Chapter 1: Around Town

452 15 0
                                        

"Pablo, gusto mo ba akong samahan? Tara midnight stroll." Tanong ko sa kaibigan ko, magkasama kami ngayon sa dorm ko since gusto niyang makasama ako pero I needed to finish my studies.

"Sige. I'll get dusty."

"Hindi. Doon na lang tayo kay Azkal. Mabilis lang naman." Sabi ko at kinuha na ang susi ng sasakyan ko.

Nasa daan lang kami nang maisipan kong kumaliwa, ang alam ko paikot lang ito sa dorm namin. Pagkaikot ko ng manibela ay parang nawala ako sa daan. Like the road was unfamiliar.

Imposible. Dito ako dumadaan parati.

"Sigurado ka ba sa dinadaanan mo?" Tanong ni Pau sa tabi ko.

"Oo."

Actually, the strange feeling left my body a minute ago. It was dark since my lights were broken. Delikado yata ang ginagawa ko ngayon since kasama ko si Pablo. I planned on turning around when I accidentally hit something.

Bumaba ako para tignan kung anong meron. I saw a little bleeding bunny. I panicked and wanted to get help when it suddenly turned into a human.

"Ay jusmeyo." Sabi nung lalake. I took off my jacket and covered his naked body. "Josh Cullen?"

"Jason?"

I always wondered where he ran off to at night.

"Nasaan na ang kuneho?" I asked. Medyo nahihilo na din.

"Josh...dahil nawala sa akin ang sumpa ay nalipat ito sa'yo. Naaksidente ako dahil nabangga mo ako. Only that and extraordinary love can break the curse. I'm sorry."

Naramdaman kong nanliliit ako at unti-unting nawawala ang aking saplot. Pagkatingin ko kay Pablo ay nakalabas na siya sa sasakyan ko.

Tulong...

Pablo's POV:

Dinampot ko si Josh mula sa kaniyang cage dahil any minute ay babalik na siya sa kaniyang human form. Every 6 AM ay ito ay bumabalik bilang tao. I run a pet shop, nagbebenta kami ng mga pets at minsan sinusumbong ni Josh sa akin na tinatarayan daw siya ni Naki, ang isa pang kuneho dito aa amin.

Best friends sila, siguro? Basta. Hindi niya na pinilit na sa iba mapunta ang sumpa dahil ayaw naman daw niyang may madamay na ibang tao. Gusto na lang niyang makahanap ng pagmamahal o di kaya mamuhay bilang ganito na lang.

"Hindi ka ba napapagod?" Nagulat ako sa biglang imik ni Josh.

"Saan?"

"Sa pagaalaga sa akin." He said as he wore his clothes. "

"Hindi kita pwedeng iwanan lang dito, Josh. Ako lang ang nakakaalam sa nangyari 7 years ago that night. Mabuti nga at nakagraduate ka pa."

"Sorry din sa abala." Sabi nito at nilapitan si Naki para alugin ang cage. "Gising!!"

"Gago ka talaga." Sabi ko at binuksan na ang shop.

Nagulat naman ako na ang aga ni Justin sa shop. Ang hilig niya din kasi bisitahin si Naki, actually nabili na si Naki kaso wala pang space sa unit ni Justin para sa kaniya kaya andito siya dahil kukuhanin na niya si Naki.

Ang sama ng tingin ni Josh kay Naki at binebelatan pa ito.

"Hello!" Sabi ni Justin kay Josh. "Goodmorning, anak. Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Naki ang sama ng bunganga mo." Sabi ni Josh kaya napalingon sa kaniya si Justin. "Tinawag ka niyang kidnapper."

"Ahh...Pablo?"

"Ah hindi, adik lang siya." Sinamaan ako ng tingin ni Josh pero pinanlakihan ko lang siya ng mata. "Medyo inaantok pa, pasok ka muna doon, Josh."

"Babye, Naki!" Sabi nito at tumawa na parang loko. Parati silang nag-aaway kapag kuneho si Josh pero sure ako close sila.

The Bunny of the MoonWhere stories live. Discover now