CHAPTER 23

89 7 0
                                    

THE SHOW

"GRABE KRISTEN! ANG GALING MO PALA TALAGANG SUMAYAW!" manghang komento ni Liam na sinigaw na.

"Lol. Hindi yaann" syempre pakipot din naman noh!

Yeah! Nakuha ako sa audition, anong masasabi niyo? Galing ko noh? Ayoko ngang magmukhang kawawa sa harapan nung Tyrone na yun, duhh! Oh ano siya ngayon..

Nagpaalam na ako kay Liam para bumili ng maiinom, napagod kaya ako dun. Ang high ng standards ni ugok eh kaya ginalingan ko na. Actually, napilitan lang ako kaso ayaw ko namang mapahiya si Shawn kasi diba siya yung kumuha sa akin dun, kumbaga scout niya ako kaya hindi ko siya dinisappoint.

"1 bottle of mineral water please" diretso kong sabi sa tindera ng canteen,nung binigay niya na kinuha niya rin agad yung bayad tapos lumabas na ako sa canteen.

"SUE!" sigaw ng pamilyar na boses kaya hinanap siya ng aking paningin.

AHH si Cassandra pala, ano na kayang nangyari sa kanya sa audition na pinuntahan niya? matanong nga..

"Oopz! Diyan ka lang, ako na lalapit!" sigaw ulit niya tapos dali-daling tumakbo papunta dito sa pwesto ko. Mukhang ang saya ng bruha, kita sa pag-smile niya eh. Siguro nakuha rin 'to.

"Oh? Ano nang nangyari sa'yo dun?" agad kong tanong.

"About dun!? HAHAHA, nakuha ako. Sabi kasi sayo eh, ikaw kasi walang katiwa-tiwala sa akin. Tss!" mayabang niyang sagot. Aba-aba, gumaganyan na siya ah

"Hoy bruha.. umayos ka nga sa pananalita mo porket nakuha ka lang sa pinag-auditionan mo eh" bulyaw ko sa kanya at ang gaga, nag-peace sign lang.

Anyway highway, pinabayaan ko na siya tapos nagpatuloy sa paglalakad. Ngayon, ikaw naman ang makakaranas kung paanong maiwan.

"Huy! Sorry na" rinig kong sigaw niya habang hinahabol ako.

"Saan ang pwedeng mapuntahan? Naboboringan na ako..." reklamo ko sa kanya, nagisip-isip naman siya na may kasabay na paturo-turo sa brainy niya. Daming ka-ekekan noh? Haha!

"Ahmm, sa soccer field teh!" Wew! bakit kinikilig ang bruha?

"Teka nga, bakit mukhang kinikilig ka diyan huh?" sabay taas ng isang kilay.

"HAHAHA! Secret ko na yun noh, anyway highway.. sasama ka ba o hindi?"

Tss, babaeng 'to talaga. Ang daming kaechupwerahan, ano ba talaga ang dahilan kung bakit doon niya gustong pumunta? Ano bang meron sa Soccer field? Grounds, Bleachers, Ball...

..TAO

Kung may tao, edi lalake! Wuahaha! humanda ka ng mainis Cassandra!

"EHEM! Balita ko, may hot guy daw sa parteng yun.." wika ko, bigla naman siyang tumigil at namumula ang bruha teh. Hahaha! sabi ko na nga ba eh, lumalandi na ang ate niyoo!

"So? E hindi naman si mr. hot guy ang dahilan ehh.." BINGO!

"Asuus! Luma na yan, mag-search ka ng bago mong stylee.." pang-iinis ko. at ang bruha, binatukan ako! Problema niya? "Araaay, para saan yun?"

"Che! For your information, hindi ko siya type kahit may abs,mayaman,talented,manly at gwapo pa man nun. I don't have an interest in him"

Asus! Obvious na nga eh, deny pa moreee.. Hinila ko nalang siya't kinaladkad para wala ng daldal, masasayang lang ang laway ko sa kasinungalingan ng babaitang 'to eh.

~~***~~

Dalawang linggo na ang nakalipas nung natapos na ang Audition, sa wakas naman dahil tahimik na ulit and buhay ko.

[HIATUS] Taken By A Bad Boy (EXO Kai FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon