Chapter 3: Ang Sumpa

174 10 0
                                    

Gago...

Sinaraduhan ba naman lahat ng bintana sa bahay niya. Gusto kong maiyak. Pero mas gusto kong manakal ng isang Juan Pablo, pwede naman siguro.

Ilang oras na lang at hindi na kaya ng aking bunny life, kailangan kong makaalis dito pero parang bampira ang Lolo niyo na hindi pa natutulog. Akala ko ba antok na ito.

"Joshie, antok ka na ba? Kapag natulog ka saka ako tutulog."

Akala ko pinakamasamang araw ko na ay ang araw na binili niya ako. Baka araw-araw lang akong mainis sa kaniya.

"Joshie, ang dami mong energy. Hayaan mo...sasamahan kita sa lahat at hindi ko hahayaan na mag-isa ka. Mamahalin kita na parang kapatid."

Sa mga salitang kumawala sa kaniyang bibig ay ang dahilan para matigil ako sa aking iniisip. Buong buhay ko, wala akong ibang kasama kundi si Naki at Pablo. Pero...may buhay silang kanila. Totoo ba ang sinasabi niya?

Sasamahan niya ako sa lahat?

"Joshie...anong nangyayari sa iyo?" Natatakot niyang tanong.

Napatingin ako sa orasan at 6 AM na. Shit. Anong gagawin ko? Bawal niya akong makita na maging si Josh.

"Josh?"

"Ganon ang mangyayari kung hindi siya nakatulog kaagad." Kuwento ko kay Pau kung paano ako nakatakas. "Ang rupok mo, dre. Babalik na lang ako kay Ken mamayang gabi. Sumama ka na lang."

"Bakit hindi ka na lang bumalik dito?" Tanong ni Pau.

"Kasi naibenta na ako. Kawawa naman kung iwanan ko."

Nagulat kami nang pumasok si Stell kasama si Ken, si Justin naman ay nandon sa likod nila at pinapakain si Naki. Nilapitan ko si Naki at sinundot sa pisngi.

Inexplain ni Stell na iyak daw nang iyak si Ken dahil nawawala si 'Joshie', halata na kakagaling lang ni Ken sa iyak at hindi niya alam kung anong gagawin.

"Baka sakali bumalik siya dito kasi sabi mo hindi mabilis maging close kay Joshie." Stell explained.

"Wala naman akong napapansin pero kapag meron ay tatawagan ko kayo. Ken, anong number mo?"

"Ito." Ken said then wrote it down. "Sabihan mo ako ah? Namimiss ko na si Joshie ko."

Umalis na sila kaya napatingin ako kay Pau. Wala siyang imik kaya naisip ko na baka pumapayag na siya sa mga desisyon ko.

"Mamayang gabi, magsisinungaling ako kay Ken para ibalik ka dito bago ka maging tao ulit."

Isinagawa na namin ang plano, gamit ang sasakyan ni Pau ay pumunta kami sa bahay ni Ken. When 6 PM struck ay nagtrasnform na ako bilang kuneho.

Naiwan ang mga damit ko sa sasakyan ni Pau at lumabas na kami. Binuhat niya ako at kumatok sa pinto. Nagulat kami nang si Ken na umiiyak ang nagbukas ng pinto niya. He was still crying?

Nang makita niya ako ay umayos siya at mabilis akong kinuha kay Pablo.

"Joshie ko!!" He yelled then hugged me tight. "Saan mo siya nakita? Bumalik ba siya sa'yo?"

"No. I found him on the street when I was going out for lunch." Sabi ni Pau, ang lame ng excuse ah. "Anyway, mga 5AM kailangan mo siyang ibalik sa akin."

"Bakit?" Tanong ni Ken.

"Kasi I found out na nashock si Joshie sa paglipat niya ng habitat. Unlike Naki, na nabibisita at nadadala ni Justin sa kanila and back to the shop ay nasanay si Naki kaya walang problems when she went with Justin."

"Kailan ko siya makukuha ulit?"

"What time are you available?" Tanong ni Pablo.

"Usually 7 PM ang out ko sa trabaho."

"Good. We need to do this for about 3 weeks para masanay si Joshie."

Sumangayon naman si Ken kay Pablo dahil akala niya ay totoo ang sinasabi nito.

Umalis na si Pablo at inilapag ako ni Ken sa kama niya. Ang lambot!

"Kain na, Joshie ko. Maaga pa tayo bukas dahil sa instructions ni Kuya Pau mo." Sabi ni Ken kaya kinain ko na ang ihinanda niya.

The Bunny of the MoonWhere stories live. Discover now