Part 2 Theo's POV

7 1 0
                                    

It's a long drive pero wala akong naramdamang pagkainip o pagkapagod. Like it's pulling me back to my roots. Ang dami daming pumapasok sa isip ko at puro excitement lang ang nararamdaman.

Sa probinsyang yon.. punong-puno yun ng childhood memories ko. Lahat ng pasikot-sikot alam ko at mga shortcuts mula sa bahay namin papunta kana Tito Gener.

Pilyo akong bata. Madalas akong umaalis ng palihim sa bahay namin. Pero sa kung anong dahilan ay hindi naman nagagalit ang mga magulang ko. Siguro ay dahil bestfriend ng dad ko si tito gener.

Parehas silang mahilig sa sasakyan. Kaya si Dad nagtayo ng Manufacturing company ng autoparts at makina pati narin ang sariling modelo ng sasakyan. Ang AMT AutoMotive Technologies na pinapamahalaan ko narin since nag-asawa narin naman si ate Therese na walang kahilig hilig sa sasakyan kaya nagfashion design. Walang aasahan kundi ako. lol.

Si tito Gener, bihasa sa pagkumpuni ng sasakyan. Mahilig syang magrestore ng mga classic na sasakyan, mga vintage. Mas matibay at mas primera klase daw kasi ang pyesa. While my dad wants innovation.

Inalok nya na si tito na magtrabaho sa AMT pero.. mas gusto nito sa probinsya kesa sa syudad at mamuhay ng payak. Unlike my dad, maambisyon at hindi makuntento.

Mahilig din ako sa sasakyan. Kagaya ng kay tito Gener ang tipo ko.. I don't know how to put into words kung gaano ang facination ko with those covette, mini cooper, hummer and the likes . Kaya madalas akong pumupunta doon. Araw-araw at magha-maghapon. Kulang nalang eh magpa-ampon na ako sakanila ni Tita Kathleen.

Isa narin sa dinadayo ko ay mga kalaro. Sina Orion,Topher at si Katherine.

Kumusta na kaya sya?

Si Topher kasi tinatanong ko ng maayos di naman ako sinasagot ng matino.

Nakita ko sya minsan sa isang summit at nalaman kong graphic at tatoo artist na sya. Naka-dreadlocks pa.. di mo aakalain na noon, ang pangarap nya eh magpari.

Syempre di ko makakalimutan ang paborito kong kababata na kumustahin. Ang nagiisang anak ni tito gener. Si katherine.. na pinsan naman ni Christopher.

"Ah.. Si Kit? Ayun pumupogi. Nagbibinata." sabay tawa.

Kitty na palayaw nya ngayon. Cute nya nga siguro ngayon. Dati kasi Kath yun eh. So pusa noon, kuting na ngayon. lolz.

Basta ako, mas gusto ko syang tawaging Katherine. Ang ganda ganda ng pangalan nya. Bagay sa kanya. Maganda rin.

Kumusta na nga kaya sya?

Kaya imbes na sa bahay ako pumunta ay kana tito gener ako dumiretso. Sa tagal narin siguro kaya di ko na kabisado. Marami nading nagbago. Madali rin naman akong nakarating dahil magkakakilala ang lahat ng tao dito at heto nga.. nasa harap na ako ng Talyer ni Mang Gener.

It's rustic but huge. Buzzling.. ang daming customer.

Sinalubong agad ako at tinanong ng tao ron kung anong pagagawa ko sa sasakyan ko.

Sinagot ko naman ng wala at hinanap agad si tito Gener.

So habang tinatawag si Tito sa loob, I took the chance to look around. Taking in the surroundings.. familiarizing what's around me.

Hindi ito magarbo. Tipikal na talyer ito. Hindi rin moderno. Pero maraming parokyano.

Naalala ko dati, maliit lang ito.. mga hangang tatlong sasakyan lang ang kasya at wala gaanong tauhan. Di tulad ngayon ang laki ng pinagbago.. mas madami na ang kayang i-accomodate.

Kung dati siguro kaya pa naming maglaro sa paligid ng talyer, ngayon hindi na.. puno lahat at wala ng lugar sa mga bata para maglaro.

Luminga linga ako..

Andito kaya si Katherine?

Naku! paniguradong wala.. madudumihan ang damit nun, dalas pa naman magbestida.

Nung mga bata pa kami..

Madalas ko syang nilalagyan ng bulaklak sa tenga na kakulay ng dress na suot nya. Na nilalamukos naman nya at tinatapon lang. Kahit babaeng babae manamit yun.. Maton naman kung kumilos.

Pero siguro..

Di na ngayon.. Dalaga na sya..

Tapos na din ng college kagaya ko. O baka..

"Eh tonton asan na ba yung naghahanap sakin, siguraduhin mong mahalaga't inabala mo ko sa pagkukumpuni ko sa loob."

Nagkamot naman ng ulo ang tinawag na tonton. "Ah-eh di ko po kilala mang Gener eh?"

"Tito." di ko na napigilan so I butt in.

Lumingon sakin si tito Gene. Nangunot ang noo.

"Ah.. Si Theodore po ako.. Theodore James Illac.. anak po ni Ildefonso?"

Pagkabangit ko noon ay biglang nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha. Napalitan ng pagkamangha at pagkatuwa.

"Aba'y Theo! ikaw na ba yan? aba't ang laki-laki mo na. Ay mas matangkad ka pa sa'kin eh? At pagka-gwapo gwapo mo lalo ngayon." tinapik tapik nya ko sa balikat. "Saakin ka nagmana. Hindi kay Ilde." Saka tumawa.

Niyaya ako ni tito gene sa loob at nilibot ako sa talyer nya. Madami kaming pinagkwentuhan tungkol sa unti-unting pagtaguyod nya ng nito at ang mga naging karanasan at pagsubok sa pagpapalago ng munti nyang negosyo. Tinanong rin nya ako tungkol sa mga nangyari samin sa manila at tungkol sa kumpanya namin.

Humingi na din ako ng reference sakanya ng mga kakilala nyang makakatulong sa pagrerenovate at restoration ng dati naming bahay. Tuwang tuwa sya at magkikita at magkakasama na ulit sila ng bestfriend nya dito. Ang tagal nang panahon na hindi raw kami umuwi o pumasyal man lang dito.

Hangang sa inaya na nya akong mag-minandal sa bahay nila na di naman kalayuan sa talyer.

"Ah.. andyan po ba sainyo si Katherine?"

"Oo, buti't inabutan mo, Di pa nakakaalis siguro yun. Baka nasa garahe pa kasama ng barkada nya. Tara at sasamahan kita."

Garahe? ano namang ginagawa nya dun? kasama pa ang barkada nya?

"Ay, malaki nadin ang pinagbago ni Katherine ko, ewan ko ba sa batang yun. Baka manibago ka."

"Naku, di ho siguro.. baka nga pila-pila ang manliligaw nun ngayon. May boyfriend na po ba?"

"Ha!? .. aah tara asa loob sila."

Ang garahe na sinasabi ni tito gene ay selyado.. hindi open space. Gawa sa yero at kahoy.

Pumasok kami sa maliit na pinto.

At nang makita ko ang mga naroon ay nabalot ako ng pagtataka.

Asan si Katherine? I am trying to figure out kung may kahawig ba si kath sa mga nandoon pero tingin ko naman wala. Sana.

Kasi bakit ganun? Puro Tomboy lahat ng andito.

InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon