HER POV
Hala. May epal na lalaki kanina. Ako yung tinatawag ng kaklase ko nakilingon. Pero infairness, ang cute niya. Pero aish. Basta, halata naman na ang yabang. Makatayo pa lang kala mo kung sino na. Nakita ko siyang pumasok sa room na katabi ng room namin so it means, Star section din siya. Well, well, hindi naman pala lahat ng cute walang alam. HAHAHAHAHA.
"Uy. Uy. Clarisse. Sino yung matangkad na lalaki na lumingon nung tinawag moko?" classmate ko. Galing siya sa elementary dept ng school nato kaya baka kilala niya kung sino yung medyo mahangin na cute na yon. Actually, gwapo nga e. Hehehe. ^.^v
"Ah. Ayun ba? Si kuya JC yon. Sorry. wrong timing yung pagtawag ko sayo, nandun din pala siya. Kala niya tuloy siya yung tinatawag ko. Hahaha."
Sooooo, magkapangalan pala kami. Nakakainis naman. Kaapelyido nga ayaw ko ng may kaparehas, pangalan pa kaya. Pwede namang JZ na lang. Para atleast kahit papano may pinagkaiba. Kaso WALA! WALA! WALA! Hays. May magagawa pa ba ako. Tsk.
Dahil nga first day, puro meet and greet ganon. Halos sa lahat ng subject puro introduce yourself. Palusot ng mga teacher na mukang wala pa sa wisyo magturo. HAHAHAHA. Just sayin'. Halata naman kasing hindi sila nakikinig.
*KRRRRRIIIIING (tunog ng bell yan HAHAHAHA)
4:30 palang ah. Ang alam ko ang uwian namin ay 5:30 ng hapon.
"Kung iniisip mo na kung bakit ang aga ng uwian, first day kasi." si Gianna Mari. Isa sa mga bago kong kakilala.
Kung nagtataka kayo kung bakit may kakilala agad ako na kung sino sino, it's because, friendly SILA, hindi ako. HAHAHAHA. sabi nga ni Clarisse muka daw akong masungit. Which is medyo totoo. Tsaka tahimik talaga ako sa umpisa. *Take note: SA UMPISA LANG.
Palabas nako ng school. Wala munang tambay tambay dahil di pa namin kami mga ganon ka close kaya school-bahay muna ang routine. Maganda yung paligid ng school namin. May malaking damuhan na tinatawag nung iba na "Grassland". Natawa nga ako e. May matawag lang. Sabi lang yan ng kapatid ko na si Katherine. Dito din kasi siya nag highschool.
Habang naglalakad ako sa hallway mag-isa, may narinig ako. At bigla ko 'tong kinainis.
"Pre. Nakita mo yung maliit na first year? Badtrip. Kapangalan ko. Pero infairness, ang cute niya. Pero muka namang mataray kaya kay Carmina parin ako."
Hays. Sabi na e. Siya yung matangkad na second year. Oo. Alam kong second year siya dahil nga nakita ko siyang pumasok dun sa room na katabi namin. Nakakainis ha. Nababawasan na yung kapogian niya sa mata ko. Ako?! Mataray?! Bakit ba yun ang first expression nila palagi sakin.
A/N: SALAMAT SA MGA KAIBIGAN KONG NAPAKASUPPORTIVE HAHAHHAHA HI GUYS! LOOOOVEYOUUU MWA MWA