"You didn't sleep again? Ashe please this time think about yourself naman, look ohh I can see your eye bags na then pumayat kana." Napa irap ako dahil sa panenermon naman ng pinsan ko.What a good morning.Sa condo na to dalawa kaming nanirahan nito.Ako at ang pinsan kong si Shanah.Parihong kaming graduating ngayon sa kolehiyo.Parehong BSBA major in management ang kinuha namin since kami daw kasi ang susunod na mangalaga sa kompanya namin.
"Shanah alam mo naman kung bakit ginawa ko ito" Tumayo ako at tiniklop ang librong about sa business na binasa ko kanina.Nilagay ko iyon sa ilalim ng maliit na lamesa.
"For yourself? Or for your parents?" Napa tigil ako sa ginawa ko ng maalala ko naman ang mga magulang ko.Ano kayang ginawa nila ngayon? Ni isang text na galing sa kanila ay wala akong natanggap.
Noong bata pa ako ay sabi sakin ni manang na busy daw yong mga magulang ko,wala akong ibang nagawa nun kundi intayin silang umuwi sa gabi pero naabutan ko lang ang sarili ko na nasa kwarto ko na ako natutulog.
Noong nag grade 6 ako ay hindi naka punta ang parents ko nung graduation ko dahil nasa business trip slash meeting sila pero binaliwala ko yon at pilit na inisip na kaya siguro wala ang parents ko sa graduation ko dahil may big surprise.Sakto namang mag ka tapos ng program ay sinabihan ako ng Yaya ko na nasa bahay na daw ang parents ko.Syempre ang nasa isip ko may surprise sila sakin pero nang dumating ako ay sya namang pag alis ng sasakyan nila.
Sa Highschool ko naman ay hindi sila dumalo for the second time sa graduation ko dahil daw sa hindi ako ang valedictorian.Napa ka babaw na dahilan at doon ko lang na gets na wala talaga silang paki sa kin.Pasalamat nga siguro ako dahil binihisan at pinakain nila ako at nag bigay ng pera para sa pag aaral ko.
Kaya naman sa graduation kong ito ay pinag dasal kong aatend na sila.Syempre sa gusto ko talagang maka punta sila ay nag aral ako,Gabi man o umaga para naman maging suma or cumlaude ako pag ka graduate ko.
"Tulaley ka na naman?ano naisip mo nang lumayas?" Napa balik ako sa realidad ng bigla na namang nag salita ang pinsan ko.Umiling lamang ako at pumunta sa kwarto ko para maligo na.
Alas tres na ng hapon.Nandito kami sa may street foods ni Shanah. Shanaya Hannah ang real name nya kaya short for Shanah.Nag lakad lakad lang kami sa may parke.Wala na kasi kaming pasok sa mga sumunod na oras.
Last sem na din namin ngayon kaya nakaka pressure talaga lalo nat may mga surprise kemi pang nalalaman ang ibang prof namin.
"Intern na natin next week,saang kompanya ka?" Internship na din namin next week at sa katunayan nyan ay wala pa akong kompanyang papasukin.Nag baba sakali na naman kasi akong tawagan ako ng mga magulang ko para doon mag intern sa kompanya namin. "Don't tell me,your hoping again na tawagan ka ng parents mo?" tumingin ako kay Shanah at tumango.
Huminto sya sa pag lakad at hinilot ang bridge ng ilong nya sabay iling. "What?kung maka asta ka look like it's a big problem yong pinasukan ko?" Naka simangot kong sabi.
Tumingin sya sakin. "Couz paulit ulit mo nang sinaktan ang sarili mo,pauli ulit kang aasa sa wala" may pag alala sa boses ni Shanah ngayon.Mapait akong ngumiti at inisip ang sinabi nya.OO nga naman,pang ilan ko ng sinaktan ang sarili ko?
"Malay mo diba?" at sa huli na naman ay nanaig ulit ang positive mind ko.Napa buntong hininga nalang si Shanah at pinisil pisil nya ang braso ko.
Hindi na kami kumain ng hapunan dahil sa nabusog kami sa street food na binili namin kanina.
Byernes ngayon at dalawang subject lang ang meron kami ngayon.Sa 9:00 am to 12pm.
Sa Hapon ay naiwan akong mag isa sa condo dahil umuwi si Shanah sa bahay nila.Buti pa si Shanah may mapag uwian eh ako kaya?Mga katulong ko na naman ang maabutan ko.
Napag desisyonan kong pumunta sa kompanya namin.Kung hindi nila ako tatawagan edi ako nalang ang pumunta.
"Nasa loob sila" tinanguan ko lang ang secretarya tsaka deritsong pumasok sa opisina ng mga magulang ko.Kung hindi ako nag kakamali ay iisa ng opisna ang mga magulang ko.
"You forgot the word respect dear" Napa tingin ako kay Mama doon ko lang nalaman na nasa loob na pala ako ng opisina nila at ang saklap pa ay may kausap na lalaki si Mama.Wala dito si Papa siguro ay sya ang humarap sa mga investors.Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil sa naka talikod sya sakin.
"Don't worry mrs,we can talk it later or tomorrow"Sabi ng lalaki.Humarap sya sakin,isang gwapong mukha ang kaharap ko at halata nito ang pagiging masungit.Hindi man nya ako tinapunan ng tingin at deritso lang lumabas opisina ng magulang ko.
" bakit ka nandito?kulang ang perang binigay ko sayo?sabihin mo kahit anong halaga pa yan"akmang kukuha si mama ng checke nya ay nag salita na ako na syang pag tigil nya.
"Intern na namin next week at gusto kong dito ako mag trabaho" deritso kong sabi sa kanya.Ganyan ang tingin nila sakin,na kapag mag pakita ako sa kanila sasabihan na naman nila akong kulang ba ang perang binigay nila sakin?May kailangan ba daw ako?
"Hindi ako tatanggap ng isang basurang kagaya mo" tumulo ang luha ko sa sinabi ni Mama.Palagi nyang sinasabi sakin na isa daw akong malas sa pamilya nila.Hindi rin ako ampon dahil nag pa dna test ako kaya malaking tanong sa isip ko kung bakit tratuhin nila akong parang ligaw na pusa.
"Pero po diba anak nyo po rin ako?"
"Sabing wala akong anak na basura ehh!" Sigaw ni Mama at tinapon sakin ang mga papael na nasa lamesa nya. "Luma-" unti unting napa upo si mama at ang mas ikinatakot ko ay ang isang kamay nya na nasa dibdib nya.
Akmang lalapit ako ng nagulat akong may biglang tumulak sakin kaya napa upo ako sa sahig.Si Papa pala ang nag tulak sakin.
"Umalis KA NA!kahit kailan napa ka malas mo" sigaw ni Papa kaya wala akong nagawa kundi umalis sa kompanya namin.Hindi ko nalang iniinda ang mga kaka ibang tingin ng mga tao sakin dahil nanaig ang sakit ng puso ko ngayon.
Wala akong ideya kung bakit tinigil ko ang sasakyan ko sa isang simabahan.Bumaba ako sa sasakyan ko.
"Ate candle po" Isang dungis na bata ang lumapit sakin at may dalang kulay pula na kandila.I wiped my tears tsaka ako lumuhod para maka pantay sa kanya.
"Mag kano ba yan?" Ngiti kong sabi sa kanya.Ngumiti sya sakin tsaka nag sign ng number five. "Sege dalawa lang kay ate" kumuha ako ng singkwnta sa bag ko.
"Ate tatlo nalang po para I love you" magiliw na sabi nya kaya tumulo ang luha ko dahil siguro sa saya? O ano.
"Sege yong tatlo nalang" kinuha ko ang kandila na bigay nya sakin tsaka ko binigay sa kanya ang singkwenta.
"Hala ate,wala po ba kayong barya?" Tumayo ako at umiling.
"Keep the change,sayo na lang yan baby girl" nagulat ako ng yumakap sya sakin bigla.at dahil bata pa sya at mataas ako ay nasa bandang tiyan ko lang sya.
"Hala may dumi ka na ate,sorry po dahil nayakap kita" Hinawakan ko ang pisngi nya at pinisil.
"It's okay baby"
Pumasok ako sa simbahan at Pinag dasal ko nalang na sana walang nangyaring masama kay Mama ngayon.Kahit na galit sila sakin at palagi nila akong sasaktan ay hindi pa din mawawala ang pag mamagal ko sa kanila.
For the thousands of time,sinaktan ko na naman ang sarili ko.Umasa na naman ako sa wala.Siguro ito na ang oras na isipin ko na naman ang sarili ko dahil kahit anong gagawin ko man ay basura at isang malas na anak parin ang tingin nila sa akin.
~•~•~•~
Cheer up sa mga taong may ganitong problema,iyong palaging e compare sa ibang tao.Always remember that you have your own life at tayong lahat ay may kanya kanyang buhay na mag sha-shine din balang araw.
BINABASA MO ANG
CEO Series 2: The Other Way of Revenge [Completed]
RomanceLet the taguan ng Anak begin Javier Kolen Villaguizano and Asherille Cyrra Hernandez Parihong anak sa mga mayaman ang dalawa ngunit mag kaiba ang kanilang pamumuhay. Asherille is a very smart girl but unfortunately hindi sila close ng mga magulang n...