14

3.5K 54 1
                                    


"Anong full name mo baby?" Tanong ko sa batang katabi ko. Kasalukuyan kaming bumibiyahe papunta sa school nitong anak ni Mr.Villaguizano.

"Razeno Aquaillios po , how about you?" Inosente niyang tanong niya sa akin.

"Asherille " pilyo akong napa ngiti ng may naisip ako kagagahan. " But you can call me tita or mommy?" Pag patuloy ko.

" Talaga po?" Napa kunot ang noo ko dahil mukhang masaya itong si Razeno sa narinig niya. " Then can I call you mommy?" Masayang dagdag pa niya.

Napa ngiwi ako dahil mukhang mali iyong nasabi ko sa kanya.

" Ahh o-po" pasimple akong ngumiwi ng bigla siyang pumalakpak. Bakit ba ang saya ng batang ito? Hindi pa ba niya nasubukang may tatawagin siyang mommy? Eh ano ba niya si Claire?

"Huwag mo sanang masamain itong tanong ko Razen ha? Kaano ano mo ba si Claire?" Tanong ko sa bata. Napuno na kasi ng kata nungan itong utak ko. Biglang nawala ang ngiti ng bata at napa litan ng lungkot. Ito nga ba ang sinabi ko! " Ahehe Joke pala iyon? Huwag mo nala-"

" She's my mommy before then oneday narinig ko silang nag away habang pinalayas ni Daddy si Mommy Claire" malungkot na sumbong sa akin ng bata.
"Also my daddy get mad when I call her mommy kaya simula sa araw na iyon wala na akong tinatawag na mommy" dagdag pa niya.

Napa buntong hininga ako. Kahit sa anak din niya ay sobrang sama pa rin. Mabuti nalang at hindi ko siya sinabihan tungkol sa anak niya. Ang sabi kasi ni Daphne na ang alam ni Mr.Villaguizano ay patay iyong bata dahil sa aksidente.Mabuti nalang.

"Gusto mong maging mommy mo muna ako ngayon? While your real mommy are not in good terms with your daddy?" Suggest ko sa kaniya para mawala na iyong lungkot niya. Tumango tango siya.

"Mommy pwede po bang dito lang po kayo?" Humarap siya sa akin at hinawakan iyong kamay ko.

"Ah oo, sege pumasok kana" total alam naman ng ibang katulong niya na kasama ko si Razeno kaya hindi na ako hahanapin non at isa pa may lagnat yon.

Naka upo lang ako sa upuan na gawa ng samento. Nas ilalim lang iyon ng puno kaya hindi mainit.

" Kasama mo iyong anak ni Sir Kovier, ikaw ba yong bagong nanny niya?" Tanong ng katabi ko.Naka suot siya ng pang yaya kaya hula ko ay may alaga siya na classmate lang din ni Razen.

" Yeah?" Wala kasi akong ideya kong anong isasagot ko kaya.

"Bago ka? Ay naku teh mag resign kana agad. Napa ka bad ng batang iyon kaya nga siguro hindi siya hinatid ng kanyang daddy o sinundo man dahil masama na kahit bata pa" napa ngiwi ako sa narinig ko. Sa akin kasing nasaksihan ay mabait si Razen kaya panong naging masama?

"Better to shut up your mouth miss. You have no idea kung ano ang mga pinag daanan ng bata" sagot ko sa kanya.

" Ayy teh, huwag mo kong ma englishen at isa pa pasalamat ka nga na sinabihan kita bago mo pa maranasan ang ka demonyohan ng batang iyon?"  Reklamo ulit ng katibi ko.

" What if ako iyong Mommy niya? What if Ako ang mommy ng sinabihan mong demonyo?" Naawa na ako kay Razen. Napa ka rami niyang pinag daanan at isa pa kilala siya bilang sutil na bata dito. Hindi ko alam kong sinong mag tulak sa akin na ipag laban kahit na hindi ko tunay na anak si Razen.

"What if lang naman yan diba?" Sasagot sana ako ng biglang nah ring ang aking cellphone. Inirapan ko muna ang katabi ko bago ako tumayo para sagutin itong tawag.

"Hello?" Agad na sabi ko ng masagot ko na iyong tawag. Wala kasing Pangalan kaya hindi ko kilala kong sino ito. "Hello? This is Asherille, speaking" pag salita ko muli dahil tanging buntong hininga lang ang narinig ko.

"Where are you?" Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib dahil sa narinig na boses. Alam ko kung sino ito! The hell kahit na sa cellphone  pa rin galing iyong boses niya ay sobrang hot.

"S-a School sir,ayaw mag pa iwan ng anak mo" kinabahan na sagot ko.

" Okay thank you" napa ngiwi ako ng agad man lang niyang binaba ang tawag.

Halfday lang naman ang klase niya. Hindi ko nga alam king bakit halfday gayung grade 1 na naman sila.

Bago ko malapitan si Razen ay may naka una sa akin. Tumakbo ako palapit sa kanila baka ma kidnap pa ng wala sa oras si Razen,naku lagot ako nito.

"Mommy Claire?" Napa tilig ako sa pag takbo. Si Claire iyan? Mas lalo akong nataranta. Knowing na hindi sila good terms ni Mr.Villaguizano kaya maaaei niyang kidnapin si Razen.

"Razen!" Pag tawag ko.Lumingon silang dalawa sa akin. Masamang tingin ang binato sa akin ni Claire.

"And why the hell your here? Sa pag kaka alam ko ay secretary ka lang at hindi ka nanny ng anak ko" tanong niya sa akin.

" Claire, watch your words!" Hinawakan ko si Razen at nilagay iyon sa aking likod upang mapalayo sa demonyo na kaharap ko.

"Ibigay mo sa akin ang anak ko" matigas na utos niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at mas lalong hinigpitan ang pag kahawak ko kay Razen.

"Paano kung ayaw ko?" Pag mamaldita ko sa kanya.

" O dear wag ka ng mag matigas pa.Kahit na iharap pa kita sa abogado ay ibibigay sa akim si Razen dahil anak ko siya" natawang sabi niya.

" At maari ding ako ang pipiliin" a evil smile plastered on my face. " Knowing na hindi mo ginampanan ng maayos ang tungkulin mo bilang ina ni Razen" pag patuloy ko. Biglang sumama iyong mukha niya at akmang sasampalin niya ako ng natigil sa ire ang kamay niya dahil may marigas na kamay ding naka hawak nito.

A deja vu?

Mangha akong naka tingin sa kanilang dalawa. Para kasing nag flash sa isip ko iyong pag protekta ni Mr.Villaguizano kay Claire noon nang sampalin ko sana siya.

But the table reversed.

Dahil ako naman ngayon ang prinotektahan ni Mr.Villaguizano.

****















CEO Series 2: The Other Way of Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon