⚠ WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! ⚠
Kabanata 5: Massage
"Are you mad, Luna?"
Napalingon ako sa nagmanehong Aaron. Nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sakin. Binalik ko nalang sa labas ang aking paningin.
"Hindi."
"Really?"
"Yeah."
"You sounds mad though." bulong niya na narinig ko naman.
Napaismid nalang ako at di siya pinansin. I'm not mad at him. Hindi ko lang talaga alam kung anong nangyayari sakin ngayon.
Ayoko sa kanya, pero may parte sa utak ko na magugustohan siya dahil lang sa ginawa niya ngayong araw.
Kaya kung may tao man akong kinaiinisan ngayon, sarili ko iyon. Naiinis ako sa sarili ko dahil ang dali kong nahulog sa patibong niya.
Saka kakahiwalay lang naming dalawa ni Clark. Isang linggo pa nga lang ang lumipas kaya bawal akong magkagusto kay Aaron. Wala pang tatlong buwan na single ako.
"Luna..." tawag niya ulit sakin.
Hindi ko siya nilingon at nagkunwari akong hindi ko siya naririnig.
"Baby..."
Napakagat labi ako para pigilan ang mapangiti.
Damn it!
Bakit kailangan niya akong tawagin ng ganon?
Kainis naman eh!
"Baby, are you really mad at me? Hmm..." sabi niya sa malambing na boses.
Diniin ko lalo ang pagkagat sa labi ko dahil mapapangiti na talaga ako.
"Baby, pansinin mo na ako..." paglalambing niya ulit.
Napapikit na ako ng mariin bago ako lumingon sa kanya.
"What?" pinasunget ko ang boses ko para kunwari ay walang epekto ang panglalambing niya sakin.
"Galit ka ba sakin?" nakanguso ang mapupulang labi niya nang itanong niya iyon sakin.
Parang biglang nagwala ang puso ko sa loob ng dibdib ko. How come he looks so cute when he pouting his lips like this? Para siyang makulit na bata at malayo doon sa demonyong Aaron na nakilala ko.
Napaiwas nalang ulit ako ng tingin sa kanya. Ano mang oras ay mapapangiti na niya ako at hindi pwede iyon. Baka sabihin niya na kinikilig ako sa kanya.
Asa naman siyang makakaramdam ako ng kilig! Matatakot siguro pwede pa!
"Stop it, Aaron." saway ko sa kanya.
"Why, Baby?" maangan na tanong niya sakin.
"Stop calling me baby. Hindi ka ba kinikilabotan? Noong isang linggo lang ay tinututokan mo pa ako ng baril at sinasaktan, tapos bigla kang magiging ganyan." di ko na napigilang sabihin sa kanya.
"I-I'm sorry."
Gulat na napalingon ako sa kanya. Did he just said 'I'm sorry'? Talaga bang nagsorry siya?
Kinapa ko ang noo niya at ang leeg niya kung mainit ba. Baka kasi mamaya may lagnat ito kaya ganito ang kinikilos, pero normal naman ang temperatura niya. Wala siyang lagnat.
"May masakit ba sa'yo? Gusto mong sa ospital na tayo dumeretso para ipatingin ka, Aaron? Baka kasi malala na ang sakit mo eh." concern na sabi ko.
Napataas ang isang kilay niya at nagugulohang tinignan ako.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Wife [ON-GOING]
General FictionWIFE SERIES#1: VICTORIA LUNA GUERRERO When Victoria Luna lost her father in an accident, her life became miserable. She was kick out by her evil stepmother on their house, her boyfriend cheated on her with her bestfriend and she found out that her d...