07

3.9K 53 1
                                    

Nandito kami ni Shanah sa isang Mall. Mabilis lumipas ang panahon kaya hindi ko na namalayan na mag isang buwan na pala ako sa aking trabaho. Tulak ko ang push cart habang si Shanah naman ang taga lagay.

Naubos na din kasi ang stock namin buti nalang at binigyan kami ng day off kaya may oras kaming maka pag mall.

"Bat puro mga chocolates Shans?try naman natin sa mga fruits" suggest ko sa kanya.

"Anong fruits?baka mamaya mabubulok lang iyan sa ref dahil hindi tayo mahilig kumain ng nga prutas"naka ngiwing sabi sa akin ni Shanah.

Pinilit ko si Shanah kaya labag man sa loob nya ay bumili nalang sya ng tatlong watermelon.

Pag sapit ng gabi ay bag luto si Shanah para sa aming dinner.Fried rice iyong niluto niya sinamahan pa ng bacon at itlog.

"Hindi na kita nakitang pumunta sa bahay nyo.Kinakalimutan mo na din ba iyong mga parents mo?" Tanong sa akin ni Shanah habang nilgayan niya ng fried rice iyong plato ko.Hindi nalang ako sumagot.

Nag simula na kaming kumain ngunit isang subo ko pa lang ay nasusuka na ako.Madali akong tumayo at pumunta sa sink.Ramdam ko naman si Shanah na kasalukuyang hinaplos ang aking likod.Binigyan rin niya ako ng tubig pag ka tapos kong sumuka.

Wala namang lumabas sa mga kinain ko bagay na ipinag taka ko.

"Nasa Ref ba iyong watermelon?" Tanong ko kay Shanah.Tumango siya.Hindi ko nalang pinansin iyong kakaibang titig nya sa akin.

Bumalik ako sa lamesa na may dalang maliit na platito na nilgayan ko ng Mayonnaise at isang hiwa ng watermelon.Hindi ko alam na sobrang sarap pala ang watermelon pag isawsaw mo sa mayonnaise.

"Try mo, masarap" pag aya ko kay Shanah.Titig na titig lang kasi sya sa akin ni hindi ko na sya nakitang ngumuya o sumubo.

"Weird" mahina ngunit narinig ko naman iyong binulong ni Shanah.

Kinabukasan ay alas nuebe na akong gumising.Mabilis pa sa tigre akong tumayo at pumasok sa Cr upang maligo.

"Hindi tayo papasok sa trabaho this week" bungad sa akin ni Shanah pag ka labas ko sa aking kwarto.

"Bakit?" Taka kong tanong.Sa halip ay sagutin ako ay tumingin lang sya sa bandang tiyan ko tsaka niya ako tinalikuran at pumunta sa kusina.Sinundan ko siya.Natakam ako bigla ng may maraming shumai sa lamesa.

"Saan mo to nabili?" Excited na tanong ko sa kanya.Umupo ako at agad sumubo ng isang shumai.

"Paki kuha ng Mayonnaise Shans isawsaw ko lang tong Shumai" utos ko sa kaniya.

"Nahihibang ka na ba Asherille?Shum-"

"Joke lang" pambabawi ko bigla.Hindi ko alam kong ilang shumai ay naubos ko basta naubos ko lahat ng shumai na nasa lamesa.

"Mag bihis ka may pupuntahan lang tayo" seryusong sabi niya.

"Bakit ba nasa Pharmacy tayo?"bulong ko kay Shanah.

"Apat na Pregnancy test" bigla nalang lumamig ang aking kamay ng marinig ko ang sinabi ni Shanah doon sa babaeng tindera.

Naramdaman ko nalang ang aking sarili na nasa condo namin.Possible kayang buntis ako?Kaya ba naging favourite ko na iyong mga weird foods?kaya ba nag susuka ako dahil buntis ako?

"Shanah b-untis ako?" Parang tanga kong tanong sa kanya.Nag simula na ding tumulo ang aking mga luha sa aking pisngi.Inalo niya ako.She even wipes my tears using her thumb.

"Shhhh.Its okay.Malaki na rin tayo." Ibinigay niya sa akin ang balot kong saan nasa loob ang pt.Nanginginig man ay tinanggap ko iyon.

Two red lines. Sa apat na Pt ay puro may dalawang linya.

Lumabas ako at pinakita kay Shanah ang aking pregnancy test.

"Maging tita na ako?" Masaya man siya ngayon pero kita din ang lungkot ng kanyang mga mata na naka tingin sa akin.Iyomg tipong ngumiti siya ngunit malungkot iyong mata niya.

"Shanah hindi to p-wede" nasa bibig ko ang aking palad.Niyakap niya ako ng mahigpit.Dahil sa aking panginginig ay nabitawan ko iyong pregnancy test ko.

"Shhhh" pag alo niya sa akin.

Binigyan niya ako ng tubig ng medyo okay na rin ako.

"She sasabihin mo sa akin ang totoo ha? Sa party ba natin sa bar iyan nabuo?k-aya ba hindi ka nutulog dito dahil sa ibang kwarto ka n-naka tulog?" Utal na tanong sa akin ni Shanah.Tumango ako. " Omyghad!"sapo niya ang kanyang noo.

"Shans.Alam kong hindi to matanggap ng mga magulang ko." Alala kong tanong sa kanya.

" andito naman ako.Hindi naman kita papabayaan."pilit ngiti niyang sagot sa akin. " Kilala mo ba iyong naka sex mo?"tanong niya sa akin.Umiling ako.Dahil sa aking pag taranta ay nakalimutan kong tumingin sa lalaking naka siping ko noong gabi. "May naalala ka ba sa kanyang mukha? O di kayay pangalan niya?"

Muli kong inaalala ang gabing iyon.Pero nang dahil siguro sa alak ay hindi ko makita ang mukha ng lalaki pero may isang pangalan na sinabi niya sa akin.

"K-ovier.yan ang sinabi niya s-akin"

Napa buntong hininga siya.Tumayo siya at inalalayan akong maka tayo rin.

"Saang hotel kayo?" Seryusong tanong sa akin ni Shanah.

" Adreline" naka yuko kong sabi.

Nag pa aalam siya dahil pupuntahan daw niya ang hotel na iyon.Nag tanong pa siya kung anong room number pero hindi ko na iyon natandaan.

Nang maka alis na si Shanah ay tsaka naman ako lumabas para pupunta sa mansyon namin.Di bale na kung malaman ng aking nga magulang ang tungkol sa aking pag bubuntis basta alam nila.At kung itakwil man nila ako ay tatanggapin ko nalang as what Shanah told me earlier na tulungan niya ako.

Sakto namang nasa bahay lang si Mama kaya naki usap akong makinig siya sa akin.

"Ma buntis ako"  deritso kong sabi sa kanya.Tinaasan niya lang ako ng kanyang kilay ni hindi natinag sa aking mga sinabi.
"Ma Im P-"

"I know.Matagal ka na naman naming tinakwil kaya wala na kaming paki sa iyo.Leave,kunin mo lahat ng gamit mo sa kwarto mo at huwag ka ng babalik dito"walang emosyong sabi sa akin ng aking Ina.

Napa iling ako dahil hindi ako maka paniwala kong bakit walang puso itong tinawag kong 'mama'

" Ma?lahat ng gusto mo ay sinunod ko ni kahit labag man sa aking sarili.Pero salahat ng aking achievement ni hindi ka sumulpot.Sa graduate ba saan ka? Ma bakit hindi niyo naramdaman na pagod na ako?na pagod na akong umasa na maging masaya kayo sa akin."naiyak kong sabi sa kanya. Wala ka man lang mababasang emosyon sa kanyang mukha.Bumuntomg hininga ako upang pakalmahin ko iyong aking sarili. " Dahil ba ito kay Ate mama?Dahilba sa kanya ba kaya wala kayong paki sa akin?" Bigla niya akong sinampal.

" Hindi dahil sa ate mo,kundi dahil sa iyo!"sigaw niya s aakin habang tinuro niya ako. " Ampon ka lang dito kaya wag mong sumbatan ang anak ko.Ng dahil sa iyo muntik ng mamatay ang anak ko! Isa ka lang malas sa buhay namin kaya lumayas ka!"

Kaya pala..

******











CEO Series 2: The Other Way of Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon