Chapter 5: Roomies

217 9 0
                                        

Hindi ako makatulog, tinignan ko ang natutulog na kuneho sa tabi ko. Any moment ay magiging tao na ulit siya, babalik na siya sa dati. But...I don't know if I can handle it, paano kung manghina na lang ulit ako if ever he turns back into Josh?

I stroked his fur then took my hand back when he moved.

Josh...nakilala ko siya noong naging intern ako sa kumpanya nila. He wasn't really that friendly, suplado nga eh. Hindi ko alam kung bakit pero nahulog na lang ako sa kaniya. Maybe because iba ang gestures niya sa akin. He's really a good person deep inside.

I got the chance to shower him with kisses as he falls asleep deeply. He is a really cute bunny. Gusto ko manatili si Joshie sa akin...pero gusto ko din mamuhay ng maayos si Josh bilang tao dahil sa totoo lang hindi niya deserve ang sumpa na ito.

Bumangon na ako at iniwan ang damit ni Josh sa tabi niya para makapagluto ako. Kaso...tinatamad akong magluto ngayon eh. I just ordered online.

Nang magising na si Josh at naging tao na ulit ay kumain na kami ng agahan. Kakaiba na ang epekto niya sa akin. I wasn't able to sleep last night because I just watched his bunny form.

"Ahm Josh maiiwan muna kita dito. May daraanan lang kasi ako, baka malate na din ako ng uwi."

"Ganon ba? Sige ipagluluto kita, you can heat it up kapag umuwi ka na since I'll be a kuneho ulit."

Tumango ako at nagpaalam. Kinuha ko na ang susi ko at lumabas.

Ang cute ng pagiging conyo niya. He sounds so good talking in english. Sasandal pa sana ako sa pinto nang biglang bumukas at mapapatong ang ulo ko sa mukha ni Josh.

Mabilis akong tumayo at nagpanggap na tinignan ang itaas ng pinto para hindi masyadong halata. Tinanong niya kung ano raw ang ginagawa ko.

"Ah wala, parang maluwag na yata ang pinto ko, aayusin ko na lang sa sabado. Sige, aalis na ako."

"Ay, Ken, ipapaalala ko nga pala na kung pwede sana dumaan ka sa grocery. Day off ko kasi ngayon at balak kong pumunta sa Sementeryo mamaya."

"Ah sige." Should I ask it from him? Do I...have the right to do so? "Kadugo mo ba?"

"He's not important." He smiled a little then shut the door.

I must've offended him. Nang makarating ako sa kumpanya para icheck ang stocks namin ay nagulat ako sa laki ng ibinaba nito. How could this happen?

"Rebecca?" I called out. "Bakit bumaba ang stocks sa kumpanya? Is there a problem."

"Sir Ken, hindi po ba kayo nanonood sa balita? Kasalanan ito ng President ng kumpanya natin, hindi niya plinano ng maayos ang kaniyang stand for our investing companies. I should've listened to you to not worship that person."

Nang makaalis siya ay dahan-dahan akong umupo sa office chair ko, she regrets it. Ayaw ko sanang dumating sa puntong ito pero andito na nga kami. Wala na kaming kayang gawin kundi harapin ang ginawa namin.

Hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil na rin sa nabalitaan ko at sa nangyari sa amin kanina ni Josh. He deserves to smile everyday. I see it on his face na very disappointed siya when I asked about the person he's going to visit.

"Ken, are you alright?" Gohn asked. "Gusto mo bang magpahinga?" He asked as he massaged me.

"I'm fine." I said then went to Justin who also worked here. "Jah! Close ba kayo ni Josh?"

"Kung magpapareto ka, huwag na. Hindi siya interesado sa manok. Che!" Masungit na sambit nito.

"Hindi, nasa bahay ko siya ngayon and kailangan kong malaman kung may history ba siya with someone na gusto niyang ibaon sa lupa?"

"Nasa bahay mo?" He exclaimed. "Teka teka, bakit nasa bahay mo? Ginayuma mo ba!?"

"Shut up, hindi ganon. Basta mahirap ipaliwanag. Answer me."

He rolled his eyes then gave me his phone. "Andiyan ang info ng bawat taong nakakasalamuha ko."

"Bakit?"

"May tanong kang hindi sinagot kaya may tanong ka din na hindi ko sasagutin." Justin said.

Creepy.

The Bunny of the MoonWhere stories live. Discover now