Inside Part 11

3 2 0
                                    

"Di ka parin nagbabago.. lumaki lang yang katawan mo pero yang isip mo.. isip bata parin."

Humarap sya sakin and smirked. "Ganyan pala kayong mga tibo.. napapansin parin ang katawan namin.."

"Humahanga lang dude.. walang malisya."

Lumapit sya at umupo sa tabi ko.

"So sinasabi mong mature kana ngayong may curves ka na?"

Napatingin ako sa sarili ko. Anong curves? muscles to'

"Kumusta naman yung bahay nyo? ayos na ba?"

pag-iiba ko ng usapan.

"Matatagalan pa yun.. Medyo binago ko yung layout. Yung mas accessible kay mom."

Yung mama nya nga pala nagkasakit kaya dinala abroad. Weak daw ito at di gaano gumagawa ng mabibigat. Hindi narin nakakakilos ng kagaya dati.

Madami kaming napag-usapan. Tungkol sa mga bagay bagay sa buhay namin noon at ngayon. Light beer in can na ang iniinom namin ngayon. Casual lang, di naman kami nagpapakalasing, magd-drive pa sya kaya pahapyaw lang ang pag-inom.

Nagtangal sya ng pang-itaas na buttons nya. From my spot nasisilip ko ang manly chest nya.. He's trying to relax kaya nya ginawa yun, While ako.. parang na-tense.. di ko maintindihan.. I suddenly felt uneasy. Napapapaypay ako ng kamay.

"Gusto mo buksan ko yung aircon?"

"Ah, hindi.. ok ako." sumipol ako para manawag ng hangin.. parang kunukulang ako ng oxygen.

Katahimikan..

"Naalala mo pa yung kasal natin kay Tupe?"

"huh?.. ah yun, kalokohan lang yun.. di nga naging pari si Tupe eh.. hehe."

He smiled.. mukhang di sya makatawa kagaya ko.. "anong nangyari sayo Katherine.."

Yung tanong nya.. maraming ibig sabihin..

Balang araw... balang araw tototohanin natin yung kasal!

From the back of my mind, naalala ko yung sinabi nya nung huli kaming maghiwalay.

Tss.. Bata pa kami noon, It's foolish.

"Wala naman.. nahanap ko lang yung totoong sarili ko."

"Kelan mo pa nalaman na.. lesbian ka pala?"

"Nung bata pa ko."

"Andito pa ba ko non?"

"hmm.. wala na, asa manila na."

"Ah.." he said..then he murmured, "Kung nandito pa pala ako, girlfriend na siguro kita ngayon."

"Hanong sabi mo?" di ko naintindihan yung sinabi nya.

"Sabi ko matagal-tagal na pala.."

"Ah.. hokei.. Uhm.. uwi na tayo. Baka makarami tayo ng inom, di na tayo makauwi." I winked at him tapos tumayo.

at dahil sa clumsiness nahulog yung shades ko. Sa tagal kong nags-shades for a mysterious effect at maitago yung expression sa mata ko dahil mabilis daw mabasa ang iniisip ko through my eyes.. ngayon ko lang nalaglag ito ng ganito dala ng kagaslawan.

I immediately crouched down to pick it up but Theo did the same too..

"Ouch!" naumpog ako sa ulo nya.

"Sorry." he apologized.

Sabay namin kinuha ang shades ko and our hands met rather than taking what we're supposed to. Binawi ko agad ang kamay ko at ganun din sya. God, naramdaman din kaya nya? nakakakuryente..

InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon