Dalawang linggo.. Dalawang linggo na ang nasayang. Dalawang linggo na punong puno ako ng pagsisisi kung bakit binigyan ko ng bottomless free drinks, na nalasing sya kaya nya lang nasabi yon ng wala sa loob.. o nagsisi na naniwala at umasa ako sa taong nasa impluwensya ng alak.
Wala syang palabra de honor!
Aba eh 2 weeks na pagkatapos nung deal.. wala parin.. walang training.. walang advice.. wala kahit ano!
Eh baka maunahan na ako kay Bethany nyan. mamaya nyan magka-boyfriend na yun.
Ang mali ko kasi.. dapat.. gumawa ako ng kasulatan.. kahit sa tissue, kahit pa toilet tissue.. na may pirma nya. Para wala na syang kawala.. may ebidensya ako.
Naiinip na talaga ako kaya nagdesisyon akong pumunta- este sugurin sya sakanila. Ang tagal ni hindi man lang nagpapakita.. Eh pano kung nasa manila na pala... hala! bahala na.. pupunta parin ako.
Nag-trike ako papunta sakanila. Buti alam ng tricycle kung paano pumunta doon at may sticker ng subdivision nila kaya nakapasok at naihatid ako sa mismong bahay.
Di ko naman kasi matandaan kung paano pumunta dito.. bata pa ko nung huling punta ko.
Naririnig ko ang mga langitngitan ng mga welding machine at mga kung anu anong ginagawa sa bahay.
Nga pala, kaya sya nandito ay para iparenovate ang bahay nila. Di kaya ito ang dahilan kaya di sya makapunta samin? busy siguro.
"Sino po hanap nila, bawal po pumasok.. may ginagawa po sa loob baka mabagsakan po kayo." Saway ng trabahante.
"Ah, boss andito po ba si Theo?"
"Tiyo mo? anong pangalan?"
"Ay..hindi po, Si Theodore po."
"ah! sandali.. asa loob. tatawagin ko para sayo." at dumiretso na sya sa loob.
Di naman nagtagal, nakita ko na sya.. tatawa tawa.. nung' tinatawa-tawa nya?
"Sabi ko na nga ba.. sabi ni lito hinahanap daw ako ng pamangkin ko.. paano naman mangyayari yun eh 6 months old palang sya sa tyan ng ate ko."
I pursed my lips.. ang tange naman ni manong.
"Bakit ka pala napadaan dito?" nakangiti sya sakin.
"Di ako napadaan lang, Sinadya talaga kita dito."
lumaki ang ngiti nya. "Talaga? sumaya naman ako doon.. na-miss mo siguro ako noh?"
"Ha? ah..eh may sinabi ka sakin di ba? tungkol sa deal."
nawala ang mapaglarong ngiti sa mukha nya. "ah, yun ba? bakit?
"Eh di ba nga, tutulungan mo ko kay Bethany.. Eh bigla bigla.. di ka na nagpakita. uhm.. baka nakalimutan mo na, um-oo kana sakin sa Acapita."
Mataman syang nakatingin sakin. Tapos bumuntong hininga.
Hala.. nainis ko na yata sya. napatungo nalang ako. Di na ko makatingin sakanya kasi baka nakulitan na sakin. Napaka-unconsiderate ko naman kasi. Abala siguro sya dito tapos ako.. walang iniisip kundi yung lovelife ko.
Hinawakan nya ang isang balikat ko at dinungaw mula sa pagkakatungo ang mga mata ko.
"Katherine.. kahit gaano katagal dapat willing kang maghintay. Wag kang umasa na agad agad, makukuha mo yung gusto mo. Lahat ng mabilis nakukuha.. mabilis ding mawawala sayo. Without patience.. everything will be shortlived. Kung .. Gusto mo talaga si.. Bethany." he paused for a while. "kung gusto mo sya, dadaan ka sa proseso. kailangan mong makuha ang loob nya. liligawan. Maaring di lang 2 weeks, pwedeng buwan o di kaya.. taon. It depends pero tandaan mo.. good things come for those who wait."
Napangiti ako. Yun pala yun.. Start na pala kami sa training.
Niyakap ko sya.. he suddenly stiffened.. kaya bumitaw nadin ako.
"Salamat Theo, ah.. sige uwi na ko. Mukhang busy ka dito. nakaka-abala na ko sayo. Sige ha.. una na ko'."
"Katherine, hatid na kita. malayo ang lakarin mula dito hangang sa guardhouse saka madalang ang tricycle dito. mahihirapan kang sumakay."
"pano naman yung mga pinapagawa mo dito."
"Babalikan ko naman agad pagkahatid ko sayo."
"kaw' talaga Theo. Sige na ng makabalik ka na agad. nag-abala pa to' oh."
Iginiya na nya ko sa sasakyan nya na di naman kalayuan at pinagbuksan ng pinto sa may passenger's side. Bago pa man nya isara ng makasakay ako. Sinuot pa nya yung seat belt sakin.
"Ah.. ako na nyan." pigil ko pa sakanya pero na-fasten na nya eh.
He smiled and said. "Anything for you, my Katherine..anything for you."
---=o=---
Nang makarating na kami sa bahay. Bumaba sya at agad akong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.
Pagbaba ko. Nagulat ako ng may magsalita sa likod nya.
"Hi.."
Di ako makapaniwala.. parang gusto kong sampal sampalin ang mukha ko.. gusto kong pagkukurutin ang braso ko.. para mapatunayan na gising ako at hindi ito isang panaginip.
Waah! Ang unang 'Hi' ni Bethany sakin!
Pero letcheng katawan ko. Natunganga lang ako sa kanya. Ganito naman ako palagi kapag andyan sya. Natutulala ako sa ganda nya. Ang sarap sarap nya titigan. Hindi nakakasawa.
Lumapit pa sya lalo kaya nakailang lunok ako. Anong sasabihin ko.. anong sasabihin ko..
Mag-he-hello na sana ako sakanya nang kalabitin nya si Theo.
Nang lumingon si Theo saka sya nagsalita ulet.
"Nakita kita noon sa plaza kasama ng.." tiningnan nya muna ako. "mga 'Friends' mo.. nag-j-joyride yata kayo. Bago ka lang dito?"
Tumingin lang si Theo sakanya at tumango.
"hmm.. I am Bethany Sigrid Cruz. 23.. ikaw?"
"Theo,.. Yeah kasama ko sina Katherine noon sa plaza tinitest drive namin yung Cadillac nya. You know Katherine right?"
"Ah.. not exactly.. ngayon lang pero parang nakita ko na sya dati.. kanya pala yun.. kaya pala luma.. But this Car.. is this yours?
Pinasadahan nya ang sasakyan ni Theo at namangha sa modernong hitsura nito. Mamahalin pa at bagong modelo.
Di ko na mahitsura ang sarili ko.. mula sa pagkapahiya sa pagka-assuming ko.. Out of place dahil parang estatwa lang ako dito.. nainsulto pa sa klase ng sasakyan ko.
Di na nagsalita si Theo kaya..
"ah.. eto number ko, text me kung gusto mong magpasama sa mga lugar dito that won't bore you.." Ewan kung saan nakakuha ng papel at ballpen si Bethany. Inaabot na nya ang papel na naglalaman ng number nya.
Tinangap naman ni Theo. Ewan ko rin kung bakit parang naalibadbaran ako.
"Be waiting for your texts and calls Theo.. Bye." at binigyan ng pagkatamis tamis na ngiti. Ako, parang invincible lang..
Nang makalagpas na si Bethany..
Yung papel ni Bethany na may laman ng number nya, Sinulatan ni Theo sa likod..
inabot saken. Number nya ang nilagay nya dun.
"Oh ayan.. mamili ka nalang kung sino ang gusto mong ma-contact.. Yung taong gusto mo.. o ako."
Sumakay na sya ng auto nya at pinaharurot na paalis.
