KABANATA 16

73 5 2
                                    

⚠  Trigger Warning: depression, anxiety, death and trauma. ⚠

Kabanata 16: Trauma

"Run away, Luna! Run!"

Umalingawngaw na parang kulog ang sigaw na iyon sa madilim at tahimik na kalsadang tinatahak ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ako papunta, ang tanging gusto ko lang ay makatakas at makalayo sa lalaking humahabol sakin.

Mabibigat na paghinga na rin ng lumalabas mula sa bibig ko. Naghihina na at sumasakit na rin ang mga paa ko dahil kanina pa ako takbo ng takbo, pero hindi ako pwedeng tumigil. Papatayin ako at ang magiging anak namin ni Aaron.

Pilit kong inaaninag ang daan na tinatahak ko dahil sobrang madilim ang paligid. 'Ni wala man lang kahit konteng liwanag para hindi ako magkandalisod sa pagtakbo ko.

Masakit na rin ang tiyan ko at parang may babagsak na lalabas na mula rito. Hinawakan ko ang ilalim ng malaki kong tiyan para hindi tuloyang bumagsak ang batang nasa loob no'n.

"Kumapit ka lang, Baby. Kapit ka lang kay Mommy....please lang kumapit ka."

Napatalon ako at muntikang madapa nang makarinig ako ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Rinig na rinig ko na rin ang yapak ng taong humahabol sakin na malapit nalang siya sakin.

Akmang lilingonin ko ang pinanggalingan ko nang umalingawngaw nanaman ang isang putok ng baril at kasabay ang malakulog niyang sigaw.

"Don't you dare look back, Luna! Just Run!"

Nanginginig na sa sobrang takot ang buong katawan ko. Parang gusto na ring sumuko ng mga paa ko sa pagtakbo, pero hindi pwede.

For the sake of my baby, I should not stop running away from my ruthless husband.

Kahit alam kong malayo na siya at wala na akong naririnig na mga yapak sa madilim na daan ay patuloy parin ako sa pagtakbo.

Kaso kusang tumigil ang mga paa ko nang marinig ko ang isang boses ng batang babae.

"Mama..."

Napalingon ako roon at nakita ko ang isang batang babae. She's panting and obviously catching her breath like me. Parang tumakbo rin siya tulad ko.

"Baby.." tawag ko sa kanya saka nilapitan siya at hinawakan sa kamay. Akmang tatakbo na ulit kami nang biglang may umilaw sa harapan namin. Sobrang nakakasilaw nito at ang sakit sa mata kasunod no'n ay ang malakas na pagbangga ng isang matigas na bagay saking katawan.

Tumilapon ako at napagulong gulong sa kalsada dahil sa lakas ng impact ng pagkabanga sakin.

Parang namanhid ang buong katawan ko at wala akong ibang marinig kundi ang isang matinis at nakakarinding tunog. Nanlalabo man ang paningin ay nagawa kong tignan si Serenity.

Nakita ko siyang nakahandusay sa kalsada at hindi gumagalaw. Kahit namamanhid ang buong katawan ko ay pinilit kong gumapang palapit sa kanya.

Pilit na inaabot siya ng mga kamay ko, kaso malayo siya at hindi na kaya ng katawan ko. Bumibigat na rin ang talukap ng mata ko at Unti-unting dumidilim ang paningin ko.

"A-anak ko..."

Bago ako tuloyang mawalan ng malay ay may naramdaman pa akong malapot na rumagasa sa gitna ng hita ko.

M-my b-babies...

"IYONG MGA ANAK KO!"

Napabalikwas ako ng bangon sa kama. Hingal na hingal ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Basa na rin ng pinaghalong pawis at luha ang aking buong mukha. Maging ang likod ko at damit ay basang basa na rin ng sariling pawis.

The Revenge of a Wife [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon