23

3.5K 55 3
                                    


Nandito ako sa mansyon nina Kovier. Wala siya dito dahil may emergency meeting daw sa kanilang kompanya. I looked at my daughter. Inosente niya lang nilibot ang paningin niya sa loob ng mansyon.

We've been talking about Razen sa plane palang at alam kong excited na itong anak kong babae na makita ang kanyang kambal.

"Is that Razen mommy?" She asked me while pointing sa picture frame na nasa wall.  Solo Picture lang ito ni Razen. Hindi ko alam king bakit puro picture lang ni Razen at ang parents ni Kovier ang may larawan gayong sa kanya naman itong mansyon.

"Yeah" Tinitigan ko ng mabuti ang larawan. Lihim akong napa tawa ng walang duda ay anak nga ito ni Kovier. Hindi ngumiti, at masamang tumitig sa camera.

" He's so handsome mom, cant wait to see him" Tili niya.

" and your beautiful too, Sav."

Pag dating ng alas onse ay nag prepare na kami para sunduin si Razen. Ang driver ni Razen ang kaming dalawa ni Sav ang susundo sa kaniya.

"Its too hot here mom" nska pout na sabi ng anak ko habang pinay payan niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang palad.

"You forgot to bring your portable electric?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang kanyang pawis. Umiling sya. Nasa bench na kami nag hintay. "Namumula ka na, pumasok ka nalang kaya sa kotse?" Suggestion ko. Alam kong ngayon lang niya naranasan ang ganitong init at natatakot akong baka mag ka sakit pa siya.

"No mom. I want to- Ohh is that Razen mom?" Napa lingon ako sa tinuro niya at si Razen nga iyon.Nag iisa lang siyang lumakad habang naka busangot ang mukha.

"Razen" naka ngiti kong tawag sa kanyang pangalan. Nang makita niya ako ay kinawayan ko siya ngunit nangunot ang aking noo ng umiwas siya ng tingin sa akin.

"How's your school anak?" Tanong ko ngunit hindi niya lang ako pinansin.

"Hi, Im Savvy your lost sister" naka ngiting sabi ng aking anak.

"I know" Tipid na ngumiti si Razen kay Sav tsaka sandaling tumingin sa akin bago dumiritso sa kotse.

Sa Frontseat ako umupo habang ang dalawa naman ay nasa backseat. Rinig ko ang kanilang pinag usapan ngunit wala akong pake na makinig dahil nag taka ako dahil sa inasta ng aking anak na si Razen.

"Sa company ni Kovier tayo Kuya" Utos ko sa Driver.

Saway ako mg saway sa mga anak ko. Sa hagdanan kasi sila pumunta kahit na may elevator at isa pa nag hahabulan sila.

Bumuntong hininga ako tsaka ako nag mamadaling humakbang sa hagdanan upang masundan iyong anak ko naka abot na siguro sa susunod na floor.

"Look what you've Done, you ruin my dress" Napa kunot ang aking noo ng may nakita akong babaeng sigaw ng sigaw kaharap ang aking anak na babae. Nasa likod niya si Razen kung saan matalim na naka tingin doon sa babaeng kanilang kaaway.

"Excuse me?" Sabat ko at nilapitan si Sav na ngayon ay paiyak na. Hinaplos haplos ko ang kanyang likod habang naki pag kompitensya sa pag titig nitong babaeng to.

"So your are their Yaya?" Mapang husgang tanong niya sa akin. Sinuri niya ang buo kong katawan at bigla pang ngumiwi. "Paki sabihan mo yang alaga mo na huwag mag tanga tanga ha?"

"Anak ko sila" Biglang nawala ang mapang asar na ngiti niya kanina.

"Oh eh may pinag manahan pala eh" Natawang sabi niya. Tumingin siya kay Razen na ngayon ay naka hawak sa isa ko pang kamay.

"Anak iyan ni Jahvier diba? So you're his new nanny?"

"Anak namin" Napa lingon ako sa lalaking kakadating lang. Kasunod niya iyong lalaki niyang secretary na ngayon ay pabalik balik ang tingin sa amin ni Kovier.

CEO Series 2: The Other Way of Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon