Chapter SEVEN

24 2 1
                                    

SKY POV


Hi guys! Ako nga pala si Sky. Ang cute na classmate ni Joanna Christine. Hehe. Alam niyo ba? Ang cute cute niya. Tapos ang astig pa kasi ang galling maggitara. Kayaaaa, magpapaturo ako. Friends naman na kami e. ^.^

Malapit lang ang bahay naming sa school kaya walang problema sakin kung magdadala ako ng gitara katulad nga ng sinabi ni Jc.

"Uyy. Jc baka nagkakalimutan na tayo. May dala akong gitara. Yohoooo."


Muka kasing tulala na naman siya. Total sabi niya kapag wala daw ginagawa tsaka niya ko tuturuan.

"o sige. Nasan na ba gitara mo? Basta gusto ko makinig ka. Ayaw ko ng paulit-ulit."


Hehe. Nakakatakot naman si Jc pero go parin. Desidido ako. Hahaha.

"12:51 muna ituturo ko sayo kasi madali lang chords non. Ganito."


Hala. May mga nakasilip na second year. At nandun si Kuya Jc. Iba feeling ko dun sa kapre na yon e. parang type si JC na kaklase ko. Hahaha.

HER POV


Habang tinuturuan ko si Sky, kuhit ng kuhit.

"ano ba yon sky? Ano't kuhit ka ng kuhit dyan?" tapos may tinuturo siya sa bintana. Nakatalikod kasi ako since yung mga upuan nakaipon sa gilid gawa nga nagpapractice kami ng sayaw.

"Woooooooh! Go bestfriend! Idol. Ang galling mo pala."


Shete. Shete. Nakakahiya. Baka sabihin nung iba pasikat ako. Gunggong ba tong lalaking to? kailangan sinisigaw. Sure akong nasigaw siya kasi kahit nakasarado yung bintana (na hindi naman talaga nabubuksan) e rinig ko parin siya.

"hays. Saglit lang sky ha? Tatanungin ko lang kung anong problem netong alien nato." Papalabas nako nung nagsalita si Francesca.

"Yie. Jc. Ba't ka namumula? Tama ba to? kinikilig ka"


"A-a-anong sinasabi mo dyan? A-ano kasi nakakahiya yung ginagawa niya. Sumisigaw pa siya sa labas."


Bago ako lumabas ng pinto, may salamin muna kasi. So ayun, nakita ko yung sarili ko. Hala. Bakit ako namumula? Tae. Imposibleng kinikilig ako no. study first ang motto ko e. hays. Never mind.

"Hoy casper ano bang sinasabi mo dyan ha? Wag ka ngang sumigaw nakakahiya ka." E nakakahiya naman kasi talaga. Pati mga kaklase niya na di ko kilala nakatingin na tuloy.

"P're, Casper daw oh. Casper. Alam niya buo mong pangalan. Yieee. Puso nato." Si Luis ata yon. Ewan. Limot ko na e. hahaha.

"Guys tigilan niyo nga si Jc (Joanna Christine). Nananahimik yung bata e." omergeeeed. Si renz. Si renz. Nagsalita siya. Ang pogi niya talagaaaaa. *o*

"Oh tahimik mo ata Jc (James Casper)? Okay ka lang? HAHAHAHA" Gab


HIS POV


SHET. Bakit alam niya yung pangalan ko? Nakakahiyaaaa. Ang panget pa naman ng pangalan ko. Casper. Mukang pang multo. Ah ah. Nakakaasar. Wala nako sa sarili ko. Hays.

"Ah. Ano ka-kasi Jc ang galing mo pa-pala. A-astig ka bestfriend! Hehehe." Pucha. Putol putol ata yung salita ko. Di ko na alam. Kailangan chill lang. chill ka lang james casper. Chill. Wala lang yan.

*charaaaaaa may naisip ako. (para to kay renz hindi para sakin)

"Dahil dyan lilibre kita sa Saturday. Diba guys? Lilibre naten siya?"


"Haaaa?!! Ano?!!! Bugok ka! Wala kaming pera Casper tigilan mo kami. Dyan ka na nga."


Taena. Ang tatanga naman ng mga to e. pero mga di naman umalis. Mga barbero talaga.

"Sa Saturday? Ayos lang din. Sige. San tayo magkikita kita?" si Joanna Christine yan. Oo alam ko buong pangalan niya (PARA KAY RENZ)

Ayos muka effective technique ko.

"E kaso pano ka naming makocontact e wala naman kaming number mo? Di ba guys? Diba?" I'm so talino talaga HAHAHAHA. Mukang nakuha naman ng mga bugok kong kaibigan ang ginagawa ko.

"OO NGAAAAA!"


"Ah. Ganun ba. Sige wag na lang." ang bilis naman magbago ng isip neto. Teka labas cellphone.

"Guys. Peram cellphone! Luis! Gab! Renz!"


"Nasa bag ko." Luis

"Hiniram ng kaklase naten." Gab


"Wala akong cellphone. -____-" Renz

Putek. Ako lang pala may dalang phone. Gago to si renz. Naka iphone tapos wala daw cellphone. Hays. Hina talaga e.

"eto na nga lang akin." May choice pa ba ko? It's now or never na to (PARA KAY RENZ)


"Dito Joanna oh." AY TANGINAAAAA..... NADULAS AKO! Hindi niya pa nga pala alam na alam ko na pangalan niya!

O_O —- Joanna

"Ah. Si-sige amina phone mo. 09*********. Ikaw na magsave may ginagawa pako e sige bye. J "


Pucha. Yung. Yung. Yung smile niya. Bat ganon? Ay tae ang bakla. Bahala na nga. Basta may number na niya nako. Next move na tayo Renz! Kahit di niya alam. HAHAHAHA.



A/N: Sa totoong buhay, hindi niya ganyan nakuha number. Ang banat ni JC non, "Oy libre kitang load" ang tangang si Jc (Joanna Christine) naman pumayag "E pano kita lilibreng load wala akong number mo?" HAHAHAHAHA tip lang guys laview mwa mwa

The Perfect KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon