Nagsenyasan na kami nang sumilip at matanaw na namin mula sa glass window na natatakpan ng makakapal na kurtina, ang sasakyan ni Dandreb. Pumarada ito sa tapat ng Double doors. Agad namang dinaluhan ng driver nila para iparada ang kotse.
Habang papapunta sila sa may pinto, napansin kong medyo masungit si Charm kay Dandreb. Ayaw magpaalalay sa paglalakad. Siguro akala nya nakalimutan ni Dan yung birthday na.
Pumirmi lang kami sa mga pinagtataguan namin hanggat di pa sila nakakapasok ng tuluyan. Madilim sa loob at talagang pigil kami na di gumawa ng kahit konting ingay.
"Dan, tsk.. pwede ba. Ayoko nga. Ihatid mo nalang ako samin." narinig kong sabi ni Charm nang buksan ni Dandreb yung pinto.
"Bakit ba ang sungit..C'mon..kahit saglit lang po." lambing ni Dan sakanya.
Pumasok na sya kaya..
"SURPRISE!!!"
Sabay sabay kaming nagsilabasan ng buksan ang ilaw. May nagsabog pa ng confetti at nagpaputok ng Popper.
Everyone is in their festive mood pero si Charm mukhang badtrip. Parang di nasurprise.. nafrustrate pa nga ata.
"Sorry.. Sorry guys.." umiling iling sya at hinarap si Dan at bumulong. "Let's talk in private Dan. Ngayon na."
"Hey babe.. what's wrong? Aren't you happy? Bakit ka ba nagkakaganyan. Kung may issues ka just forget it for a while.. birthday mo ngayon."
"Just.. go outside and we'll talk."
"Hush babe, okay.." Dan cupped her face pero umiwas sya. Hinawakan ni Dan yung braso nya pero nagpumiglas sya. Aaluhin pa sana ni Dan pero nagpilit na syang lumabas. Sumunod si Dan. Sinundan namin sila nina Denok at Caloy.
Pinigilan ni Dan yung pagtakbo ni Charm sa pamamagitan ng paghigit ng braso nito.
"Ano bang problema Charm. Sabihin mo sakin kasi di ko na maintindihan yung pinagkakaganyan mo."
Nagpahid ng luha si Charmee. Pilit parin bumibitaw sa grip ni Dan.
"Bakit?.. may iba na ba Charm? Ayaw mo na ba sakin? nagsawa ka na ba ha?"
Kinalma ni Charm ang sarili sa pag-iyak at tumingin ng matalim kay Dan.
"The nerve you invited those people back there huh!? What are you trying to prove! ha!?" galit na galit si Charm.
Nilabas nya yung phone nya at may binuksan doon at ipinakita kay Dan. It's a video taken from Acapita. Andoon si Dandreb.. kissing some girl na nagpakilala samin na Amerie.
Nagkayayaan kami nang inom noon at medyo naparami na din ang inom nila. Di naman kasi ako umiinom gaano kaya nung tinamaan na si Caloy, Nagprisinta ako na ihatid sya kaso di na kayang buhatin ang katawan kaya tinulungan ako ni Denok na buhatin sya. Si Dandreb nagpaiwan. May tama na din, papasundo nalang daw sya sa driver. Saktong dumating yung Amerie at nagpakilala samin. Inalok pa kami ng Drinks na tinangihan na namin kasi mga lasing na talaga mga kasama ko, si Caloy nga tulog na tulog na habang kandahirap kami kung pano sya dadalhin. Iniwan na muna namin si Dan sakanya.
God.. imposibleng gagawin yun ni Dan nang asa huwisyo sya. Lasing na lasing sya noon. Ang tanga lang ng kumuha ng video. Ang lapit pa nung shot.. sinadya ba talaga ni Amerie yun!?
"Charm, hindi ko alam.. di ko alam talaga."
"Buti ka pa, hindi mo alam.. Kasi sila alam na alam nila... Lahat sila! It circulated sa internet at nag-viral pa.. sana kung gagawa ka ng ganito, sana di mo nalang hinahayaan na malaman pa ng iba. Sana sinabi mo nalang sakin.. sana.. kahit masakit.. tinapat mo nalang ako. Kasi ang sakit, sakit, sakit, sakit.. na habang ipinaglalaban kita.. Pinagmumukhang tanga mo ako!"
Tumalikod at tumakbo na si Charm at sumakay agad sa Taxi na dumaan.
Si Dan.. parang pinagsakluban ng langit at lupa.. Napaluhod sya.
Agad naman kaming pumunta sa kanya at inalalayan sya.
"Kausapin mo nalang Dreb.. tutulungan ka namin. Kami ang witness mo nung araw na yun." Si Caloy.
"Wag muna ngayon, palamigin mo muna.. dapat talaga di ka namin iniwan." si Denok.
Pumasok na kami sa bahay nila at pinauwi na ang mga bisita. Pinaligpit na ang mga palamuti sa kasambahay at mga pagkain.
Bumitaw si Dan samin at pumunta sa mini bar nila. Kumuha ng isang Bote, binuksan at nilagok mula roon.
Tahimik lang kami sa likod. Pareparehong hindi alam ang sasabihin para pagaanin yung loob nya.
Nakarami rami na kaya inawat na ni Denok.
"Dreb, tama na.. pahinga ka na."
"ayoko.. dito lang ako."
"makakasama yan sayo dreb.. Bukas makakaisip ka rin ng paraan para magkaayos kayo."
Tinuloy tuloy lang ni Dan ang pag-inom.
"Oist Dan.. tama na yan, alak ang dahilan kung ba't nagkaroon ng ganong vid-"
"Pssst..." saway namin kay Caloy.
"Tss.. ba't ganon? noong mga bata tayo at nagkakasugat, alcohol ang iginagamot. . ngayong matatanda na tayo at nasasaktan yung puso.. Alcohol parin.." at tumawa tawa sya.. hala!
Hinagod hagod ni Den yung likod ni Dan.. pilit kinakalma sa pag-iyak at pagtawa ng sabay.
"Grabe kicks.." umiling iling si Dan. "Ang tagal mong pinaghirapan, ang tagal mong inalagaan.. tapos sa isang pagkakamali lang.. burado lahat.."
Sinamahan pa namin sya ng matagal at nakinig sa mga gusto nyang sabihin. Hinayaan lang namin. Karamay ang kailangan nya.. hindi taga sermon. Nangyari na ang nangyari.. di nya kailangan ng paninisi.. kailangan nya ng solusyon.