KABANATA 8

69 5 60
                                    

Kabanata 8: Surprise

"Where are we going, hubby?" tanong ko kay Aaron na magmamaneho ngayon.

Isang kamay lang ang ginamit niyang panghawak sa manibela habang ang isang kamay ay nakahawak sa kamay ko. Nakapatong ito sa kaliwang hita ko.

Sinubokan kong bawiin ang kamay ko sa kanya kanina kaso sinasamaan niya lang ako ng tingin kaya hinayaan ko nalang siya.

Lumingon si Aaron sakin sandali bago binalik sa daan ang kanyang paningin. Nakita ko ang bahagyang pagngiti niya.

"Church," tipid na sagot niya.

Bahagyang napaawang ang labi ko at napakunot ang noo na nakatingin ako sa kanya.

"Nagsisimba ka pala?" gulat na tanong ko.

Napakunot ang noo niya at masama akong tinignan. "What are you trying to say, Luna?"

"Wala naman. Nagulat lang ako kasi 'yong ibang tao ngayon ay hindi na talaga masyadong nagsisimba. Iyong iba ay tinatamad, iyong iba ay nagrarason na walang makakasama, at ang iba naman ay kinakalimotan na ang pagsisimba." mahabang paliwanag ko.

Tumatango naman siya na parang sumasangayon sa mga sinabi ko. "At isa pa, wala rin sa mukha mo na nagsisimba ka pala." dugtong ko.

"Nakabase na ba sa mukha ang palatandaang palasimba ang isang tao? Do we have to put signs on our face saying that 'nagsisimba po ako tuwing linggo' para malamang ng ibang tao na magsisimba kami?"

Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi iyon ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko naman kasing ipahiwatig ay iyong ginawa niya noon. Pero hayaan na nga lang. Past is past naman. Kung masama siya noon, noon lang iyon kasi nagbago na siya ngayon.

At isa pa, may punto rin iyong sinabi niya. We should not judge someone based on how they look. Kahit mukhang anghel nga ang isang tao, 'di pa rin tayo sure na palasimba ito. Kahit nga iyong mukhang mabait ay masama pala ang totoong ugali eh.

Hindi nalang ako nagsalita pa at tumingin nalang sa labas ng kotse. Medyo napahiya ako dahil doon eh. Bakit kasi palagi kong binabalikan ang nakaraan.

"Why are you so quiet, baby? Hmm?" malambing tanong niya sakin.

"Kailangan ba maingay ako?" takang tanong ko sa kanya.

"Nope. But, you're not as quiet as this, Baby. Are you mad?"

"Bakit naman ako magagalit?"

"I don't know. Maybe I said something bad that made you mad?"

Umiling ako sa kanya saka pinong ngumiti. "I am not mad, Hubby. At isa pa, wala kang nasabing masama. Wala lang talaga akong maidaldal ngayon."

"Are you sure?" paninigurado niya.

Pinisil ko ang kamay niyang nakahawak sakin para sabihing 'wag siyang mag-alala.

NAKARATING naman kami agad sa simbahan. Pinark niya lang ang kotse bago niya ako inalalayang bumaba. Napapangiti nalang tuloy ako nang wala sa oras.

Pumasok na kami sa simabahan na magkahawak kamay. Hindi niya kasi talaga binitiwan ang kamay ko hanggang sa naupo kami sa isang mahabang upuan. Ako ang nasa pinakagilid at siya naman ay nakaupo sa kaliwa ko.

Hindi pa nagsisimula ang mesa kaya nagagawa ko pang ilibot ang paningin ko. Konte lang ang tao ngayon at halos mga matatanda at buong pamilya na may mga kasamang bata lang.

Nakakalungkot talagang isipin na sa kapanahonan ngayon, marami ng mga taong nakakalimot na magsimba.

Ibinalik ko na sa harapan amg paningin nang dumating na iyong pari at nagsimula na ang misa.

The Revenge of a Wife [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon