Chapter 9: Home

137 7 0
                                    

Ilang araw na akong andito kay Pablo. He seemed to be alright after the incident the other night, but I know him... he's not okay and it's visible in his eyes.

"Pupunta ka na ba sa shop?" Tanong ko.

"Yes." Simpleng sagot ni Pau at umalis na.

I looked around while slouched in the corner, it feels so empty. Tumayo ako para maligo when Stell came through the door.

He looked like he was rushing kaya kaagad ko siyang tinanong.

"Anong ginagawa mo dito?" I was so confused as to why he was here. "Kakaalis lang ni Pau."

"I need to talk to you." Sabi niya at umupo sa sofa. "Come back to Ken."

Tinitigan ko siya at pumunta sa kusina. "Gusto mo ba ng gatas?"

Pau told me na everytime na malalasing si Stell ay dito napunta si Stell. After giving him milk ay iniuuwi niya si Stell sa bahay niya para hindi madagdagan ang gulo. This always happens once a week and nasaksihan ko kahapon kung paano ang cycle nila.

Imposibleng walang alam si Stell.

"Alam kong alam mo." Sabi niya sa akin. "The reason I keep coming here when I'm drunk."

"Alam mo pala pero bakit ginagawa mo pa rin? That's a red flag bro." I said.

"I know kaya narito ako para kumbinsihin ka na bumalik ka kay Ken." Sabi nito. "Nakikita ko sa mata niya na nangungulila siya sa'yo."

"And that affects you and Pau, how?" I asked.

"Dahil naisipan kong tigilan na siya." I looked at him in a certain way. "It's unhealthy for me na pilitin ang sarili sa kaniya. I guess nahihirapan na din siya kaya pinapalaya ko na kung anong meron kami."

He wasn't serious...

"Ito nga pala." Sabi niya at binigay sa akin ang susi ng bahay ni Pablo. "I think Jana has more right to it more than me."

Tinanggap ko ang susi at tinitigan siya.

"We can't have the same destiny, Josh. Puntahan mo si Ken. Don't let him go."

Umalis si Stell and an hour later ay bumalik si Pau. Sabi niya ay hindi niya daw balak buksan ang shop dahil nagkaron siya ng strange feeling.

Inexplain ko lahat sa kaniya at binigay ang susi na ipinahiram niya kay Stell. He smiled then nodded at me tapos itinago ang susi.

"Bibitawan mo na din ba siya?" Tanong ko.

He went to the sofa and sighed. "Hindi ko gagawin iyon, ang gagawin ko ay aabante dahil bumitaw na siya. I have no reason to pull him back when he already overcame that phase."

I watched as he accepts defeat. Wala na talagang pag-asa sa kanila?

Then again...will this be my future? Magiging kagaya ba ako nina Pau at Stell kapag iniwasan ko pa ulit si Ken? Pero I don't have time to go there.

Ken's POV:

Patulog na ako nang biglang may kumatok. I was hesitant to open the door pero ginawa ko na lang din. Nagulantang ako kay Josh na may dalang gamit niya.

"Hello, Suson pwede ba akong pumasok?"

The Bunny of the MoonWhere stories live. Discover now