Part 8

2 1 0
                                    

---=Theo=--

Sabi ko na.. dapat talaga tinext ko muna sya. Tingnan mo ngayon, eh di hindi ko naabutan. Kaalis alis lang.

Buti nalang andito si Tita Kathleen. Di naman nasayang ang pagpunta ko. Dahil matitikman ko nanaman ang ever favorite kong Biko.

Di na muna ako pinauwi ni tita, pinagmerienda muna ako. Makakatangi pa ba naman ako nung sinabing biko na may latik ang nandun!?

Habang sarap na sarap ako sa kinakain ko. Biglang may kumatok.

Dahil asa kusina pa si tita dahil ipinagbabalot ako ng Biko pang-take home. Ako na ang nagbukas.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko agad ang bouqet ng bulaklak na nakatabon sa mukha ng may hawak nito.

Nakapolo at slacks ito at leather shoes, at dahil medyo loose ang soot nya.. mas nagmukhang patpatin lalo ang payat nang pangangatawan nito.

"Hello.kath.kath.flowers.for.you!" Sabi nyang parang robot at biglang inextend ang mga braso para iabot ang flowers nya.

"Arayyyy.." sa mata ko tumama yung flowers.. aist!

"huh!?" nanglaki ang sadya atang malaki na nyang mata na may pagka-kapal kapal na salamin. "ay! sino ka! paano ka nakapasok! Tulong! Tulong!" sigaw ng engot.

"Shut it! syempre pinapasok ako dito,malamang. sino ka ba?"

Imbes na sagutin ako ay kumuha sya ng patpat na nakasandal lang malapit sa kinatatayuan nya at aktong hahampasin pero..

"Remington!" Sigaw ni tita kathleen!

Napalingon ako kay tita kaya ayun! Sapul ang ulo ko ng palo. Di ako nakailag.

"Theo!" Sigaw at agap naman sakin ni tita. "Ano ka ba naman Remington! ano bang pinag-gagawa mong bata ka!?"

"Ayos.lang.po.kayo.nanang.nasaan.po.si.kath.kath.ililigtas.ko.po.sya.sa.akyat.bahay.na.yan."

Amputspa naman ng engot na spokening robot na to'! Sa gandang lalaki kong ito akyat bahay pa talaga ako!?

"Hijo, huminahon ka.. bisita namin sya. ano sya ni katherine ko."

Nag-expand pa ang mata ng matambaka. Tapos nag-morph ang mukha nya mula sa pagkagulat.. sa galit na malungkot. Weird naman neto.

"ano.po."

yung totoo.. hindi ba uso sa taong ito ang intonation!? kung magsalita iisa ng tono, walang kaemo-emosyon.. ay! meron pala.. emosyon ng robot.

"bakit.naman.po.sa.dinamidami.ng.lalaki.na.pwedeng.magkamali.si.kath.kath.sakanya.pa.andito.naman.ako.kami.ang.magkabagay."

aba.talagang.strike.3.na.tong... enebeyen! nakakahawa!

Bibigwasan ko na sana. Pasalamat na lang sya at kinapitan ng magaling ang mga braso ko ng Tita kathleen. Bumalik nalang ako sa mesa at uminom ng tubig para kumalma.

"Remington, hindi maganda yung bigla-bigla ay nananakit ka ng hindi muna nagtatanong. Magagalit sayo si Katherine. Kababata nya si Theo. Saka kung pumunta ka dito para kay katherine ko eh wala sya dito. Umalis sila ng barkada nya." mahinahon na paliwanag ni tita sakanya.

Ang mokong nag-morph nanaman. Lumabi at nag-teary eye.

"Sinasabi.nyo.po.ba.na.umalis.na.sya.kasi.nakapanakit.po.ako."

"Ah, Hindi Remington.. Talagang umalis sya. Wala sya rito. Katunayan nyan, itong si Theo sya rin ang sadya pero hindi naabutan."

Sumimangot sya sakin..

InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon