KABANATA 14

69 7 1
                                    

Kabanata 14: The Truth

Isang linggo na ang lumipas mula noong nalaman kong may ibang babae si Aaron. Gustohin ko man siyang komprontahin ay wala akong pagkakataon.

Halos isang linggo na rin siyang hindi umuuwi. At hindi na rin ako nagtangkang hintayin pa ang pag-uwi niya.

Galit ako sa kanya. Galit na galit to the point na gusto ko nang lumayas rito, pero hindi ko magawa kasi nandito si Serenity. At kung lalayas kami, hindi ko alam kung saan kami pupunta dalawa.

"Ma'am, nakahanda na po iyong kotse." napatingin ako kay Mang Ramil nang magsalita siya bigla.

Inalalayan niya akong pumasok sa likod ng kotse saka siya na rin ang nagsirado nito.

Oo nga pala. Sabado ngayon kaya may weekly check up ako sa doctor ko. Every week talagang chinicheck ang pagbubuntis ko dahil naging maselan na ito.

Palagi nga akong inaadvice ng doctor ko na maging maingat at huwag ma stress. Pero araw-araw naman akong nastrestress kahit ayoko.

Kaya, proud na proud ako sa anak ko na kahit sobra akong stress, mahigpit parin ang kanyang kapit sakin.

Maybe, because he wants to see me and his older sister na rin kaya kahit anong mangyari, kakapit siya ng mahigpit.

And about Serenity, may pasok iyon kahit sabado. Linggo lang talaga siya walang pasok. Pero three hours lang naman ang class niya every day. 18 hours naman per week.

At dahil alas dos na ngayon, nasa school na siya ngayon. Si mang Ramil na nga ang naghahatid sa kanya every saturday.  Monday to friday naman ay sumasama ako sa paghatid at sundo sa kanya.

Nang makarating kami sa hospital ay pinagbuksan ako ni Mang Ramil ng pinto saka inalalayan akong bumaba.

"Maiwan ka nalang rito, Mang Ramil. Babalik lang din ako agad." sabi ko sa kanya.

"Okay po, Ma'am." magalang na sagot niya.

Nagsimula na akong maglakad papasok sa Guerrero's Medical Hospital. Taga sabado na akong nandito kaya alam ko na ang pasikot sikot ss hospital. Pamilyar na sakin ang bawat sulok.

Saka dito rin nagtratrabaho si Mika. Nagkikita kami minsan pero minsan naman hindi.

Depende nalang kung nagkaabot kami sa daan o kaya kapag wala siyang ginagawa.

Pumasok ako sa isang elevator na ako lang ang sakay, pinindot ko ang floor kung nasaan ang opisina ng doctor ko saka yumuko. Hinahaplos ko ang may kalakihan kong tiyan.

Hindi ko alam kung anong floor na noong biglang bumukas ang pinto ng elevator. Hindi ako nag-angat ng tingin kasi wala naman akong pakealam sa mga tao.

"Baby, kailan ba ang heart transplant ko?" narinig kong sabi nong babae.

May sakit pala siya sa puso. Kawawa naman ang babaeng ito. Sana'y makahanap na siya ng donor.

"I already found you a donor, baby. Let's just wait until two months." sagot naman nong lalaki.

Aw! Ang sweet nam—

Biglang kumabog ng malakas ang puso ko nang mapagtantong pamilyar ang boses no'ng lalaki.

"Why we have to wait for two months? Hindi ba pwedeng ngayon nalang? Manganganak na ako next sunday." walang pasensyang sabi naman nong babae.

"Your donor was also pregnant, baby. So we have to wait until she get birth."

Doon na ako mag-angat ng paningin sa kanila. Halos matisod ako sa kinatatayuan ko at napasinghap ng bahagya nang makita ang pagmumukha ni Aaron.

He doesn't smiling at all. Parang casual lang ang mukha niya habang nasa baywang ng babae ang kanyang kamay para alalayan ito.

The Revenge of a Wife [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon