Light

1.8K 49 0
                                    

Napabalikwas sa pagkakahiga si Darker. Pinagpawisan ang buo niyang katawan. Mapa hawak siya sa kanyang ulo, masakit. He roam his eyes around the place. Nasa isang maliit na kubo siya na may dingding na puro kawayan at may bobong na dahon ng mga niyog at ang sahig ay puro kawayan din na tinali lamang upang hindi mabuwag, may dalawang bintana at maliit na altar na may mga maliliit na bote, sa ilalim naman ay may mga naka tuping mga damit.

"Where I am?" Sinubukan niyang tumayo pero hindi niya magawa. Masakit ang dalawa biyang paa.

Tinignan niya ang kanyang sarili. Puro mga pasa, galos at may mga malalim pang sugat ang katawan niya. Masakit kapag gumalaw siya.

"Shit!" Bigla siyang natumba sa isang kawayan na sahig nang sinubukan niyang tumayo ulit.

Bigla na lang bumukas ang kawayan na pinto. Bumungad sa kanya ang isang babae.

He stared at her. Naka lugay ang mahaba nitong buhok na kulay abo, nakasuot ng puting bestida na tila ba isang dyosa. Maamo rin ang mukha nito.

"Mabuti at gising kana." Lumapit ito sa kanya at inalalayan siya pabalik sa kama. Napangiwi sa dahil sa sakit dahil sa pag galaw niya.

"Where I am?" Inayos muna ng babae ang paa niya at saka nagsalita.

"Hindi ko rin alam." Kumunot ang nuo niya, he stared at her again.

"Ginagago mo ba ako?" Napatigil siya dahil ngumiti ang babae.

"I was also lost here." Napalunok siya. Sobrang lapit ng mukha ng babae sa kanya. Bumaba ito at bumalik na may dalang isang mangkok na may lamang lugaw.

"Pasensya kana at ito lang ang maihahain ko." Tinitigan niya ang kabuoan ng babae.

May mga peklat ito sa braso at sa binti.

"Huwag mo akong titigan ng ganya, Mr." Umiwas siya ng tingin. Umupo ito sa gilid nga kama at sumandok ng lugaw.

"Kumain kana. Isang linggo kang walang malay. Baka gutom ka na." Napasinghap siya. Ang mahalimuyak nitong bango ay nanunuot sa ilong niya.

"Huwag kang mag inarte, wala akong ibang maipapakain." Hindi sa nag iinarte siya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Ito ang unang pagkakataon na may isang babae na sobrang lapit sa kanya at tila ba hindi man lang takot sa kanya.

Well, hindi naman siya kilala nito bakit naman siya matatakot ?

Pero kahit na.

Hindi niya namalayan na naubos niya pala ang lugaw. Masarap pero may bitter taste.

"Nilagyan ko ng halamang gamot, it will help."

"Who are you?" Itinabi ng babae ang mangkok at saka tinignan ang mga sugat niya.

"Xyryll, iyan ang pangalan ko." Tumayo ito at may inabot sa maliit na altar. A bottle of medicine. The way she move halatang sanay at may kasiguraduhan. Walang pag alinlangan ang mga ginagawa nito.

"Where are we, Xyryll?"

"In the island of nowhere, Mr." Napasigaw siya nang biglang dampian ng gamot ang mga sugat niya. Parang mamamatay siya sa sakit.

"Wala bang ibang tao dito?" Umiling si Xyryll.

"Kita mo naman, puro kahoy ang nakapaligid, tayo lang." Biglang tumayo ang mga balahibo niya sa turan ng babae.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaskyon niya.

"Maiwan na muna kita. I'll look for halamang ugat at dahon. Huwag kang masyadong malikot. Hintayin mo ako." Bumaba na ito sa kubo at tanaw niya ang pag alis nito. Mag didilim na baka mapano pa ang babae.

Dalawang oras nang naglilibot si Xyryll, madami na rin siya nakitang gamot at mga ligaw na prutas kaya nag pasya na siya uuwi, sa pag uwi nakita niya ang ilog na may mga isda kaya nanghuli muna siya.

Habang pauwi siya ay hindi niya maiwasang isipin ang lalaking sinagip niya. Kahit pa na walang ahit ito ay talaga namang gwapo. At sa tuno ng pananalita halatang anak mayaman.

"Where have you been? Gabing-gabi na." Nasa pintuan naka upo ang lalaki nang maka-uwi siya. Hindi na sya mag tataka kong bakit nandon ito sa pintuan.

Naglatag muna siya ng dahon ng saging at saka nilapag ang mga dala niya.

"You're soaking wet. You get change." Hindi niya talaga alam kung bakit napaka bossy ng boses nito.

"Paano ako magbibihis nasa pintuan ka?" Sinubukan naman nitong tumayo pero hindi nito kaya, kaya ang ending tinulungan niya itong tumayo.

"Tumalikod ka muna. Mag bibihis ako o di kaya'y pumikit ka." Utos niya sa lalaki. Tumalikod siya rito at ramdam din niyang dahan-dahan itong tumalikod kaya naghubad siya at nagbihis na.

"You stay here, huwag kang masyadong gumalaw at baka bumuka ang mga sugat mo, I don't have any tools here kaya hindi ko matatahi ang sugat mo. Huwag matigas ang ulo." Bumaba na siya at pinaghiwalay ang mga gamot at prutas.

Pumunta muna siya sa pinakamalapit na ilog para hugasan ang isda at saka bumalik sa kubo at niluto ang mga ito.

"Pasensya ka na at ito lang ang kakainin mo, gabi na kasi wala akong makitang ligaw na saging na may bunga." Paliwanag niya. Hinimay niya ang apat na isda at saka pinigaan ng kalamansi at nilagyan ng kunting asin, initabi niya ito at kunuha ang isang buong pitsay.

"You got all of these while roaming around this forest?" Hiniwa niya muna ang pitsay at saka sumagot.

"Oo, una akong mapadpad dito muntik na akong mamatay sa gutom, walang makain. Mabuti nalang nagawa ko pang mag libot kahit na wala na akong lakas." Hinalo niya ang isda at ang pitsay, nilagyan ng gamot at saka sinubuan ang lalaki.

"Ako na. Kaya ko naman." Binigay naman nya ang mangkok.

"Ubusin mo 'yan para lumakas ka. Dito lang ako sa baba."

"Hindi ka kakain?" Umiling siya.

"I already ate berries. Hayaan mo na lang ako. Kumain kana."

"This is a bit awful but I have no choice." Rinig iyon ni Xyryll, tumawa na lang siya at tumingala sa langit.

Five months ago, she met an accident. Internship nila sa Palawan 'non. Papunta pa lang sila doon nang nagka engine failure ang eroplano na sinasakyan nila. Wala na siyang ibang ma alala kundi ang mga classmate niyang nalulunod.

Kasabay ng pag bagsak ng eroplano ang kanyang mga pangarap na ma-iahon sa pagkaka-utang ang ospital ng kanyang ama.

Ilang buwan na rin ang lumipas. Hindi niya alam kung may nag hahanap ba sa kanya o sa mga kaklase niya na nasawi sa aksidenti.

Pero umaasa pa rin siya. Kahit ilang taon pa ang lilipas. Hindi siya mapapagod na hintayin ang araw na mababalik sa dati ang lahat.

Alam niyang may darating na liwanag na mag bibigay ng pag-asa para sa kanya. Mga pag-asa na noon paman niya inaasam. At alam niyang darating 'yon.

__________________________________

Due to signal problem na late ang update ko😑 anyway how are guys doing? 😄😄

Touch And Love: Darker Evron WolbretzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon