EPILOGUE

2K 40 1
                                    

"Come over here, Nica!" Sigaw ni Xyryll sa pamangkin niyang si Nica. Sabado at alas nuebe na ng umaga pero sobrang init na ng panahon kaya gusto niyang maligo na si Nica.

"I don't want to take a bath, Aunt Verona!" Napabuntong-hinga na lamang si Xyryll dahil sa kulit ng pamangkin niya. Hinayaan lang niya ito na lumayo at tumatakbong naka-hubad sa malawak na harden ng mga Wolbretz.

Dalawng taon mahigit ang lumipas, may dalawang anak na sila ni Darker. Nang ipinanganak niya ang kanilang panganay ay ikinasal sila sa simbahan  after a month ay buntis agad siya. Hindi naman siya nagsisisi, in fact masaya siya. Masayang masaya.

"Baby, hayaan mo na si Nica. Maliligo din yan mamaya dahil sa sobrang init ngayon." Napabuntong-hinga na lamang siya at kumapit sa braso nang asawa niya.

"Minsan talaga gusto ko na siyang pauwiin sa Spain. Hay nako. Ewan ko ba kay Kuya Nic at bakit hindi pa niya naaayos ang buhay nilang mag-asawa. Nakaka-awa ang bata." Ang Kuya Niccolo niya'y may pinay na asawa. Ang asawa nito ay assistant ng Kuya niya, pero gaya nila ni Darker may mga pagsubok talaga na darating.

"Pasok na muna tayo, sobrang init dito. Hayaan mo muna si Nica. Mamaya papasok din 'yon at maliligo." Tumango na lamang siya. Nang makapasok sila sa mansyon na datnan na nilang gising si Xion, ang panganay nilang isang taon na. Nasa kandungan ito ng Lola nito at tuwang-tuwa nang makita silang dalawa na papalapit.

"P-papa! Mama!" Hindi mapigilan ni Xyryll na maluha habang kinukuha ni Darker ang anak.

"Kami na muna bahala kay Xion, Mommy." Humalik muna ang Lola nito kay Xion bago ito umakyat ulit. Tiyak na mag aasikaso na naman 'yon sa mga supply ng strawberry farm niya. Ayaw man ni Darker na mag trabaho pa ang Mommy niya pero matigas ang ulo dahil ayaw naman rin nito na mabagot at mabulok lamang sa kwarto kaya hinayaan na lamang nila ito.

"Ang gwapo naman ng anak ko." Marahang pinisil niya ang pisngi ng anak at humagikhik naman ito dahil sa sinabi niya.

"Mana sa Papa, right anak?" Tumango-tango naman si Xion sa sinabi ni Darker na ikinatawa ni Xyryll.

"Hindi ba ako gwapo, Misis?" Sumimangot siya kay Darker. Hindi naman talaga makakaila na gwapo ang asawa niya.

"Beyond handsome, husband." Pilyong ngumiti si Darker sa kanya kaya natawa siya. Alam na alam niya ang ngiti na 'yon.

"Later. Pakainin mo muna si Xion at pupuntahan mo muna sa kwarto si Deanna." Tinungo niya ang hagdanan at saka umakyat papunta sa kwarto nila. Tulog pa ang bunso nila kaya hinayaan na lang muna niyang matulog. Palagi kasi itong nagigising ng alas dos ng madaling-araw at matutulog ito ng alas quatro na. Pati siya ay napupuyat kahit hindi naman ito iyakin o nagpapabuhat.

"You look like your Papa, Deanna. You almost got everything."

"Except her eyes." Napalingon siya sa asawa na kakapasok lang. Ngumiti siya rito.

"And it's a good thing, baby. I don't want to see them having the same cold eyes as mine," Lumapit ito sa kanya. Inabot niya si Xion na tulog na ulit.

"Tapos na siya kumain, he said he's sleepy kaya ayan natulog ulit. Mukhang na puyat dahil kay Deanna."  Nilapag niya sa kama si Xion at kinumutan.

Kahit pa sakto ang tulog ni Xion ay antukin talaga ito kaya wala siyang problema kapag pinapatulog niya ito sa hapon dahil kusa itong matutulog.

"Baby time," bulong ni Darker sa kanya kaya napatawa siya. Kapag ganitong tulog ang dalawa nilang anak ay nag de-demand din talaga ng oras si Darker. At kahit palagi itong busy sa kompanya ay naglalaan rin ito ng oras sa kanya at sa kanilang dalawang anak.

Hinapit siya ni Darker papalapit at masuyong hinagkan ang kanyang mga labi. He never failed her to feel love and appreciated.

"Every thing is worth it, baby. I am so happy and contented to my life right now." Ang sabi ni Darker habang hinahalik-halikan ang kanyang mukha.

"I have you, my lovely wife..and our two kids.. I can't ask for more." After he planted wet kisses on her face he claim her lips again.

"I love you so much, my baby. God sent you, for me to feel love and happy. The first time I saw you on the forest, wearing a white dress..you already own my heart. Ang ganda mo kasi. Para kang anghel." Hindi niya mapigilang maluha. Reminiscing the time they first met, first kiss and their first making love make her emotional. Ang layo na ng narating nila.

They are now married and they also have two little angels now.

"The independent and brave woman I've ever knew at nakuha mo talaga ang luob ko. I fell for you so hard. God! I love you so damn much, baby. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako kung hindi ka dumating sa buhay ko. You are my light in my darkest days..hindi ko talaga masasabing malas na nasira ang private plane ko. I think that was God's plan for us. He is great, right?" Marahan siyang tumango at niyapos ng mahigpit ang asawa niya.

Darker is not that talkative husband. He prefers action than words, that is why nagdadalawang-isip siya kung mahal ba siya ni Darker. Pero habang tumatagal ay nalaman din niya na ang love language ni Darker ay puro gawa, hindi salita.

Maybe everything was so fast. They never had a time to have know more about each other. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pero ang importante ngayon ay masaya silang dalawa, nagmamahalan at may dalawang anak na.

"Let's get married again, baby." Kumawala siya sa pagkaka-yakap at may kinuha si Darker sa bulsa ng short nito. Two rings with infinity styles with little diamonds on it.

"Your Mom and Dad, gave this to me last month after I told them that I want us to get married again..but this time sa Spain na. Spain was your birth place, and I also want to tell the whole world that the long lost daughter of Millan was found, happy, and owned by Darker Wolbretz."

"Will you marry me again, Mrs. Wolbretz?" A tear of joy run down to her cheeks. She can't contain the happiness she feel right now.

"Y-yes. Yes! I will." Niyakap siya ulit ni Darker at sabay bulong na mahal na mahal kita.

____________________________________

I found it hard to end this story, really. Nag go with the flow lang ako kasi minsan..ay madalas pala😂 madalas ang writer's block char! Maraming salamat po sa paghihintay, sa comments at votes. I appreciate it all. Pero nakakainis lang dahil akala ko..after years of being hiatus at nang magbalik ako hindi na ako mawawala ulit sa mundo ng Wattpad..Aalis ulit ako😔 pero promise babalik ako after 5 months, I will chase my dream first. Char lang hahaha. Mag t-take lang po ng board exam pangako na babalik rin. Tinapos ko lang talaga itong story na to dahil kating-kati na talaga ang mga daliri koooo huehue.

Maraming salamat po ulit sa inyong lahat. Mahal ko kayo.

-JXSEAN❤️

Touch And Love: Darker Evron WolbretzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon