16

3.6K 50 1
                                    


Natapos na sa wakas ang meeting. Ngayon ko lang din nakita si Kovier na ganun ka saya. Ang akala kasi ng karamihan ay masungit siya, walang awang maramdaman, hindi marunong makipag halubilo.

But the meeting kanina is iba. I can see Kovier's Happiness at isa pa naki pag halubilo siya sa mga board.

"sir, kailangan mo ng sunduin si Razen" paalala ko kay Sir before siya maka pasok sa kanyang opisina.

"Okay. Sumama ka sa amin" Nag simulang lumakad si Kovier kaya sumunod na lang din ako. "Hop in" I weirdly stared Kovier. Hindi ko alam kong bakit siya pa mismo ang nag bukas ng pintuan sa kanyang kotse.

Tumikhim siya kaya pumasok nalang ako passenger seat. Sinundan ko ng tingin si Kovier na kasalukuyang umikot para maka punta sa driver seat kung saan katabi ko. Sa bintana nalang ako naka tingin upang maiwasan iyong minsang pag titig niya sa akin.

Masyadong awkward kaya sana maka rating na kami agad sa school.

Lumabas ako upang lapitan si Razen. May kausap siyang batang babae.

"Razen" ngumiting tawag ko sa kanya habang kumakaway. Napa tigil ang aking kamay sa eri ng nakita kong hinalikan ni Razen iyong babaeng kausap niya sa noo. Naka tulala ang batang babaeng hinalikan ni Razen.

Nang maka lapit na si Razen sa akin ay pinanliitan ko siya ng mata. Namula naman iyong pisngi ni Razen dahil sa hiya.

"Naku Razen, sana naman hindi mo mana iyong kahalayan ng ama mo!" Panenermon ko sa kanya habang kiniha iyong backpack niya sa likod. Pinunasan ko iyong pawis niya sa noo tsaka ko hinawakan iyong kamay niya at inaya papunta sa kotse kung saan nandoon nag hintay ang kanyang ama.

Sa passenger ko pina upo si Razen habang sa likod namana ko katabi iyong bag ni Razen.

Hinayaan ko lang ang mag amang mag usap. Sinermonan din ni Kovier si Razen tungkol doon sa pag halik sa noo doon sa batang babae.

Kinuha ko ang aking cellphone ng tumunog iyon.It was a text from Daphne at sinasabihan akong may lagnat daw si Sav. I felt pity for my daughter. Siya sana ang kasama ko at hindi itong mag amang to.

Tumigil kami sa isang mall. Hindi ako mapag kali lalo nat may bagong text si Daphne na nasa 39 Celsius daw iyong temperature ni Sav.

" Ahm Sir,pwede po bang hindi muna ako sasama sa inyo?" Paalam ko kay Kovier.

"Why?may pupuntahan ka ba?pwede namang sasamahan ka namin" Sabi ni Kovier habang nilingon ako. Kasalukuyan na kasi kaming nasa loob ng mall at binuhat niya si Razen.

"Ahm hindi na sir,May pupuntahan lang akong kaibigan" pag sinungaling ko.

"Okay, just text me if tapos na kayong mag usap sa friend mo para sunduin ka namin" napa buntong hininga ako. Salamat naman! "and uhh take care of yourself at huwag kang lalapit sa mga lalaki" dagdag niya na siyang ikinalakas naman ng kabog ng aking dibdib.

Kung wala lang sakit si Sav ay may oras pa akong mag drama pero dahil may emergency na nangyari sa buhay ko ay agad akong kumaripas ng takbo papunta sa comfort room.

Inhale...Exhale.. paulit na bulong ko sa aking sarili upang pakalmahin bago ko kinuha ang Cellphone para tawagan si Daphne.

"How's Sav Daph? Sumuka naba siya? Baka lamigin siya bihisan mo ng jacket tsa-ka lagyan mo ng cool fever iyong noo niya"

"Relax" biglang sabi ni Daphne kaya malakas akong napa buntong hininga. "Focus sa goa-este sa revenge mo diyan ha? Kaya ko namang alagaan si baby Sav at isa pa bumaba na din iyong temperature niya ng sumuka siya kanikanina lang"  saglit akong nag dasal at nag papasalamat sa Diyos dahio sa naging kalagayan ng anak ko pero sana nga ay mawala agad iyong lagnat niya.

"Yeah, Thankyou Daph! I owe you a lot ,huwag kang mag alala pag ikaw ay mag ka baby tulungan naman kita"

"Tse! Huwag ka na ngang mag bula at isa pa byers na par ama tutukan ko na itong baby mo"  saglit pa kaming nag tawanan bago pinatay ang tawag.

Mag te-text sana ako kay Kovier upang mag tanong kung nasaan sila kaso nakita ko na sila sa ice cream stool.

Nilapitan ko sila kaya naman napa tingin sa akin si Kovier.

"Tapos na kayong mag usap ng kaibigan mo?" Tanong niya. Tumango ako kaya muli niyang binaling ang kanyang tingin kay Razen na kasalukuyang nag tuturo ng mga flavor ng ice cream.

"Ilang ice cream po ba sir?" Tanong ng tindero.

"You want?" Nilingon muli ako ni Kovier at tinanong kung gusto ko ba daw ng Ice cream. Tumango ako,ayaw ko naman ding maging kj.

Umupo kaming tatlo sa upuan na may lamesa. Ang mag ama ang kaharap ko kaya kita ko kong paano inalalayan ni Kovier na kumain ng ice cream ang kanyang anak.

Napa tingin ako sa cellphone ko ng nag vibrate iyon sa kamay ko. Si Daphne pa rin iyon at nag update tungkol sa kalagayan ni Sav. Kasalukuyan akong nag type ng may nag punas sa akin.

Napa tingin ako kay Kovier ng pinunasan niya using hid thumb ang gilid ng labi ko. Tipid siyang ngumiti sa akin ng matapos na niyang punasan at muling tumingin kay Razen na naka tingin din sa akin.

Hindi ko alam kung ilang segundo akong naka tulala pero napa balik lang ako sa realidad ng nag vibrate muli ang aking cellphone.

From Daphne

~Ha? Anong 'mamaya ka na mag text dahil pinunasan? What the hell Asherille!

Muli kong chineck iying latest reply ko ni Daphne at totoo ngang na sent ko sa kanya iyong tinype ko ,kahit naka tulala pa siguro ako ay type ako ng type na parangmay sariling buhay itong kamay ko. Paanong nasali iyong pinunasan aber?

"Change your clothes we'll go to my parents house" naka tingin sa akin si Kovier mula sa review mirror. Nasa harap na kami ng condo ko. Tumango ako at akmang lalabas na ako ng muli siyang mag salita.

"Uhm avoid dressed a revealing clothes" napa tingin ako sa kanya. " ehh my p-arents hate revealing dress" defensive niya masyado.

Nang maka layo ako sa kotse ng mag ama ay impit akong napa tili. Hindi ko alam kong bakit sobrang saya ko sa araw na ito at mas lalong natakot ako sa naramdaman ko dahil panay ang kabog ng aking dibdib pag kasama ko si Kovier.

I hate to accept this but I think Im slowly falling Kovier...AGAIN

***

Who's excited for the ending? We have 10 more chapters para matapos na ang story na ito!

CEO Series 2: The Other Way of Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon