Part 5

3 1 0
                                    

"Yun oh!" Sigaw ni Caloy.

"Tss.. tsk Caloy wag ka ngang obvious. Baka mabanga ko si Caddie sa kaba." saway ko.

"Sa angas mong yan, Kicks.. Bebot lang pala ang kryptonite mo. Pano na tayo nyan?" si Denok.

"lul'..kaya nga andito si Theo para.. you know, ma-train ako ng sure-ball na mga da-moves nya."

Si Theo, Kanina pa nakatingin kay Bethany. Mula nung itinuro ko sakanya yung babaeng nagpatiklop lang naman saken.

"Ganda no? Mala-anghel talaga. Sabi nila mabait at masarap daw sya kausap. For sure, Sa galing ng taste mo sa babae.. masasabi mong good catch sya." ngisi ko sakanya.

"Ikaw din naman." at sakin na sya tumingin.

"Wa! Sabi eh, Galing din ng taste ko sa babae.. Si Theo pa nagsabi!" Yabang ko sa mga kabarkada ko.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin." Agap nya.

Lilingon na sana ako sa kanya para bigyan sya ng nagtatakang tingin, kaso..

"Hoy kicks tara na sa practice. Mamaya gig na natin, baka magalit si Boss pag di tayo rock!" at tinulak tulak pa ni Caloy balikat ko.

"Di naman talaga tayo Rock.. Rnb tayo.. hehe." si Denok. "Theo.. nood ka samin ah, si kit ang vocalist namin, magaling yan."

"Oo naman, di ako aalis hangat di naihahatid si Katherine sa bahay nila." tas kumindat sakin si Theo.

"Aysus! Theo, Kit nalang!"

"No, I like katherine. So I'll call you that way." He smiled.

Kuh!? Ito talagang kababata ko.. kung di lang ako humihingi ng favor sayo.. nakaisa kana sakin.

Pero mula't sapul naman Katherine na talaga tawag nyan sakin. Ni ayaw paigsiin ng kath nalang. Siguro nakasanayan na nya kaya di ko nalang sasawayin.

Parang kapatid ko na yan eh. Nung bata  pa kasi kami. Palagi nalang yan nasa amin. Naisip ko tuloy noon pulubi sya. Wala syang bahay kaya nakikitira at nakikikain samin. Kawawa naman. Pero sa gabi di naman sya nakikitulog kaya buti naman.

Eh nalaman laman ko nalang nung isang beses na anak pala sya ni tiyo Ilde. Sinundo sya. Bestfriend ni tatang. Eh mayaman yun eh. Eh bakit naman nya pinapayagan yung anak nyang makitira samin kapag araw!? Wala ba silang kuryente sakanila pag araw at saamin nakiki-electricfan. imposible!

Araw araw. Minsan bago pa ako magising. (Yung ingay pa nga nya gumigising sakin.) andyan na sya. Nakatanghod na sa ginagawa ni tatang. Aliw na aliw si tatang sakanya. Pinapatulong sya sa Talyer. Samantalang ako na anak.. ayaw palapitin kasi madudumihan daw yung bestida ko. Si nanang kasi.. ginagawa akong parang manika.

Ingit na ingit ako kay Theo. May mga bagay syang nagagawa na nakakapagbigay ng ibang klaseng saya kay tatang. Sa akin madaming bawal. Kung naging lalake siguro ako.. Mas close siguro ako sakanya. Ako siguro ang katukatulong ni tatang sa talyer.

Minsan narinig ko ang kumpare ni tatang na nagsabing gustong-gusto daw ni tatang na magkaroon ng jr., Bagay na di na mangyayari kasi sabi daw ng doktor. kumplikado na daw mag-anak si nanang dahil sa komplikasyon sa puso.

Kaya Simula noon kumilos ako na parang batang lalaki. Pwedeng pwede rin ako maging jr. ni tatang ko. Matutuwa na sya sakin.

Pero iba siguro kapag lalaki talaga. Si Theo parin talaga. kapag pupunta kami sa malayo.. Kay Theo ako ibinibilin ni tatang. Puring puri nya ito kapag inaalalayan ako o inaasikaso ako. Naiinis nga ako sakanya noon.

Lahat pa ng ayaw ko, ginagawa nya. Kagaya nalang ng patawag sakin na Katherine. Paghawak sa kamay ko pag naglalakad. paglalagay ng bulaklak sa tenga ko, paglalagay ng panyo nya, pansapin sa uupuan ko.

Parang tange.. Pati sa laro ako daw yung prinsesa at prinsipe sya at ililigtas daw nya ko sa mga pinsan kong si Christopher at Orion.

Buti nga umalis na sila. Sa manila na daw titira. Hay naku.. Aalis nalang, aasarin pa talaga ako. Nauto ako sa kasal kasalan.

Pero nung umalis sya.. parang nalungkot si tatang. Di man nya pinapakita.. napapansin ko naman.

Nakakapanibago siguro na wala na yung makulit na bata. Na laging nakamasid sa mga ginagawa nya sa talyer. Kaya ako.. Ako ang magbabalik sakanya noon. Ako ang magiging jr. nya..

Kaya heto ako ngayon.. di gaya dati. pwede na akong makialam sa talyer. Tinuruan nadin ako ni tatang sa sasakyan at kung paano magkumpuni.

Kaya ngayong bumalik si Theo, wala akong sama ng loob sakanya. Kita nyo nga.. matutulungan pa nya ako kay Bethany.

So habang nandito sya sa Acapita, nanonood sa amin habang nagpapraktis. Tinupad ko na yung pangako kong free drinks. Pa-welcome ko kako sakanya.

Nalibang na ata kami sa jam session kaya di ko na sya napagtuunan ng pansin kung ok lang ba sya. Kaya ayun.. Tumingin ako sa direksyon nya.

Nakatingin.. o parang nakatitig? sya samin.. sakin? habang pinaglalaro ang labi nya sa shot glass nya..

Ang seksi ng dating.. Yung tingin nya.. makatunaw Ice berg..

Yun ba yung sikreto nya kaya andaming naloloko sakanya sa syudad? kunsabagay..

Gwapo nga sya eh.. Ang kutis, Tama lang, hindi mestiso pero mapula pula.. kutis mayaman.. matangos ang ilong.. his eyes are searing.. malamlam.. manipis ang labi na nagpi-pink.. ang buhok nya.. malinis ang gupit pero stylish.. matangkad.. well defined ang katawan.. Gwapo na.. malakas pa ang appeal.. no wonder.. malakas sya sa babae.

Pero kahit anong gwapo.. kung di marunong magdala.. wala rin. Eh base sa kwento ni Tupe.. ang mga ex daw nitong si Theo, habol parin daw ng habol sakanya. So yun na. Yun ang kailangan ko. Yung personality at mga da moves.

Yung diskarteng mahirap tanggihan. yung mahirap makalimutan. Yung .. mahirap na iwan ako.

Lumapit ako sakanya at tumabi sa kinauupuan nya. Kinuha ang shot glass nya at ako ang uminom.

"ok naman pala to', kala ko iba lasa kaya nilalaro-laro mo nalang.."

"Gaano mo ba kagusto si Bethany?" biglang sabi nya.

Di agad ako nakasagot. Nagulat ako eh.. saka parang million dollar question yung tanong nya. Isang maling sagot, mawawala yung chance na mapasagot ko si Bethany sa tulong nya.. Kaya nag-isip ako.. tumitig ako sa mga mata nya para malaman nyang determinado ako. Seryoso din naman syang nakatitig sakin.

"Higit pa sa buhay ko.."

"Payag na ko." agap nya.

sabay agaw ng shot glass nya sakin, sinalinan at nilagok ang mapait na alak.

InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon