Chapter 2: Naki and Joshie

189 9 0
                                    

"Tignan mo si Naki." Sabi ni Justin sa amin ni Stell. "Kilala niyo si Pablo? Kasama niya si Josh magbenta ng mga pets."

"Ang cute!!!" Sigaw ni Stell at inagaw si Naki. "Gusto ko din."

"Ako din." Sabi ko dahil super cute nga nito. "Samahan mo kami mamaya. Bibili din ako."

"Mga 7 ako available." Sabi ni Jah. "400-700 ang isa."

"Ayoko na pala." Sabi ni Stell. Hindi naman siya gipit, magastos lang siya at siguro ayaw niyang ang pera ay mapunta sa hayop na hindi niya kayang alagaan.

"Samahan mo ako mamaya ah?" Sabi ko kay Jah. "Sumama ka na din baka may magustuhan ka pa."

Kinagabihan ay naisipan na naming dumaan sa pet shop. Ang daming cute na pets. Gusto ko silang bilhin lahat.

"Ay, andito pala kayo." Sabi ni Pablo. "May gusto ba kayo?"

"Gusto kong bilhin ang pet shop mo." Sagot ko kaya natawa si Stell. "Ang daming cute."

Pinakita sa amin ni Pablo ang iba't-ibang uri ng hayop. May mga breeds pa pala ang iba, ang dami talagang cute dito. Nilibot namin ang shop pero kahit cute sila ay hindi ako interesado.

"Joshie?" Nakita kong nakatingin sa amin ang kuneho na malapit sa counter. "Angas ah. Magkano siya?"

"Oh, hindi ko siya binebenta." Sagot ni Pablo kaya nalungkot ako. "Hindi madaling maging close kay Joshie kaya mahirap siyang ibenta."

"Okay lang! Please? Gusto ko siya." Turo ko sa kuneho. "I'll pay double naman. Para kasama ni Naki sa unit mo minsan." Tinignan ko si Jah at tumango ito

"I'm really sorry, hindi talaga pwe-."

"Baka may tinatago ka tungkol sa kuneho na iyan kaya ayaw mong ibenta?" Usisa ni Stell.

"Yawa ka dre." Sabi ko dahil ang lakas ng loob niyang umimik ng ganon kay Pablo.

Dahil siguro sa inis ay napilitang ibenta ni Pablo si Joshie. Tama si Pablo, balik nang balik si Joshie sa kaniya kahit naibenta na niya. Baka mas close sila kaya mahirap din kay Joshie na iwanan si Pablo.

Kawawa ka naman, pero aalagaan kita at gagawin kitang prinsipe.

Josh's POV:

Sinubukan kong tumalon kay Pau bago ako kuhanin nung kaibigan ni Justin. Pakagat lang baka kasi nakakalimutan niyang kaibigan niya ako. Binenta ba naman ako huhu.

Kapag talaga si Stell na ang nag-provoke sa isang ito, wala na. Suko na kaagad si Pablo, napaka under talaga kahit ex na niya. Nakakainis ka naman pi, Pablo Nase.

At iniuwi na nga ako ng isang ito. Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak nito at ako ang pinili niya. Nakita ko si Naki na nakangisi sa harap ko.

"Alam mo, manahimik ka muna." Sabi ko at lalayo na sana nang bigla akong buhatin ni Stell.

"Lalake ba siya?" Sabi niya habang sinisilip ako sa ilalim. Ay gago! "Oo dre, may binata ka na."

"Hoy huwag mong silipan ang anak ko." Sabi ni Ken at inagaw ako kay Stell.

Nilapag ako ni Ken sa hita niya pero hindi ako gumagalaw. Kahit pakainin nila ako ay wala akong kibo. Kapag ba nagpanggap akong patay na, itatapon nila ako? Yes! Makakatakas ako!

"Ayaw mo ba?" Malambing na tanong ni Ken. "Jah ganito ba ito kasuplado?"

"Ewan. Nawawala kasi siya sa umaga, sa gabi ko lang nakikita. Baka alam ni Josh, magkaibigan sila ni Pablo."

"Hala huwag na." Sabi ni Ken. "Nakakahiya."

"Asus, nakakahiya o nakakakilig?"

Ano daw? Bakit nila ako pinaguusapan?

"Gusto ka ni Boss Ken." Sabi ni Naki mula sa baba. "Suwerte mo naman."

Ano? Hindi niya ako pwedeng magustuhan. Pero...kung totoo nga, siya na ba ang sagot sa tanong ko? Paano ako makakabalik sa dati? Gusto ko bang makabalik sa dati?

Nang makaalis na ang mga kaibigan niya ay nilapag niya ako sa kama niya. Napansin ko na 12 AM na, bakit hindi pa siya natutulog para makatakas na ako dito. Tumayo siya sa lapag at hinimas ang katawan ko. He sighed then chuckled next to me.

"Binabaliw mo ako ngayon, Joshie."

Luh? Anong ginawa ko? Doesn't matter, I need a plan to escape. When he sleeps, I'll jump out the window and go to Pau's. Sasakalin ko talaga ang lalakeng iyon. Nagpadala ba naman sa salita ng ex niya, weak shiyet!

The Bunny of the MoonWhere stories live. Discover now