Nang makaalis si Pablo at Stell ay mabilis kong hinanap si Joshie ko. He was under the table like what Pablo said then when he saw me ay tumakbo siya. Kahit saan siya pumunta ay sinundan ko siya.
"Ken, si Joshie ba iyan?" Jah said as he sat on the couch. "Bakit andito?"
"Long story."
Joshie escaped me again kaya kahit pagod ay pipilitin kong makalapit sa kaniya, hindi ko siya gusto pang saktan.
One thing I learned living with Josh ay mas marupok siya as a bunny kaya kumuha ako ng treats niya. Hindi ko siya pipilitin na makausap o makinig sa akin. Gusto ko lang iparamdam sa kaniya na handa akong makatanggap ng galit mula sa kaniya dahil valid ang nararamdaman niya.
Kaso gusto kong maging selfish, I want him to come home...gusto ko andoon lang siya sa bahay ko at ayaw kong iwanan niya ako. I know wala akong karapatan na pilitin siya sa mga bagay na gusto ko but for 4 weeks, I have been suffering.
"Joshie?"
Kumalma na siya kaya nagpabuhat na siya sa akin at inilapag ko siya sa hita ko. Nakahiga lang siya, napagod na din siguro.
I made him feel like he was accepted, if he even wants to feel that way, kahit hindi ginawa ko pa rin dahil gusto ko maging magaan ang loob niya. I played with him until Stell came out. Naawa kami ni Jah sa kaniya dahil mukhang pagod na pagod siya.
"Uwi na tayo." Sabi niya at dire-diretsong umalis.
Nagtinginan kami ni Jah at sumunod na sa kaniya. Binitiwan ko si Joshie and saw him run to Pau's room.
Mabuti muna siguro na intindihin namin sina Stell.
Habang nag-mamaneho si Jah ay napatingin ako kay Stell sa likod. He wasn't functioning well, naluluha siyang nakayuko.
"Stell tama na." Pagod na sambit ni Jah. "Hindi na kayo pwede."
"Hindi, Jah. Gusto kong maging masama sa paningin ng ibang tao dahil sobrang sakit na ng nangyayari sa akin. Pinakawalan ko siya dahil tutol sa amin ang mga tao pero wala na silang magagawa. Mahal ko si Pablo at hindi ako papayag na sa iba siya mapupunta."
"Matulog ka na lang, Stell."
Nakinig naman siya sa akin, laking pasasalamat namin ni Jah na napagod si Stell kung hindi baka nag-aaway na kaming tatlo ngayon.
Masyadong makulit si Stell, alam namin na may mga bagay na kaya na niyang gawin in order for him and Pablo to get together pero may tiwala kami na hindi siya lalagpas sa limits niya.
Nang maihatid na ako ni Jah ay nagpaalam na ako dahil siya na raw ang bahala kay Stell. Ihinanda ko na ang higaan ko at namahinga na. Honestly...pagod ako ngayon galing sa trabaho pero when I saw my Joshie again I just felt so happy kahit hindi siya umuwi sa akin ngayon basta alam kong ligtas siya.
Ayon lang naman ang gusto ko para kay Josh eh...ang maging masaya siya kahit hindi ako ang dahilan ng mga ngiti niya.
Josh is owned by no one, he is a free person and wala akong balak gawan siya ng masama. But I crossed that line years ago...dahil sa akin ay naging ganito siya. Wala siyang permanent self, para siyang two people in the same body pero... he's a human and animal.
YOU ARE READING
The Bunny of the Moon
FanfictionJosh gets cursed in turning into a bunny every 6PM of the night. Ken, adoring him eversince he met Josh was hopeful to do anything for him and Joshie. Plot inspo: 'My Little Bunny' also a JoKen fanfic by @youngmasterhsk