Part 7

2 1 0
                                    

Through Theo.. I'll get Bethany to like me.

Yun ang napagtanto ko..

Makukuha ko sya.. Magiging girlfriend ko sya.. I just have to motivate myself more.

Eto na eh, may number na nya ako... sa tulong ni Theo shemperdz!

Hindi ko pa nga alam kung anong it-text ko kay Beth eh.. nakailang try ako ng message pero parang... ewan, hirap magtext sa gusto mo.

Kaya tinext ko nalang si Theo.

[paano ba magtext sa babaeng gusto mo?]

mga ilang seconds ngreply na sya..

Theo: [bakit ko pa itetext.. pwede namang personal ko nalang iparamdam.]

Ako: [eh torpe nga ako.. ni Hi nga di ko masabi.]

Theo: [Just text her the words you can't say personally.]

Ah..Tama! bakit ba hindi ko naisip yun agad.

Agad kong tinext si Beth.

ako: [Hi.]

Beth: [Yes? hu u?]

ako: [ Kit po.]

. . .

So I waited..

(30 mins. later)

And I waited..

(45 mins. later)

still waiting..

sa reply na di na ata dadating.

so nagtext ulit ako..

ako: [ Nakuha ko number mo kay Theo.. ako yung Friend na kasama nya]

Ang tagal nanaman bago nagreply.

kamuntik ko na nga itext ulit pero sa wakas ngreply na.

Bethany: [alam mo ba number ni Theo? pwede makuha?]

Kinuha ko sa bulsa ko yung papel at itinype agad yung number ni Theo. Tapos dinugtungan ko yung text ng 'ano gawa mo ngayon'.

Di na sumagot.

Haixt!

ako: [Deadma parin ako kicks!]

Theo: [Suko ka na dyan, may iba pa naman.]

ako: [ wah! agad-agad? kaya pa.]

Tumagal ang reply nya..

Kaya lumabas na ako ng bahay.

Theo: [dito lang ako kapag hindi na.]

..toinks! Haay nako, nako, nako.. lutang ata si Theo.. ang emo.

--=Theo's POV=--

Bakasyon ko pero heto ako.. kinukulong ang sarili sa kwarto..

May seperate quarters kasi dito sa labas ng bahay. Dito ako kasalukuyang ngs-stay.. Kumpleto ito ng gamit for my everyday use. Nasusupervise ko pa restoration ng pinapaayos naming bahay.

All is well.. Di naman nga ako kailangan maghapon dito. Ayoko lang muna umalis.. Dito lang muna ako hanggat hindi ko pa ma-figure out kung ano o dapat kong gawin sa mga nararamdaman ko.

I can't believe na kaya kong tumulala sa ceilling ng ganito katagal.. napaka-unresourceful ko sa oras. Samantalang sa AMT madami akong nagagawa at nakakapag-multi-task. My mind is accupied with work.. pero ngayon iisang babae lang ang naiisip ko. Gulong-gulo ang isip ko.

Ang daming tanong na tumatakbo sa utak ko. Kung bakit ngayon ko lang nararanasan yung ganito. Baka dahil iba yung lugar, iba yung athmosphere, ibang tao na ang nasa paligid at nakakasalamuha ko. O nagbago yung nakasanayan ko na araw-araw gawin, wala gaanong work load.. walang sinusunod na schedule and all.

Pero hindi eh.. Isipin ko palang ang mga bagay na yun alam ko na na hindi ko talaga dapat isinisisi sa panahon, lugar, oras at sa kung anu-ano pa. It's more like.. mas at home pa nga ang pakiramdam ko sa lugar na ito eh. Everything here is serene. The tranquility of surroundings will calm you.

Isa lang naman ang nagpapagulo ng sistema ko. Sa totoo lang, ang weird talaga ng reaction ko when it comes to Katherine.

Siguro kasi.. gandang ganda parin ako sakanya kahit na mas lalake pa syq sakin kung kumilos . Crush ko nga sya nung mga bata kami. Ang crush naman, paghanga lang yun. Nagbabago yun pagtagal ng panahon.

Kaya ang awkward sa part ko whenever she looks at me, o bigyan nya ako ng simpleng compliment, konting dikit lang sa balat nya.. it send shivers down my spine.

Hindi ba ako kumportable dahil sa kasarian nya? Hindi naman siguro.. Kapag di ko naman sya nakikita parang ang dull ng bawat araw.

Naiibahan lang siguro ako. nagulat sa mga pagbabago. Sa tagal ba naman ng panahon na di kami nagkita at nagkabalitaan. Ganito ko pa sya madadatnan.

Siguro nga ganon. Parang kapatid ko narin kasi yun eh.

Mula noong magtext si Katherine sakin. Nagtetext nadin si Bethany. Madalas sya kung magtext. Sweet sya.. yun ang tingin ko sakanya, saka thoughtful. Madalas nya i-check kung kumain na ako. I wonder kung nagkakatext din sila. Nung huling message kasi ni katherine medyo dissapointed sya.

Di narin naman sya ngtext mula noon.

Ano na kayang ginagawa nya ngayon?

Puntahan ko na kaya mamaya sa kanila, miss ko na eh..nandoon kaya sya? eh paano kung wala? I-text ko kaya.. baka di magreply.. ah! puntahan ko nalang! Tama! Magbibihis na ko..

Wag nalang kaya?

Aaagh! Alis na ko!

InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon