"Maiwan na muna kita sakanila ha, may tatapusin lang ako sa talyer. Pasok ka nalang sa loob kung nagugutom ka ha.. asa loob ang tita kathleen. Hoy Denok! asikasuhin nyo itong bisita ko ha.." at namaalam na sya samin.
Kasalukuyang nakatingin ako sa palayong si tito gene. Kaya I almost toppled down nang makita ko silang papalapit sakin. Ang aangas ng dating. Parang manunugod.
Pero sabi ko nga sainyo..
Gentleman ako, hindi ako nananakit ng babae, kahit pa sabihing pusong lalake.
Nang magkatapatan na kami nong tinawag ni tito gene na denok, naglahad sya sakin ng kamay.
"Ako si Denok! hmm.." pinasadahan nya ko ng tingin mula ulo hangang paa.. "Sa sapantaha ko, dayo ka.. hindi ka taga-rito, diba?"
"Bakit."
"kaseee.. Wala namang gwapo dito samin.. mapwera lang sakin syempre. Ngayon dalawa na tayo! May choices na ang chicks!" At nakipag-highfive sakin yung denok.
"Pwee!? Denok mahiya ka nga sa libag mo! Ay brader, wag kang magpapaniwala dyan. Krimen ang magpauto dyan sa adik sa manok na yan! aray! aray! wag ka ngang nananakit denok ah... psss.. oys nga pala ako si Caloy." At nakipag-shake hands sakin.
"Dandreb.." sabi nung isang nagtaas lang ng kamay.
"ah.. I'm Theodore, kababata ni Katherine.. andito ba sya?"
"Ano daw? Tinidor?" ani ni caloy.
"Tange! Theodore daw.. ah si kathe- Hoy kit lumabas ka nga dyan! May naghahanap sayo dito!" Sigaw ni Denok.
Then I heard someone grunt..
Nang lingunin ko ang pinanggalingan noon..
Nakita ko sya..
Sa ilalim ng 1967 Cadillac. She lazily slides herself out of that sleek, vintage ride.
She has this short, wet look, ash brown hair..
Wearing sunglasses that hangs low on the bridge of her nose..
Sporting a loose faded red sleeveless shirt, acid washed pants, and snickers.
Hinawi nya ang buhok nya pataas..
Napalunok ako..
God.. She still has it!
Her plush ivory skin.. Her red cherry lips.. her face of an angel.
Everything na kabisado kong features nya.. still remains in her..
nga lang.. now.. she has this effect on me that I can't deminish.
Di ko alam kung bakit kahit hindi naman hapit ang soot nya.. I can still distinguish those curves.. And her.. chest..
"Sino ka ba? bakit ganyan ka kung makatingin!?"
Napabalik ang tingin ko sa mukha nya.. pinamulahan ata ako.
"A-ah Katherine.. di mo na ba ko natatandaan? Ako si Theo.. Theodore ung kalaro mo dati?"
Her eyebrows furrowed..
Di na yata nya ako matandaan.
"Uhm.. ako yung batang laging napunta sainyo noon.. yung naglalagay ng flowers sa tenga mo.."
Ngumuso naman sya ngayon.. Nag-iisip..
"Bago ako umalis nun diba nagkasal kasalang pa nga tayo tapos si topher yung pari."
Napasinghap naman ng sabay sabay sina Denok, Caloy at Dandreb sa sinabi ko.
Lumapit sya sakin.. nanunuri ang mga mata. Sinisipat ang kabuuan ko.
"ang gwapo ah.. at ang tangkad.. tapos ang porma manamit.."
Umikot sya at inamoy ang likod ko.
I swallowed hard..
".. hmm at ang bango pa.. grabe!"
Humarap na sya ulit at inilapit ang mukha nya sa mukha ko.
Hindi pa ako kahit kelan ninerbyos sa babae.. Ngayon lang.
"Ikaw.. Ikaw na! Ikaw ang gusto kong maging!" Sabay hampas sa dibdib ko.
"Hoyst Theo, tagal natin di nagkita ah.. bakit ka naligaw dito?"
"ah kase.. ah.. eh.." Natameme na yata ako. "Nautusan kasi ako ni dad na iparenovate yung lumang bahay namin, Dito na ulit titira sila nina mommy."
"dito na kayo ulet lahat?"
"Ah.. hindi parents ko lang.. Kailangan ko ulit bumalik, pasensya na ah.. Madami na kasi nangyari nung asa manila na kami kaya.. ayun di na nakadalaw."
"Ganun ba.. nga pala kwento ni tupe sikat ka dun sa manila ah, madami daw babaeng nakakakilala at nagkakandarapa sayo. naks naman!"
"naku di totoo yun.. guni-guni lang yun ni topher." Sa pagkakatanda ko saglit lang naman kami nag-catch up ni topher noon. Why give that kind of impression?
"Kwento ni Tupe, Narinig nya daw yung usap-usapan sayo nung umattend sya ng summit. At bukang-bibig ka raw, lalo na ng mga babae. Pinutakte nga daw sya ng tanong tungkol sayo matapos nyo daw mag-usap." dagdag ni Dandreb.
Lahat sila nakatingin sakin.. naghihintay ng sagot na di ko naman alam kung paano sasagutin. Umayon man ako o hindi. Parehas lang nakakayabang ang dating. Ayoko naman na tumatak sa isip nila na mayabang ako. Diba nga.. First impressions lasts.. Sa tagal ng panahon na di kami nagkita.. Ayokong sa ganitong paraan pa ako makikilala ni Katherine.
"Eh ikaw, kumusta ka? tinatanong kita kay topher pero wala naman akong nakuha.. hehe.." Pag-iiba ko nalang ng topic.
"Eto nakikita mo naman, abala sa Cadillac.. Galing kana nanang, Sa lolo ko pa raw ito eh..hehe.. maya-maya test drive natin. Para maipasyal narin kita dito."
"Ah sige ba.."
"Eh pano diba praktis natin mamaya.. cancelled na ba yun?" si Caloy.
"Hindi no! Tuloy na tuloy yun.. sama natin si Theo.. Hoys! Theo.. sagot ko drinks mo ngayon. Pa Welcome ko sayo."
"Hindi ba kami damay sa free drinks?"
"Oo nga, libre din kami."
"Magsitigil nga kayo.. mga luma na kayo eh.."
Nagtawanan at nagkulitan na sila. Ako.. di ko alam how to take in lahat ng pinagbago nya. Syempre di naman ako tanga para di malaman na kung ano sina Denok, Caloy at Dandreb..yun din sya.
I may appear to be calm and at peace pero sa loob loob ko. Nagtatalo ang isip at puso ko. Sabi ng isip ko.. It's alright if she's lesbian. There is nothing wrong about it..
Pero ang puso ko.. nagpo-protesta.. May isinisigaw na hindi ko malapatan ng salita.