HIS POV
Ayos. Pumayag si Ate na maging bestfriend ko. HAHAHAHA. At etong si Renz, kanina pa namumula at tahimik HAHAHAHHA kinikilig ata.
"Pre ayos ka lang ba? Huwag ka magalala. Magiging ka-close mo din yon. Ako bahala sayo. Ang ganda nung Francesca no? Chicks ay."
*brrrrrr (cellphone na nagvibrate)
Nagtext si bebe Carmina. Omegee. Omegee. Kinikilig ako. Hahaha.
"Renz tera pasok na tayo. Wag na tayo magrecess. Haha."
RENZ POV
Hi guys. Oo tahimik ako. COMPUTER ang asawa ko. Ipagpapalit ko lahat para lang makapaglaro ako. Matalino naman ako. Sabi nila. Magaling ako sa math. Hehehe. Oo. Asset ko yun e. nakakaturn on daw kasi ang mga lalaking magaling sa math. Hindi ako palasalita pero sa isip ko, ang dami kong gusto sabihin kaso tinatamad ako magsalita kaya wag na lang. kaya asahan niyo na sa POV ko e mahaba yung walang "" (panipi daw tawag dyan sabi ng teacher ko e hehe) kesa sa meron.
LANGYAAAAA! Baket ba ko nagkaron ng ganitong kaibigaaaaan? Gusto ko nang lumubog kanina nung kausap namen si Jc. Lalaki ako. Alam kong may balak si Jc (James Casper) na hindi maganda. Pero ang cute niya talaga. Nung nakita ko siya, crush ko na agad siya pero wala naman akong balak landiin siya dahil parang di naman ako papasa sa kanya. Tsaka masyado akong busy sa paglalaro. Baka pag naging kami nyan, papiliin ako kung siya o paglalaro ko, baka masaktan siya sa isasagot ko. Haha.
"Sht. Namumula kaya talaga ako kanina?" sabi ko sa sarili ko.
"Pre. Ano nagaadik ka na naman ba? Kinakausap mo na naman sarili mo. Oo namumula ka kanina. Kwinento sakin ni JC e. ang gay mo brad. HAHAHAHA" si Gab yan. Potek. Narinig niya pala na kinakausap ko sarili ko. Nakakahiya. Pero sanay naman na yang mga yan sakin.
"Okay class. Get your math book." Ayos math na pala. Favorite ko 'to. hahanga na naman mga kaklase ko sakin. Hahaha. Kahit na naiinggit ako sa mga first year na walang klase dahil practice nila para sa freshmen day. Taon taon naman yon kaya naranasan ko na din at hindi nakakatuwa dahil kailangan mo sumayaw. Hays. Dyan na nga kayo. Bye.
HER POV
Hays. Nakakapagod. Ayaw ko naaaa! Gusto ko na umalis ditoooo! De joke. Syempre bawal. Nakakapagod kasi sumayaw. E nung elementary ako doxology lang ang sinasayaw ko at minsan lang yon. At eto ka, DANCE AGAIN pa ang sasayawin naming. Gano naman kasaklap yon diba?
"Okay kalang JC? Parang tulala ka?" Ang cute cute naman neto. Haha. Si Sky.
"Oo. Okay lang ako. Medyo mahirap lang kasi yung sayaw na tinuturo ni Ate Aira. Haha. Ikaw ba? Nakaksunod ka?"
"ANOKABA! Hindi ka nagiisa no. gusto ko na nga magwalkout at tumigil sa pag-aaral para lang hindi na ko sumayaw ulit habang buhay kaso hindi naman pwede. Huhuhu."
Ang cute niya talaga. Hahaha. Mukang magkakasundo kami neto ni Sky. Parehas kaming di marunong sumayaw e. hindi din daw siya marunong kumanta sabi niya kanina sakin. Ang daldal e.
"Uy turuan mo naman ako maggitara JC. :3 diba marunong ka? Oyyy. Sinabi mo yon nung first day kaya bawal ka tumanggi. :p"
Aba may nakikinig pala sakin nung nagpapakilala ako. Hahaha. May magagawa pa ba ko? E mukang magiging close kami neto ni sky kasi pareho kami halos ng mga gusto. Galling siya sa elem dept ng school nato kaya ang dami nyang chismis sakin. Hahaha
"makakatanggi pa ba ko sayo? Hahaha. Sigeee. Dala kang gitara bukas para kapag vacant tayo tuturuan kita, kuuuung sisipagin ako. Hahaha."
A/N: Guuuuys. Kapag HIS POV means si James Casper yon, kapag HER POV si Joanna Chrisitine yon. Kapag ibang tao, lalagyan ko nalang pangalan. Enjoy and keep reading guys! J mahirap pala gumawa kapag magkapareho ng pangalan. HAHAHAHAHA share lang