Simula: Victoria Luna Guerrero
"ARGH!! Ang panget ng mga palabas!" narinig kong reklamo ni Sienna.
Napatawa ako ng mahina habang tinitignan siya. Ang cute talaga niya habang inis na inis na pinipindot ang remote control.
"Ibalik mo nalang kasi doon sa pinapanood natin kanina. Maganda naman iyon eh." natatawang sabi ko pero ngumuso lang siya saka nagpipindot ulit para maghanap ng channel.
Nakangiting napailing balang ako habang sumisipsip ng kape sa basong hawak ko ngayon. Alas diyes palang ng umaga rito sa New York at kakatapos lang din namin na mananghalian.
Linggo ngayon kaya naman ay day off naming dalawa sa hospital. I mean rest day, pero kapag may biglaang emergency patient ay no choice kami na pumunta roon.
"BREAKING NEWS FROM THE PHILIPPINES: A Filipino Business Tycoon, Aaron Gablin Monastero-Suarez has already proposed to his long time girlfriend, Sandy Angeles Vitanza."
Matigilan ako dahil sa narinig ko mula sa babaeng reporter na nasa TV. Muntikan ko pang nabitiwan ang hawak kong baso na naglalaman ng mainit na kape dahil doon.
Napaangat ako nang tingin sa monitor ng tv, kitang kita ko tuloy ang mga pictures ni Aaron kasama si Sandy. Halos lahat ay mga sweet photos nilang dalawa.
Parehas silang mukhang masaya sa bawat litrato. Tapos maya-maya pa ay nagplay ang isang video kung saan nagproposed si Aaron kay Sandy.
"Ay bawal nga pala Philippines news rito," narinig kong sabi ni Sienna saka nilipat ang channel. Lumingon siya sakin na nakangiwi. "Sorry Mads, 'wag mo nalang sabihin kay Kuya Gavin ang tungkol doon ha. Magagalit iyon sakin."
Tumango lang ako sa kanya at hindi na nagsalita pa. Tumayo na rin ako para pumasok sa sariling kwarto. Nawalan na ako ng ganang manood pa.
"Saan ka pupunta, Mads?" tanong niya sakin.
I give her a sly smile before I go to my own room. Narinig ko pang tinatawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon pa at dere-deretso na ako sa kwarto ko.
Sa sariling closet ako dumeretso, kumuha ako ng dalawang maleta roon at nagsimulang mag-impake ng mga gamit.
Hindi ko hahayaang maging masaya silang dalawa habang ako ay mag-isang nagdudusa rito. They ruined my life before. They killed my little angels. Made my life miserable and forcing my mother to change my name just for me to forget about it.
Kaya hindi pwedeng ako lang ang nagdudusa. Damayan na kung damayan pero kasalanan naman ng walang pusong lalaking iyon lahat ng ito. Kasalanan niya at ng babaeng pinili niya.
Nang matapos akong mag-impake agad akong lumabas ng kwarto. Naabotan ko si Sienna na nakaupo at tumatawa sa pinapanood niya kaya hindi niya ako napansin.
"Sien, alis lang ako sandali." paalam ko sa kanya.
Tumingin naman siya sakin na may pagtataka. "Saan punta mo?" tanong niya.
"Sa Hospital. May sasabihin lang ako kay kuya Gavin tapos uuwi na ako agad." sagot ko.
Tumayo naman siya sa pagkakaupo niya. "Samahan kita, Mads."
Umiling ako sa kanya saka ngumiti. "Huwag na. Babalik rin naman ako agad dito, saka enjoy na enjoy ka na sa pinapanood mo oh." sabi ko sabay nguso sa tv.
"You sure?"
"Yes. Saka I'm not a child anymore para bantayan at samahan, Sien. My gosh, I'm already 29 years old." sabi ko.
"Sabagay. Sige ingat ka nalang ha. I love you!" sabi niya sabay nagflying kiss.
Pabiro ko naman itong sinalo at inilagay sa pisnge. "I will. Enjoy sa panonood!"
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Wife [ON-GOING]
Ficção GeralWIFE SERIES#1: VICTORIA LUNA GUERRERO When Victoria Luna lost her father in an accident, her life became miserable. She was kick out by her evil stepmother on their house, her boyfriend cheated on her with her bestfriend and she found out that her d...