CHAPTER 29

56 7 0
                                    

LETS PLAY

It's been 2 days since the intramurals has ended. Mabuti naman at natapos na rin, ang boring kaya. Natulog na lang sana ako sa bahay. Joke! Maganda naman yung mga events kaso hindi ako nagkamood upang subukan ang mga iyon eh.

"HULIKA!"

"Ay Palaka!"

"Oh? Bakit mukhang bored na bored ka? Wala ka bang makausap dito?"

Kingina naman, Charlie! Kung makapanggulat eh, pasalamat ka dahil wala akong sakit sa puso o ano kasi kung meron ay malalagot ka. Ipapatapon kita sa pasig river.

"WOW AH! SALAMAT SA PANGGUGULAT! GRABE, MUNTIKAN NA AKONG MAMATAY." Sarcastic kong sabi, eh paano naman kasi?

"Alam mo, gutom lang yan! Tara sa canteen, libre ko." Aya niya.. tatango na sana ako nang may sumagi sa upuan ko.

"Ano ba!? Ang lawak-lawak ng daanan eh, kailangan pa bang banggain ang upuan ko!?"

NANDITO NA NAMAN ANG HINAYUPAK NA 'TO EH. LAKAS MAKABASAG TRIP, KAINIS!

"Pwede bang huminahon ka lang? Hindi ko yan sinasadya." Aniya

Pinalo ko naman siya agad sa kanyang braso. Anong hindi sinasadya ang pinagsasabi niya? Niloloko niya ba ako!?

"Hindi ako tanga para hindi yun mapansin." Komento ko habang nakatayo na at nakataas ang aking kanang kilay

"BAKIT? NAKITA MO?"

"Ang alin?" nagtataka kong tanong

"Tsk. LG. 'Lang kwentang kausap."

"Huh!? Anong LG na pinagsasabi mo!?"

"Oh? Hindi mo rin alam ang meaning nun? Baka gusto mong i-spelling ko pa?" pangaasar niya at heto ako ngayon,napikon na.

"EXCUSE ME, ANONG TINGIN MO SA AKIN? TAONG BUNDOK? EH MAS MARAMI PA  AKONG ALAM NA TREND STYLES KAYSA SAYO EH!" sigaw ko ng malakas, yeah I know.. Nasa amin na nga ang attention ng mga classmate ko and I hate this, really. Nawala na rin pala sa isipan kong nandito lang sa tabi ko si Charlie.

"TINATANONG KO BA?" bored niyang sabi. Feel ko, mukhang umuusok na ang aking ilong sa inis.

"SSHHH! Tama na nga yan, ang mabuti pa.. Umupo nalang kayo kasi malapit na si Miss. Antonio" singit ni Charlie.

Sinunod ko naman yun pero inirapan ko muna si Tyrone bago tuluyang umupo at ganun din siya. Eew! So gay!

"GOOD MORNING CLASS!"

"GOOD MORNING,MA'AM"

"Kumusta naman ang intrams niyo?" aniya na ngayon ay may sinusulat sa blackboard

"Hahaha! It's an OMG, Ma'am! Ang gagaling ng mga basketball players! Lalo na si Klifford Alvarez, KYAAH!" nakakarinding sigaw ni Anette. Psh! 'Huwag masyadong mag-fangirl kay kuya, lalaki ang ulo non kapag narinig ka.'

"Oh! Yun ba yung kapatid mo Kristen?" tanong sa akin ni ma'am na nakangiti kaya tinanguhan ko nalang. Tinatamad akong magsalita eh.

"AND MA'AM! SYEMPRE PATI NA RIN SI LUKE! IDOL KO NA SIYA SA SOCCER. HEHEHE!" komento naman ng katabi kong si Abegail. May crush kaya siya kay Luke?

Pero si Luke, parang walang narinig lang ang peg.

"Oh? Mukhang boys, boys, boys naman lahat!"

"MA'AM, PADAGDAG! SILA TYRONE, LIAM AT LALONG LALO NA SI SHAWN! KYAAH! NAINLOVE NA ATA AKO. HAHAHA" sambit naman ni Kylie, napansin kong lumingon ang a.k.a MEAN GIRLS sa kanya na para bang may ibig sabihin, ah basta! Ewan. Siguro ay dahil kay Shawn, may connection kasi sila dati ni Sophie eh. Baka yun ang rason, hehe

[HIATUS] Taken By A Bad Boy (EXO Kai FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon