Kabanata 21

92 9 2
                                    

Kabanata 21: Fever

HINDI ako nakatulog ng maayos kagabi dahil hindi na ako sanay na matulog sa couch. Kahit malaki naman siya at malambot ay di pa rin ako sanay.

Kaya ayon, nagigising ako ng ilang beses kaninang madaling araw, ang ending tuloy ay kulang ako sa tulog ngayon while Aaron still sleeping peacefully and comfortably on my bed.

Sarap niyang tadyakan sa totoo lang.

Bakit kasi ako pa ang nag-adjust kagabi edi sana maganda tulog ko ngayon.

Pero wala na, nangyari na eh and sana 'di na maulit 'to.

I just washed my face and brushed my hair before I went out to my room. Sa kusina na ako dumeretso. It's already seven in the morning and because it's Sunday, pwede akong magtake ng day off ngayon.

Ayokong pumasok dahil ayokong makita si Hance...hindi ako galit sa kanya pero naiinis lang ako. He betrayed me by lying about my son.

Kung hindi niya pinalabas na patay ang anak ko, hindi sana ako nabaliw noon...hindi sana ako naghirap ng pitong taon.

But, it's already done. Nangyari na at hindi ko na maibabalik pa ang panahon. Basta ang mahalaga ngayon ay alam kong buhay ang anak ko. Ang iisipin ko nalang ay pano ako bumawi sa kanya.

At kung paano ko siya mapapagaling sa sakit niya. Syempre, babawian ko rin ang Sandy na iyon. Ang dami niyang ginawang masama sakin—samin ng mga anak ko.

Binuksan ko ang refrigerator para maghanap ng malulutong pagkain, but my refrigerator was almost empty. Walang maluluto roon at ang tanging laman ay tubig lang.

Damn, nakalimutan kong maggrocery nong nakaraang linggo. Hindi kasi ako nagday off no'n dahil busy sa hospital kaya ayan, malapit nang maubos ang mga stocks ko.

I don't usually eat canned goods but looks like I don't have a choice now. Makakain ko na ang mga nakastock na canned goods sa pantry.

Kumuha ako ng isang lata ng corned beef and spam. Marami na siguro ito dahil dalawa lang din naman kaming kakain ni Aaron.

Nagsaing muna ako ng kanin bago ko niluto ang corned beef and Spam. After a several minutes, naluto na rin sa wakas.

"Should I wake up, Aaron or nah?"

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko. The door was still closed so obviously Aaron was still there sleeping.

"Bahala na nga siya. Babangon naman siguro iyon kapag gutom o ano." sabi ko sa sarili.

I sat down to my chair and starting to eat my breakfast. And in fairness, the corned beef and Spam are both delicious. Medyo nagsisisi tuloy ako na hindi ko nasubokang kumain ng ganito before.

Naparami ang kain ko pero may natira pa naman. Sapat na iyon para kay Aaron if ever na gutomin iyon at magising.

Niligpit ko na ang mga pinagkainan ko and I leave my dishes on the kitchen sink. I'll just washed it later nalang pagkauwi ko galing sa paggrogrocery.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay tulog pa rin si Aaron. Nakatalukob pa nga ng kumot.

Napailing nalang ako saka pumasok sa banyo. I took a quick shower and it only takes a half an hour saka ako nagbihis ng simpleng damit.

It's a puff sleeve white crop top and white high waist jeans. Pinaresan ko naman iyon ng puting sandals. Then I just applied some light make up and put my hair into a loose half pony tail.

Nang makontento na ako sa OOTD ko ay hinila ko lang ang puting handbag ko bago ako lumabas ng walk-in-closet.

Aaron was still sleeping at hindi ko alam kung anong oras magigising 'yan ngayon.

The Revenge of a Wife [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon