Part 4

5 1 0
                                    

Isa ako sa mga naniniwala na lahat ng tao, ano man ang kanilang kasarian, ay may puwang, karapatan at may pagtanggap.. na di man maibigay dito sa lupa.. ay ibinibigay naman ng mapagpalang nakakataas sa atin.

Madasalin din naman ako. Medyo maloko pero.. may kapwa tao. Kaya walang lugar ang panghuhusga kung ang huhusga lang din naman ay syang nabubulagan sa sarili nilang dungis.

Ako nga pala si Katherine Arguijo Borja. Kalahating espanyol pero ang puso ko.. Pinoy na Pinoy. Ang Nanang kasi.. Mestiza. Ang Tatang ko naman kayumanging kaligatan, babad sa araw na sumasideline sa tubohan ng mga Arguijo. Para magkaroon ng karagdagang pangmatrikula ar syempre, para masilayan ang dama ng Hacienda Mercidad.

Nostalgic noh? Maituturing na forbidden love ang pagmamahalan nila kaya ayun.. nagtanan.

Tapos pinatawag ang mga guwardiya sibil at hinabol sila ng naka-kabayo dala ang kanilang mga sandata!

..hehe, joke lang yung paragraph sa taas. Baka isipin nyo naman napakatagal na panahon na nangyari eh 22 palang nga ako. Ano ako? menopausal baby?

Anyways.. dahil new generation na at ewan ko ba kung bakit parang napag-iwanan ng panahon ang lifestyle nina abuela. Hindi na sila sinundan o di na nila kailanman ginustong makita sila Tatang. In short, itinakwil na si nanang.

But not until abuela's dying days. (Naks! kung maka-english ako! Si Theo kasi eh nakakahawa. Mamaya ikukwento ko sya sainyo.)

Ipinatawag kami doon para makita man lang nya sa huling sandali. Though bago ko lang syang nakita, nalungkot parin naman ako kasi habang lumalaki ako, isang pares lang ng lolo at lola yung meron ako, magulang ni tatang.

Ang hirap naman pilitin ang sarili na mag-invest ng malalim na damdamin sa taong parang estranghero sayo.

Dun ko nakuha ang Cadillac na kotse pa ni daw ni lolo. Wala na man na daw syang maipapamana samin dahil matagal nang nalugi ang tubuhan at ang mapapagbentahan ng mansyon at lupa ay mapupunta sa mga kapatid na lalaki ni nanang.

Nang maikwento nalang ng Tatang ang talyer at ang pagkahilig nya sa makalumang sasakyan kaya naisipan ng abuela na ibigay na lang yun samin.

Eh kahit napakagara ng sasakyan na yun eh ayaw naman tangapin ni tatang. Natatakot na baka multuhin sya ng abuelo. Galit na galit daw kasi yun sakanya ng itinanan si nanang kaya inatake sa puso.

So.. dahil apo naman daw ako at mas mahal daw ng mga lolo at lola ang mga apo.. sa akin napunta si Caddie.

Mula noon, ang garahe namin na dating pinagpa-praktisan ng Banda kong Kickxers ay naging haybol na ni Caddie.

Nagseselos na nga mga ka-band mates ko eh. Nga pala ipapakilala ko sila sainyo. Pero bago ang lahat, Kitty ang palayaw ko dahil mukha daw akong kuting.. hehe. Pero utang na loob.. Kit ang itawag nyo saken.

At dahil pinakilala ko ang Girl's name ko. (kahit boy naman talaga ako.) Damay damay na.

Denok a.k.a. Denise Sales Guarte. Ang literal, mula pa nung bata kami, na mahilig sa fried chicken (Fave part: leeg) kaya binansagang Denok. Ang Keyboardist.

Caloy a.k.a. Clarissa Mae Dizon Jocson. Ang Late reaction, mahinang pumick-up at waley ang mga banat. Ang Drummer.

Dandreb a.k.a. Danielle Pelaez Ong. Half Chinese na may harware sa kanto. Ang tanging may gf samin. bakit Dandreb ang namesung nya? aba'y malay, Dandreb na sya nung makilala namin eh. Bahista at second vocals.

Kami ang Bandang Kickxerz!

Nabuo kami nung highschool. Nung pumasok si Dandreb sa barkada.. sya may pera kaya.. nagka-instruments kami.

Aksidente lang naman na naging banda kasi nanliligaw sya nun sa gf na nya ngayon na si Charmee (ako'y tiwala sa'yo!)

Hinarana namin sya sa gym ng school. In-audition pa nga kaming tatlo ni dandreb kasi nahihiya daw kumanta. Ayun.. natipuhan ang baritone voice ko.. lolz! kaya ako ang Bokalista.

Bakit daw Kickxerz?

Ang tawagan namin magbabarkada.. Kicks. Kasi kami ang SIDEKICK ng bawat isa. Problema ng isa, problema naming lahat. Katrouble ng isa, reresbakan ng lahat. Sangang dikit hanggang hukay.

So di kami tomboy na tambay. Employed kaya kami. Tumutugtog kami sa Acapita bar and grill. TThS ang schedule namin kaya may time din sumideline at pumorma sa chicks.. hehe.

Speaking of chixs! Sa tagal ng panahon.. ngayon lang ako totally.. na-inlove. Tinamaan na ako ng palaso. Direct hit. Madami nadin naman akong naging crush pero nung makita ko sya. Sabi ko iba na. Kailangan may gawin ako. Kailangan kong pumorma pero syempre natotorpe kasi Perstym to pre'. Baka sumablay. Ngayon na nga lang didiskarte.. olats pa.

Kaya ngayong nandito na si Theo. Ang savior ko. (mamaya ko na sya ikukwento next chap, natabunan na eh.)

Maliligawan ko na ang girl of my Dreams.. hahahaixt!

Si Bethany.

InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon