Chapter 13: This Long

216 10 0
                                        

I have waited for Josh this long and I am willing to wait for him until the end of time.

"Ken, mag-pahinga ka din minsan." Sabi ni Stell habang nasa kuwarto si Josh at Pablo. "Jah, doon na lang sa kusina ang mga binili mo."

"Hindi ko kayang wala siya, Stell." Sagot ko. "Para akong mawawalan ng will magpatuloy kung hindi siya bumangon."

Stell gave me a tight hug. "Hindi niya magugustuhan kung ganiyan ka. When he wakes up dapat malusog ka. Halatang hindi ka nakakakain ng tama. Your eyes are puffier than when I last saw you."

"Tama si Stell, mag-tiwala ka lang. I'm sure magigising si Josh pero dapat, bago siya magising ay healthy ka." Sabi ni Jah mula sa kusina.

"Sige. Aayusin ko ang sarili ko." I started by eating on time and spent more time doing things I loved.

I went out more whenever my friends volunteered to watch over Josh. Sa hindi katagalang panahon ay nakabalik na ako sa dati pero hindi pa rin nagigising si Josh.

Parang niloloko ko na lang ang sarili ko.

Nagkaroon ako ng oras para makasama si Josh nang kami lang. Araw-araw kong hinihingi na sana panaginip lang ang lahat.

Humiga ako sa kama at tinabihan siya. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha at umamin.

"Josh... araw-araw akong umiiyak para mailabas ang lahat ng sakit. Kaya sana kahit matagal pa ipangako mo na gigising ka. Mamumuhay na tayo ng normal."

As expected, he said nothing kaya pumikit na lang ako at nakatulog.

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar, puro puti ang nasa paligid ko at maliwanag ang lahat.

Nakita ko si Justin at Krista na nasa may lamesa at si Stell na may kausap sa telepono.

"Yes, is Josh with you? Omsige. Hindi pa siya gising eh." Sagot ni Stell.

"Nasaan si Josh?" Tanong ko kaya nagtinginan silang tatlo.

"Pablo, bilisan mo. Gising na si Ken." Sabi ni Stell at nilapitan ako.

"Nasaan si Josh?" I asked all of them. "Stell, nasaan ako?"

"Ha? Anong nasaan ka? Nasa Venus?" Pilosopong sagot nito. "For the forgetavility ka ah."

"Ken, noong gabing hinabol kayo ng Mommy mo ay ang gabi na hindi kinaya ng katawan mo. You collapsed after Josh returned to his human self. It cost a year for you to fully recover." Sagot ni Krista.

"Hindi si Josh ang na-coma?" I asked.

"Josh was never in a coma." Sabi niya.

"Pero...lahat kayo andoon, comatose si Josh noon at nagagalit kayo sa akin dahil hindi ko inaalagaan ang sarili ko."

Bumukas kaagad ang pinto at ipinakita nito si Josh at Pablo. He's there...

"Ken, hun." He rushed to me to give me a hug. "How are you feeling?"

"Nandito ka na!" Hinila ko siya para mayakap at pinaliguan ng mga halik.

"Kadiri ang mga ferzown." I laughed at Stell.

Makulit siya ngayon dahil masaya na ulit siya. I can see that.

"Ken...sa sinabi mo kanina. Si Josh ang hindi nag-aalaga sa sarili. Ikaw ang naging biktima." Sabi ni Jah.

Tinignan ko si Josh, he looked tired. Isang taon ba siyang ganito? Sana naman inalagaan nila si Josh nung wala ako.

Nang makalabas ako ng ospital ay inamin ni Josh ang lahat. Sa lahat ng nangyari sa amin ay pinili niya pa ring manatili sa akin kahit walang kasiguraduhan na magigising ako.

"Bakit ka nanatili?" Tanong ko.

"Nangako ako dati sa'yo. Sabi ko uuwi ako. Alam kong uuwi ka rin sa akin, alam kong hindi mo kayang wala ako sa tabi mo."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Tama ka, Love. Hindi ko nga kaya na wala ka."

He hugged me as we looked for a pet bunny.

"Kamukha mo oh." I said then pulled out the bunny. "Cute."

"Let's buy it." Sabi nito sa akin at nginitian ako.

We bought the bunny and lived happily for the rest of our lives.

The End.

The Bunny of the MoonWhere stories live. Discover now