tingin niyo pa diyan? Tatayo kayo o tatayo?" napangisi niyang tanong. As If na may choice ang tao.

"Sino? Kami?" Tanong ni Liam na pansin ang pagtataka sa kanyang boses kaya nilingon ko siya..

Oh My! So kaming dalawa ang tinutukoy niya? Halah, hindi kaya!

"Sus, nagmamaang-maangan pa eh. Hali na!" pagtawag niya ulit kaya lumapit nalang ako sa kanya.

Napatingin naman ako kay Tyrone na masama ang tingin sa akin, bakit ano na naman bang ginawa ko? Napailing nalang ako tapos pumunta na sa aking pwesto.

"Knock knock!" sigaw ng nasa pintuan kaya may napatingin dun at kasama na ako.

"Pwede bang pumasok?" tanong ni Steve habang naka-smile naman sina Blaze, Charlie at Cody sa likod niya pero si Luke, emotionless lang.

"Whatever." singhal ni Tyrone tapos nagpatuloy ulit sa ginagawa niya. Nandito palang kasi kami sa practice room, it's rest time kasi.

Pumasok naman sila agad nung narinig nila yun, napansin ko ring may dala-dala silang pagkain?

"Yung request mo Shawn." sabi ni Luke na cold ang boses tapos binigay ang paperbag kay Shawn nung pagkalapit nito

"Thanks Dude." nakangiting sabi ni Shawn. Ang ganda talaga ng samahan nila kahit medyo bad boy daw.

Napatingin ako kay Shawn tapos sa kasama niya, nakita kong nag-uusap sila tapos lumabas na. Kaya kami-kami nalang dito.

"Wala pa kayong balak kumain?" tanong ni Steve na nagpalingon kay Tyrone sa kanyang ginagawa.

"Gutom ka na ba Liam?" tanong naman ni Tyrone kay Liam na katabi ko ngayon.

"Pwede na.." sagot ni Liam tapos tumayo papunta kina Charlie "Ano yung dish na dala niyo?" tanong niya kay Blaze na nagcecellphone.

"Dish talaga? Nasanay ka na masyado. Galing KFC 'to." singit ni Cody na tinataas-taas ang kanyang kilay.

"Hahaha! Ulol. Huwag ka ngang gumanyan." angal ni Shawn tapos nagtawanan silang lahat except kay Tyrone.

"A-ahm guys, labas muna ako." singit ko naman tapos tumayo na. Natahimik ang lahat.

Pero binasag ni Blaze ang katahimikan na 'to "Huh? Huwag na. Dito ka lang, join us." Utos niya, natameme naman ako dun.

"Pe-pero.."

"No Buts. Sit." Utos din ni Shawn, sit? But I'm not a dog pero napaupo nalang ako. Nakakahiya, pang-second time na 'to.

Habang kumakain kami, hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa mga jokes nila Cody and Charlie pati na rin ang pagsesecond demotion ni Blaze. Minsan waley pero napapatawa nalang ako pati si Luke, hindi ko 'to inaasahan na mangyari. Syempre may kwentuhan rin na halos si Blaze lang ang nagsasalita, medyo marami din akong natutunan sabuo-buo niyang love story.

Na ang lesson learned ay:

"We need to sacrifice to get something worth it."

Lakas niya kayang makahugot. Dapat sa kanya nagtanong si Liam eh, hindi sa akin kasi si Blaze ang Love guru dito. Haha

After naming mag-lunch, nag-thank you ako sa kanila. Nakakahiya kaya kung hindi.

[HIATUS] Taken By A Bad Boy (EXO Kai FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon