"Shhh.. Caloy that's too much.. Uhm.. Miss, need ka lang namin makausap. Wala kaming gagawing masama sayo.. Caloy pakibaba na yang hawak mo.. tinatakot mo eh." saway ko.
"Miss.. Amerie ang pangalan mo di ba? ah siguro natatandaan mo kami.. kami yung kaibigan ni Dandreb, yung kahalikan mo sa vid.." Denok said calmly.
That moment, horror filled her, isa isa nya kaming tiningnan at kinilala.. napapaatras na sya at parang nanginginig. naiiyak"..ah, s-sorry.. s-sorry dun sa n-nangyari.. d-di ko naman alam n-na kakalat yun. I am drunk that night.. I really don't know what I'm doing." Umiiyak na sya.
"m-maniwala kayo di ko sinasadya. Na-udyok kasi ako ng barkada na gawin yun. I am not aware na kinunan yon.. sobrang tipsy na ko and all.. Di ko alam." She sobs na parang di makahinga.
"I-i'm suffering the consequenses na nga.. katunayan nyan nasuspend nga ako ng school.. pinagiisipan pa kung ipapa-kick out ako for deciplinary action. Mahalaga sakin yung pag-aaral ko, 1 sem nalang tapos na ko ng college. Tapos ganito.. biktima lang din naman ako ng mga akala kong mapagkakatiwalaan ko. kaibigan ko lang pala sila sa saya. . nang maipit ako.. ako nalang mag-isa.." humagulgol na sya.
Si caloy na aggresibo kanina, ay kalmado na ngayon at hinagod ang likod para tumahan sya.
"Saan ba yung school nyo?" ask ni caloy.
"Sa San Agustin University.. HRM ako.." hindi parin sya tumitigil ng pag-iyak.
"Dean doon ang tita ko, makakatulong sya sayo para hindi matuloy ang termination mo sa school nyo." Sabi ni denok sakanya. Huminahon na sya ngayon at ngumiti ng bahagya. parang nabunutan ng tinik.
"Pero kailangan mo din kaming tulungan.. Dandreb.. the one you kissed.. sila ng girlfriend nya, they broke up upon seeing your vid." pagpapaliwanag ko. "Help us para makapagreconcile yung dalawa. Charm should know the whole truth, first hand, At ikaw lang ang makakagawa noon."
Tumingin muna sya samin isa-isa bago tumango ng marahan.. She gave us a positive answer. We have to set the reconcillation between Dan and Charm.. Sila ang naging pundasyon ng banda. Kung wala sila.. Wala ang kickxers.
__________
Very thankful kami ngayon na nayaya namin si Dan out from hibernation. Shant I repeat? Hibernation talaga dahil ang dating chisoy features nya at dahil sa pagkukulong from his airconditioned room, lalong namutla.
Naalala ko pa when we pulled him off to bed. He remained asleep right after he slammed himself on the floor. Ganun ba ka-comfy ang carpet sa kwarto nya? Sya na ang rich sa barkada..
Well, hindi naman talaga kami ang dahilan kung bakit sya andito.. Tita, her mom, Helped us in bringing him back to his senses. Alam nyo naman ang mga nanay.. once nagsalita na yan in their commanding voice, kahit siga ka pa ng tondo, titiklop. Parang si nanang ko.
Dito kami sa bahay ko at nagco-conference kami sa plano namin na oplan charmee. Sinabi na din namin na makikipagtulungan na samin si Amerie.
Nung una di namin na-convince.. takot na sa sankatutak na rejection ni Charm. I was thinking kung paanong isang tao lang ang tumabla sayo and it felt like the world turned their back from you. ganon ba mainlove?
Sa huli nagkasundo narin kami at nakumbinsi na sya.. Bukas na bukas din, wala ng back-out back-out kahit bagyohin pa. Persistent we are.
--------
Kinabukasan..
We set-up at the plaza. The way Dan wanted the whole school to know his love for charm nung nililigawan pa nya. Ito rin ang way to win her back.
Kinuntsaba namin yung close friends ni Charm para magawi sya dito. And instructed them na pigilan syang mag-walk out. We don't want to spoil what we've established. At least kung hindi nya kayang magpatawad.. kahit papaano marinig nyang lahat.
We got the signal that the subject is approaching. Di Denok sinimulan na ang intro.. So ako, kahit tumatahip nanaman ang dibdib sa kaba sa dami ng taong nanonood.. closed my eyes so I can feel the song.. grabe, kulang ang shot ko kanina pampalakas ng loob. Performing in a large crowd everyday will turn me into alcoholic.
" Ginusto kong magpaliwanag sayo, ohh..
ngunit di kinakausap.."
Para kay Dan at kay Charm.. sheesh! I can do this!
"Patawarin mo sana sinta,
di ko sinasadya..
Sabihin mo na,
kung anong gusto mo..
kahit ano'y gagawin
para lamang sayo..
Sabihin mo na,
kung papano mo..
mapapatawad.."
After that song, binigay ko na ang mic kay amerie. She explained and apologizes. Sinabi din nya na kung may dapat na sisihin ay sya ang sisihin ni charm, sakanya nalang sya magalit at huwag kay dan. Don't let 8 years of relationship go to waste because of her mistake.
Hindi na pinatuloy pa ni charm ang mga sasabihin ni Amerie at niyakap nya ito. Amerie cries kaya sabi ni Charm na mapapatawad na nya si Amerie kung tatahan na ito. and it drew laughs sa mga bystanders at nakikinood sa maliit na programa namin.
Then Dan approached her. He explained, He apologizes and asked kung pwede pa ba sila.
Bago pa man sagutin ni Charm ang tanong, Dan Sanged the song Tensionado. One thing he rarely does ay ang kumanta. kaya ako ang nakanta para sakanya. pero this time, he insisted. kahit shaky ang boses.. he gave it a go, all for Charmee.
While roaming my eyes from the audiences reaction.. may na-sight ako.
Coming from other side of the street I saw Bethany. And she's with..
Theo
Walking habang nakakunyapit si Beth kay theo. Bakit sila magkasama? From the look of it, parang close sila. Both grinning ear to ear.
That moment imbes na good vibes ang nangyayaring pagbabati ni Dan at ni Charm.. Frustrations pa ang naramdaman ko. How could this be.. alam ni theo ang nararamdaman ko kay Beth, alam nya ang mga plano ko.. So how can this happen that Beth is almost rubbing herself to this gruesome man that I knew very well at pinagkatiwalaan ko. And I hate it when I see her clunging at him that much! And I hate it more seeing him enjoying it!