Chapter FIVE

16 2 0
                                    

HER POV


Umaga na naman. Papasok na naman ako. Hays. So daily routine na naman. Babangon. Magaayos ng buhaghag na buhok. Lalabas ng kwarto. Magiisip kung kakain ba o hindi. Wala na si Katherine nga pala. :( Umuwi na siya sa Manila since dun na siya nag-aaral kasama ang dalawa kong kapatid. Bunso ako. Pasensya kung kulang kulang ako magpakilala. Bago ako, si Katherine kaya siguro mas close ako sa kanya kesa dun sa dalawa. HAHAHA. Si mama naman nasa Dubai, nagtatrabaho. At ang magaling kong papa, ayun kasama ang evil step mom ko. HAHAHAH oo evil talaga. Ayaw ko sa kanya e.


"Tito. Papasok na po ako."


paalam ko sa step dad ko. Yes. Siya lang ang kasama ko sa bahay. Minsan lang kasi ako puntahan nung mga kapatid ko dahil busy din sila. Etong step dad ko, sobrang bait. Parang mas mahal niya pa kami kesa sa tunay kong tatay na halos ilang buwan na akong di naaalala simula nung birthday ko.


SA SCHOOL


"At dahil bago lang kayo sa school nato, syempre special kayo. Kaya magkakaron tayo ng acquaintance party at freshmen day. So mamaya, may dadating dito na third year para turuan kayo ng sayaw. Kaya magpakabait kayo okay? Ayaw kong malaman na ang section ko ay makukulit. Hindi na kayo bata. Mukang bata, pwede pa. Yung iba lang naman. Hehe." litanya ng adviser ko na kanina pa putak ng putak. Hindi ba halatang hindi kami interesado sa sinasabi niya? Ewan ko. Ang weird ng mga kaklase ko e. Pero muka namang matatalino. Kaya siguro muka talagang mga weird.


*kriiiiiiiingg


Recess na! HAHAHAHA oo yan lang ang napapansin ko. Isa lang sa sinabi ng adviser ko ako natuwa e, yung may pupunta para magturo ng sayaw. Hindi dahil mahilig ako sumayaw kundi malamang walang teacher ang pupunta para maglecture.


"Hi Ateng maliit. Bestfriend na tayo ah?"


Teka. Sino tong nagsasalita sa likod ko? Ako ba kinakausap niya? MALAMANG! Si Francesca kasama ko e ang tangkad neto. So ako nga yung maliit na tinutukoy niya. Waaaaa leche! Ako maliit? OO na! Ako na! Ako na maliit!


*Lingon.


As expected, siya nga. Siya nga. Pero teka, ang pogi ng kasama niya ah. Hehe. Teka, linawin ko nga yung sinabi niya.


"Ako ba kausap mo kuya?" with matching turo sa sarili ko


"Oo. Ikaw nga. Ikaw lang naman maliit dito ngayon e. ^.^v"


Aba. Gago to ah. Pero may point siya. Teka. Ano daw? BESTFRIEND?! KAME?! Ha? Bakit naguguluhan ako.


"E kahapon lang narinig kita na sabi mo parang mataray ako tapos ngayon gusto mo na ko maging bestfriend? Okay ka lang kuya?"


"Pasensya nga pala dun sa nasabi ko. Hehe. Oo okay lang ako. Gusto lang kita maging kaibigan, tsaka sinabi netong tropa ko na si RENZ na wag daw maging judgmental."


So, Renz pala pangalan nung poging mukang intsik na kasama niya. Hahaha. Dahil dyan, papayag nako sa gusto neto ni Kuya. Hahaha.


"O sige na nga. By the way, si Francesca, classmate ko." pakilala ko. Kanina pa siya nakatayo sa tabi ko e. Hahaha. Ang rude naman kung di ko siya papakilala.


Syempre kailangan ko din pakilala sarili ko. Haha. Para malaman nadin nung Renz. "My name's....." "JC. Alam ko. parehas nga tayo e. How cool."


Sana hinintay naman muna niya 'ko makatapos di ba? Ang bastos e. hahaha.


"Uy. JC 15 minutes lang ang break naten, ang tagal niyo na magkausap oh. Tera na." si Francesca. Ay oo nga pala. Makapagpaalam na nga sa dalawang to.


"Sige una na kami BESTFRIEND, and sayo Renz. :")" Sarcastic yung pagkakasabi ko ng Bestfriend kasi di naman ako naniniwala na magiging magbestfriend kami kasi di naman dinedeklara yon diba? Pero nung si Renz na yung binati ko, Syempre pacute ako. Type ko e. Hehehe.


A/N: SA

The Perfect KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon