RENZ POV
Kaya ko 'to! Kakayanin ko to. Ano ba yan! Bat bako ganito. Namamawis na yung kamay ko. Ano ba to. Nababakla na ba ko? No!
Eto na. Lalapitan ko na siya. Ang cute niya talaga. Kahit parang inaantok na siya sa sobrang pagkabagot. Hahaha.
"Hi. A-ano. Ka-kasi. P-pwede ba kitang isayaw? Pero ayos lang kung ayaw mo."
O_O -joanna christine
Hala. Bakit? Bakit parang gulat na gulat siya. Hala. Baka ireject niya ko. Anong gagawin ko? Shit. Nagpapanic nako. Nakatulala lang siya sakin. Feeling ko ayaw niya.
"Ano. Sige. Kung ayaw mo okay lang."
Eto na. Lalayo nako. Huhuhu. Muka ngang ayaw niya. Huhuhu. Worst night ever. Kahit gabi na, kita ko parin yung muka niya na gulat na gulat.
"Re-renz."
Dugdugdugdug. Shet. Yung puso ko. Tama ba to? Tinawag niya ko. Parang nasa movies lang. Tae. Nababakla na talaga ako. Kelan pako natuto neto. Hays.
"Renz. Sige sayaw tayo^-^"
O_O- AKO
Ako naman yung nagulat. Di ko ineexpect. Pero yes! Pumayag siya. TAE! wag moko ngitian ng ganyan JC! nanlalambot nako. Nilapitan ko na siya. Syempre pa gentleman ako. Inabot ko yung kamay ko. Pagkakataon ko na to e. Hehehe.
HER POV
Shet. Si renz niyayaya akong sumayaw! Lord. Totoo ba to? Bakit parang may chinese na anghel sa harap ko? Ang pogi pogi niya talaga. Renz Quizon why so gwapo?
Sa pagdedaydream ko, di ko napansin nakatulala na pala ako. May sinabi si Renz kaso di ko naintindihan.
"Ano. Sige. Kung blalalalala"
Yan na lang yung naintindihan ko tapos tumalikod na siya. Hala. Di ko pa pala nasasagot yung tanong niya kung okay lang na sumayaw kami. Baka kala niya ayaw ko! Waaaa.
"Renz. Sige sayaw tayo^-^" sinamahan ko na ng ngiti. Nakakahiya kasi e. Kala niya ayaw ko e. Ang cute niya. Lalo na kapag parang nagugulat siya. Yung maliit niyang mata lumalaki. Qtp2t. Hihihi.
Ayan na. Shet. Hawak na niya yung kamay ko. Waaa Renz wag mo nakong bitawan! Huhuhu.
"Uy. Jc okay ka lang ba? Parang di ka mapakali?"
Shet. Napansin niya pa yon.
"Sino ba naman kasing di mapapakali kung may ganito kagwapong nilalang kang kasayaw." pabulong kong sinabi yon syempre. May hiya pa naman ako kahit konti.