20

3.8K 66 0
                                    


"Im sorry" pag hingi ko ng paumamhin sa mga leader ng taga department. Hindi naman malaki ang kompanya ko kaya nasa dose lang kami.

Nag simula na silang mag report sa akin. To be honest hindi ako nakinig sa mga pinag sasabi nila. Puno ng katanungan ang aking isipan. Hindi ko alam kong bakit parang nag sisi ako sa ginawa kong pag bigay ng tulong sa aking pamilya.

Ghad! Nakokonsensya ako, knowing na tunay ko silang pamilya at pinaaral nila ako. Alam kong hindi sila naging sapat sa akin upang maging magulang ko ngunit hindi ko rin maitanggi na may parte sa aking puso na nasisiyahan dahil kahit na hindi nila ako gusto atleast hindi nila ako iniwan sa kalye kalye lang, binihisan ako, binila ang gusto ko at pina aral nila ako.

"Okay ka lang? Pang ilang buntong hininga mo na yan ha" bulong sa akin ni Mema. Tumango ako at muling itinuon ng pansin doon sa mga nag report.

Sakto namang lunch break na ng matapos ang meeting kaya nag paalam ako at inihabilin muli ang aking kompanya doon kay Mema.

"Why your here?" Bungad na tanong ni Daphne sa akin na may hawak pang tasa.

"Pwede mo bang e trace ang location ng mga magulang ko?"  Tanong ko sa kanya deritso. Mag tanong sana siya ngunit tumingin ako sa kanya na parang nag mama ka awa.

"Davis Hospital" sabi sa akin ni Daphne habang may kung anong kinakalikot sa kanyang loptop. "Room F- 16" dagdag muli niya. Nag pasalamat ako kay Daphne tsaka ako nag paalam at pumunta sa Hospital.

Deritso lang akong pumasok sa kwarto. Buti nalang at may kausap ang nurse kaya hindi ako na sita.

"a-nak?" Takang tawag sa akin ni Mama. "Anak, ikaw nga" pinunasan niya ang kanyang luha tsaka siya tumayo at yumakap sa akin. Nang mapansin niyang hindi ako yumakap sa kanya ay lumayo siya sa akin.  "a-nong ginawa mo dito anak?" Kinabahan man ngunit makikita mo sa kaniyang mata ang munting pag asa.

"Tutulongan ko kayo" tipid na sagot ko. Ngumiti si mama sa akin tsaka niya muling pinunasan ang luhang dumaloy na naman sa kanyang pisngi. "But you need to tell me first. Kung bakit iba na ang may ari sa kompanya niyo, kung bakit nasa Pilipinas si Claire at kung bakit umalis kayo sa mansyon"

" ahm okay, pero maupo muna tayo anak?" Tumango ako tsaka ko siya sinundan papunta sa mini sala. Tiningnan ko saglit ang naka higa sa higaan and it was my dad.

" Hindi ko alam kung bakit sinaktan ng lalaking iyon ang kapatid mo. Basta nalang naming isinuko ang bahay at mansyon kapalit ang kalayaan ng ate mo. Noong una hindi siya pumayag dahil masyado dawng maliit ang mansyon at ang ating kompanya para sa sakit na naramdaman niya kaya gumawa ulit kami ng deal na hayaan niya muna ang kapatid mo kahit sa loob lamang ng tatlong taon. Mayaman si Alexis kaya Hindi namin kayang malabanan siya. Pumunta kami sa France upang doon mamuhay ng payapa. Pabalik balik din sa Pilipinas si Claire upang mapa nga lagaan niya ang kanyang mag ama. Nag daan ang tatlong taon at natuntun kami ni Alexis. Kinuha niya muli sa amin si Claire kaya wala kaming magagawa." Tumigil sa pag kwento si mama dahil umiyak na naman siya. Tumayo ako at kumuha ng tubig tsaka ko ibinigay sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa akin. Ininom niya muna ang tubig tsaka siya mag kwento muli sa akin.

" Walang wala kami sa mga oras noon kaya napilitan akong mag trabaho at ang daddy mo. Dumating ang point na nakita kami ni Mr. Villaguizano tinulungan niya kami kaya hindi na kami nag trabaho pa. Pinatira kami sa isa sa kaniyang Mansyon sa France at may mga katulong pang nag sisilbi sa amin. Dumaan muli ang ilang taon at nag ka roon ako ng sapat na pera dahil pina trabaho kami ni Mr. Villaguizano sa kompanya niya. Napag isipan naming pumunta sa New York dahil nabalitaan kong nandito ka daw. Ngunit mapag laro ang tadhana dahil lumala ang sakit mg daddy mo ng maka rating kami sa New York. Sa awa ng Diyos at tinulungan muli kami ni Mr. Villaguizano. Nag pa dala siya ng pera sa amin upang mag ka roon ng pam bayad sa gamot at pag ka confine ng daddy mo dito" tumingin si mommy kay Daddy saglit. " Sa katunayan nga ay nahihiya na ako kay Mr. Villaguizano. Ang rami ng naitulong niya sa atin"

Sandaling namayani ang katahimikan ng matapos ng mag kwento ang aking Ina. Hindi ko alam na ganoon pala ang naging buhay nila noong wala ako.  Tiningnan ko ang oras at mag alas tres na pala ng hapon. Nag paalam ako dahil naka limutan kong kumain ng lunch kanina.

Habang papunta sa restaurant ay kinuha ko ang aking cellphone uoang e text si Daphne na siya nalang ang kukuha kay Savvy.

"Ayputangina" mabilis kong sabi ng may naka bangga ako. Kinuha ko ang aking cellphone na nasa sahig dahil sa gulat tsaka ko cheneck kung may sira buti nalang at wala.

Aawayin ko sana ang naka bangga ko pero nag bago ang aking isip ng makita ko kung sinong lalaki ang aking naka bangga.

" C-yrra" nautal niyang banggit sa aking pangalan. Hindi ko alam kong paano ako mag react dito. Ang lalaking Binasted ko lang naman ang aking naka bangga kaya hindi ako mapag kali kung anong e react ko sa kanya. "Cyrra, Thank God at nakita kita muli" Niyakap niya ako. Hindi ako yumakap sa kanya pabalik dahil sa hindi parin na proseso ng aking utak ang mga nangyari ngayon.

"Im sorry Cy, handa akong mag bago para sa iyo, handa akong mag explain para lang tanggapin mo ako" bulong niya sa akin. Kumawala siya sa pag ka yakap. Nanatiling seryuso ang aking mukha.
"Mag salita ka nga!" Parang bata niyang sabi sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at akmang hihilahin niya ako ng sa wakas ay naka pag salita na ako.

"Hindi pa ako kumakain" Pinag sisihan ko ang lumabas na salita sa aking bibig.

"I know, kaya nga nag dala ako nito" tinaas niya ang dala niyang paper bag. Nag simula siyang lumaka dkaya nag pa hila nalang ako sa kanya patungo sa Room ni Dad.

"Mr. Villaguizano" natarantang bati ni Mommy sa kasama kong lalaki. Tinanguan ni Kovier si Mommy tsaka siya dumiritso sa mini sala at nilapag ang pina bili niya.

"Eat.Ubusin mo yan at mamaya ay may aaminin ako sa 'yo" seryusong sabi niya sa akin. Para akong naging asong sunod sunuran niya.

May sasabihin siya sa akin? Ano na naman kaya yon?

****









CEO Series 2: The Other Way of Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon