Darker's soft side

1.5K 42 0
                                    

Araw ng sabado. Darker is still busy with his work. May urgent meeting pa siya mamayang 9. Maaga siyang pumunta sa kompanya niya at saka nagsimula agad. Good thing Anthony was there to help him with the papers. Maayos na rin itong nakakalakad. Balik ulit sa dati ang lahat. The cold and serious Darker Evron Wolbretz. But not to his girlfriend Xyryll. His soft side is only for Xyryll.

"Ihanda mo nalang 'yong laptop and papers na dadalhin sa meeting room, tatapusin ko lang ito, and we'll proceed to the meeting." He seriously told Anthony. Kapag ganoon ang tuno ng boses niya alam na alam na ni Anthony kung bakit. He's very busy. Maraming gagawin.

"Just tell me when everything are ready." Sabi niya habang naka tingin pa rin sa mga papeles na nasa harapan nito.

"And also, bring me coffee." Dagdag pa niya. Wala namang ibang narinig si Darker kay Anthony, he is also doing his job as a secretary, walang salitang lumabas sa bibig nito. Anthony is really obedient.

After a minute bumalik si Anthony dala ang kape.

"Coffee, and everything is almost ready. Ikaw na lang ang kulang. Should we proceed?" Sabi nito sabay lapag ng kape sa gilid ng lamesa.

"I'll sip my coffee first bago tayo magpatuloy." Pagkatapos niyang magkape ay tumayo siya. He look at his wristwatch. It's almost 9. They need to hurry.

"Let's go." Sumunod naman si Anthony sa kanya. Habang naglalakad sila patungo sa meeting room pinagtitinginan sila ng mga empleyado.

Hindi pa rin kasi sila makapaniwala na buhay pa si Darker. Isang buwang nawala, walang balita at ni kahit buhok man lang niya aw walang nakita. Pero ngayon nakikita na nila ulit ang malahalimaw na boss nila.

"Their stairs are telling that I shouldn't be alive." Biro ni Darker habang nasa elevator na sila ni Anthony.

"Hayaan mo na lang sila. Ang importante buhay ka."

"They're surely gossiping why I am still alive. Siguro may nagsasabi na nang masamang damo kasi, matagal mamatay." Napailing si Anthony, isang buwan lang nawala si Darker marami ng nagbago dito. May sense of humor na ito at natuto nang mag joke. Tumatawa na rin ito.

Iba talaga ang epekto ni Xyryll sa buhay ni Darker. Maraming nagbago sa ugali nito.

The elevator stop at 8th floor. Naunang lumabas si Anthony, tumuloy sa paglalakad at pinagbuksan siya nito nang pinto. The noisy conference room went silent. Lihim siyang napa iling. Rinig na rinig naman niya ang pangalan niya mula sa labas. Nag chi-chismis na naman ang mga ito.

"Please settle down." Malamig na sabi ni Darker. Napatuwid naman ng upo ang mga head ng ibat-ibang department.

"Sir, Good morning. Good to know that you're alive. Akala namin ay patay ka na talaga." Tumaas ang kilay ni Anthony sa narinig. Si Darker naman ay madilim ang mukha. Walang expresyon. Malamig.

"This meeting is so urgent and very important since nawala ako for one month. Get ready all your reports. Make sure na tugma lahat ng mga reports nyo or else you all will get fired." Matigas niyang saad habang nilapag niya ang kanyang laptop.

"After all your reports may pag-uusapan tayo. Mr. Ramos, start your report now." Sumenyas siya ni Anthony na maupo sa gilid niya.

Tahimik ang conference room habang nag re-ready si Ramos nang report niya nang biglang tumunog ang cellphone ni Darker na nasa kamay ni Anthony.

"Si Tita.." Bulong ni Anthony. Kinuha ni Darker ang cellphone nya at sinagot ito.

"Mom?"

"Hello, son? Isininugod namin si Xyryll sa hospital. She suddenly passed out while she's cleaning the kitchen.."

Kumunot ang noo niya.

"Why did you let her clean the kitchen? May mga maids naman. I'm coming, what room? Is she awake now?" May himig nang pag-aalala ang boses niya. This pas few days ay okay naman ito.

"Room 60, I don't think she's awake. Nasa loob pa ang doktor."

Binaba niya ang tawag. Tumayo siya at binigay kay Anthony ang cellphone.

"I'm gonna cancel this meeting. I have an emergency." Wala na syang ibang sinabi at mabilis na nilisan ang conference room. Bigla siyang kinabahan, nag aalala rin sya dahil ito ang unang beses na nagka sakit si Veronica.

"Ako na mag da-drive para sayo." Dahil wala siya sa sariling lumabas ay hindi niya namalayan na sumunod pala si Anthony sa kanya.

"Good thing you followed." Ngumiti lamang si Anthony at saka kinuha sa kanya ang susi nang sasakyan niya.

Nang makarating sa hospital ay kaagad niyang nangtanong sa front desk kung saan ang room 60.

"Mom! How is she?" Kinakabahan niyang tanong. Sakto namang dumating ang doctor na nag check kay Xyryll kanina.

"Mr. Wolbretz.." Tumango lamang siya.

"Wala ka bang kakaibang napapansin sa girlfriend mo lately? Like pagsusuka, change of taste in food or allergic of some smell?" Umiling siya habang naka kunot ang noo.

"Oohh.. hindi mo pala alam na buntis siya." Parang tumigil ang mundo niya nang marinig iyon.

Xyryll is pregnant. They're pregnant.

"Oh shit!" Mura niya.

"For real?!" Naka ngiting tumango ang doktor.

He comb his hair. Hindi niya alam kung ano ang dapat na reaksyon niya. He's happy. He is. But it is beyond happy. Halo-halo ang nararamdaman niya.

He's gonna be a father!

"Can I see her? Is she okay now?" Tumango ang doktor at na una itong pumasok sa room. Gising na rin si Xyryll.

"Baby.." Mabilis na lumapit si Darker at walang anu-anong hinalikan si Xyryll sa labi. Wala siyang paki alam kung maraming nakakita.

He doesn't care. Gusto niyang ilabas ang kasayahang naramdaman niya.

"Evron.. anong nangyari? Bakit nasa ospital ako?" Darker hold her hands and planted some light kisses.

"You passed out, good thing Mom was there.. sobrang nag-alala ako sa'yo. Akala ko ano nang nangyari sayo."

"Bakit ako nahimatay? Kumakain naman ako sa tamang oras ah?" Ngumiti si Darker sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"You're pregnant, that's why." Nakangiti niyang sabi.

Buong buhay niya ngayon lang talaga niya masasabing masaya siya.

Xyryll really light up his world.

His future wife and a mother of his children.

________________

As promised. May update ngayon😽









Touch And Love: Darker Evron WolbretzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon