Chapter FOUR

19 1 1
                                    

HIS POV


Kasama ko tropa ko. Palabas na kami ng campus (YES! Para tunog mayaman) HAHAHAHA. Naalala ko na naman yung kapangalan ko. At dahil hindi ako mapakali,


"Pre. Nakita mo yung maliit na first year? Badtrip. Kapangalan ko. Pero infairness, ang cute niya. Pero muka namang mataray kaya kay Carmina parin ako."


Kwinento ko kay Renz. At as usual, wala na naman reaksyon ang mukang intsik nato. Pero mabait to. Kaso nga lang pag DOTA ang nasa isip, wag mo nang kausapin dahil wala ka namang mapapala kundi "Ah. Talaga. Ayos."


By the way, Si Carmina, siya ay isa sa mga CRUSH ko. ULTIMATE CRUSH actually. Third year na siya ngayon. Pero landian lang dahil wala naman akong balak magseryoso lalo na't may nakita akong chicks kanina na kaklase ata nung JC na maliit.


"Ehem! Ehem! Tabi nga! Dadaan ako!"


Hala. Nandito pala tong bubwit nato. Sa sobrang liit hindi ko siya napansin infairness. HAHAHAHAHA. Narinig niya ata yung sinabi ko. Hinawi yung daan e. Ang liit liit kala mo kung sinong siga. Dagukan ko 'to. Pero dahil may awa naman ako sa kanya, hinayaan ko na lang at nagdaydream na lang ng biglang sumingit ang tropa ko.


"Brad. Nakita mo yung matangkad na first year? Ang ganda shet. Parang model. Narinig ko tinawag siya kanina nung kaibigan niya. Francesca de Vera daw ang pangalan."


"Hep. Hep. Gab. Matangkad kamo? Back off. Bagay kami niyan. Di kayo bagay. Masyado kang maliit para sa kanya. Turo mo sakin bukas."


Hay nako. Naeexcite na tuloy ako bukas.


"Uy casper yun yung maliit oh. Pasakay ng tricycle. Ang boring naman ng buhay niyan. Pagkatapos ng klase diretso uwi. Pero infairness ang ganda niya pala ha." sabi ni Luis, isa rin sa mga tropa ko.


"Malay niyo naman pagod lang o may gagawin. Napakajudgmental niyo talaga. Dyan na nga kayo. Uuwi nako. May game pa ako e."


Totoo ba tong narinig ko? Si Renz nagsalita ng sobrang haba?! LORD ANONG NANGYARI? Aha! Hmmm. I smell something fishy. Nagbibinata na ata ang silent boy ng tropa. At sa kapangalan ko pa. HAHAHAHAHA goodluck nalang Renz.


At dahil mahal ko ang kaibigan ko, kikilalanin ko nga yang JC na yan. Para mailakad nadin ang tropa ko. At mailakad din ako dun sa Francesca na sinasabi nilang maganda. Hehehe.


A/N: Kaway kaway mga kaklase kong supportive. HAHAHAHAHA. Wag kayo excited guys. Hahaha. Readers: (kung meron man except sa mga kaklase kong bugok HAHAHAHA) magready kayo kasi napakadaming characters niyan. Ang group of friend ni Joanna Christine at ni James Casper. Yun lang. Keep reading people. Thanks mwa mwa

The Perfect KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon