05

4.2K 59 0
                                    


"Ito na! excited ko nang mahawakan ang diploma" tili ng aking pinsan habang hawak niya iyong kamay ko.

"Asherille Cly Hernandez"

"Goo na" tinulak pa ako ng mahina sa aking pinsan.Umakyat ako sa stage at tinanggap ang aking diploma.

"Picturan mo ako ha?" Binigay ni Shanah ang cellphone niya sa akin.Ng tinawag naman ang kanyang pangalan ay peoud na proud siyang tumayo.May pa kaway kaway pang nalalaman bago umakyat ng stage.

Nang natanggap na niya ang diploma at pumunta siya s agitna ng stage at doon nag possing tapos ay nag bow.

"Ano?nakuhaan mo ako?" Masayang tanong sa akin ni Shanah ng naka baba na siya.Tumango ako tsaka ko binigay ang aking cellphone.

Muli ay nilibot ko naman ang aking paningin sa upuan ng  aking mga parents.Wala paring naka upo sa dalawang upuan na para sana sa mga magulang ko.Mapait akong ngumiti tsaka tumingin nalang sa stage.

"Before we close this program, let us listen the speech of our Cumlaude.Ms.Asherille Hernandez"pag tawag ng emcee.

" Wohoooo!Pinsan ko yan"sigaw no Shanah sabay tayo at pumalakpak.

"Good evening everyone!" Pag sisimula ko.Tumikhim muna ako bago ko sinimulan ang aking speech. Pag ka tapos ng aking speech ay uwian na.

"Cy, sinong kasama mo?" tanong ng ina ni Shanah sa akin. Cy talaga ang tawag nila sa  akin simula noong bata pa ako.Inakbayan ako ni Shanah at ngumiti siya sa akin.

"Isasama natin si Ashe sa dinner natin mom?" Suggestion ni Shanah doon sa kanyang mga magulang.

Umiling iling ako at tsaka ko kinuha ang kamay nya na nasa abaga ko.

"Uyy Shanah may pupuntahan pa ako" pag sinungaling ko.Ngumiwi siya.

"Tsss sege na,sasamahan naman kita kung saan ka pupunta" pag ma tigas niya.

"No need Shans.Sa tabi tabi naman ako" bumuntong hininga si Shanah.

"Naku Shanah wag nang makulit" saway ng Mommy ni Shanah tsaka siya tumingin sa akin. "Basta pag may time ka pa ija,punta ka sa Rafiels ha?" Tumango ako.

Nag pa alam na ako sa kanila tsaka ako tumalikod at pumunta sa aking kotse.

"Ma-" napa tigil ako sa pag tawag ni Mama ng may kasama pala silang kumain sa dining room.Isang babae at pamilyar na pegura ng lalaki ang kanilang kasama. "Ma,Pa Good evening po" lumapit ako sa kanila at himalik sa kanilang pisngi.

Umupo ako sa upuan na nasa kilid ni Mama dahilan upang naka harap ko ang lalaking kung maka tingin sa akin ay para akong pinasok sa refrigerator.

"Ma bakit po hin-" napa tigil ako s apag salita ng biglang nilagyan ni Mama ng kanin at ulam iyong plato ko.

"Naku anak,kumain ka dyan.Im so very proud of you.By the way Mr.Villaguizano this is my daughter.Graduation niya this year .Suma Cumlaude ka ngayon diba anak?" Ngumiti pa ang si Mama sa akin.

"C-umlaude lang po" naka yukong sabi ko.Sa muling pag angat ng aking tingin ay nawala ang ngiti ng aking Ina.Ang aking ama naman ay parang wala ako dahil patuloy lang siyang ngumuya.

"Naku ma,big achievement na yan.Diba sister?Im proud of you" tumingin ako sa babaeng tinawag ako ng 'sister'.Ganun nalang ang gulat ko ng medyo kapareha siya ng mukha ni Papa. "I bet hindi mo ako kilala?naku sister,ikaw nga iyong kalaro ko noong five years old pa ako at ikaw naman ay three years old" hindi ko alam kong ano ang isagot ko sa kanya kaga tumango nalang ako at pilit na ngumiti.

"Ma,Pa. Aalis na kami ng nobyo ko ha?may gagawin lang kami." Paalam ng babaeng tinawag siyang sister kanina. "Sister,Una na kami" paalam niya sa akin.

Andito ako sa sala habang sila Mama at Papa naman ay hinatid silang dalawa patungo sa gate.

"Hindi ko alam kong bakit puro kahihiyan lang ang bigay mo sa amin Asherille.Hindi ko na talaga alam kong anong gawin ko sayo" Nang maka balik na ang kanyang mga magulang ay nilait na naman siya.Akmang aalis na sila ng nag tanong ako.

"S-ino po iyong kasama niyong kumain m-a" lakas loob kong tanong ko sa kanya.

"hindi mo talaga siya kilala dahil sa Hospital siya halos tumira" tiningnan ako ni Mama sa ulo pababa sa aking mga paa. "Its you to find out" at tinalikuran niya ako.

Nakita kong napa iling iling lang sa akin si Dad at tsaka sumunod kay Mama na umakyat sa hagdanan.

Mag isa ako ng maka rating ako sa condo.Nasa mansyon siguro nila si Shanah dahilan upang ako lang ang tao dito.

Kina umagahan ay wala akong ideya kong anong gagawin ko.Hindi ko alam kong aaply ba ako doon sa kompanya ni Mama o humanap nalamg ng ibang kompanya na pag trabahuan.

"Good Morning Asherille!" nagulat ako ng makita ko ang masayang mukha ni Shanah at kasalukuyan pang may hawak na sandok. "Nilutuan kita" lumapit siya sa akin at hinila ako papunta sa kusina.

Akala ko kung ano iyong niluto niya pero fried chicken lang pala na mukhang prenito niya ulit.

"Kung maka tingin ka parang nilait mo iyong cooking skills ko ha" parang batang reklamo niya sa akin.Napa tawa ako at mahina siyang sinapak.

"Baka nakalimutan mo hindi rin ako marunong mag luto?" Paalala ko sa kanya.

"Ay bet!mag pinsan nga tayo" Nag simula na kaming kumain at panay ang tanong niya sa akin kung saan daw ako galing kagabi.

"Kilala mo iyong Villaguizano diba?" Tanong ko sa kanya. Tumango tango siya at kumunot ang noo niya. "May girlfriend siya?"

"Ay teh mukhang iba na yan" pang aasar niya sa akin.Inirpan ko siya dahil hindi ganyan ang gusto kong isagot niya sa tanong ko. "Pero balik tayo.Ayon sa mga chismis,alam mo na dakilang chismosa tayo kaya alam kong may girlfriend siya at ayon sa haka haka ay Hernandez daw iyong apilyedo ng babae"Napa kunot ang noo ko sa narinig ko. " Hala ka apilyedo mo?pinsan mo?pero  sa akin ka lang She ha?wag kang lalapit nun" dagdag pa ni Shanah.

" Alam mo ba ang full name ng babae?"tanong ko uli.Tiningnan naman ako ni Shanah na may pag tataka.

" Mukhang may binabalak ka teh ha?nuku hindi ko iyan gusto"napa buntong hininga ako dahil hindi naman niya ainagot iyong tanong ko.

"Seryuso kasi!" Asik ko sa kanya.

"Fine.Sinerch ko naman iyon at yong Full name niya ay Jashmine Claire Hernandez"

~•~•~•~•~•~

Ano kaya ang papel ni Jashmine sa istoryang ito?

Vienders, ating abangan!

CEO Series 2: The Other Way of Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon