PROLOGUE
"Andrew... Ohhh.. yes.. more"
Napatigil ako sa pag bukas sa pintuan ng condo ng boyfriend ko dahil sa ungol na narinig ko at hindi ako tanga para hindi malaman kung saan nanggagaling ang ungol na yon.
Pamilyar ang boses nong babae hindi ako pwedeng mag kamali sya yon. Nanginginig ang kamay kong binuksan ang pintuan ng condo ni andrew. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Iniwasan kong maka gawa ng kahit na anong ingay ng maka pasok ako ay dumiretso ako sa kwarto ni andrew kung saan nanggagaling ang ungol.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa ulo dahil sa nakikita ko ngayon.
Naka patong ang boyfriend ko sa bestfriend ko pareho silang naka pikit na para bang sarap na sarap sa mga ginagawa nila kaya hindi nila naramdaman na nandito ako at pinapanood sila.
Sunod sunod na nag tuluan ang mga luha ko. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at tinalikoran ko na sila.
Umiiyak akong lumabas ng condo ni andrew. Mga hayop sila pinag katiwalaan ko sila dahil pareho silang mahalaga sakin tapos gagagohin lang nila ako, Kaya pala sobrang close nila.
Ang tanga ko!
Sobrang tanga ko!
Patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa makarating ako sa bar na pag aari ng dalawa kong kuya. Kilala na ako ng mga guard kaya walang kahirap hirap akong naka pasok.
"Bigyan nyo ako ng kahit na anong pwedeng inomin basta yong nakaka lasing" sabi ko don sa bartender at umupo sa upuan na nasa katabi ko.
"Maam Almera Bawal daw po kayong uminom ng marami sabi ni boss" napa tigil ako dahil sa sinabi ng bartender sinamaan ko sya ng tingin pero yumuko lang sya sakin at nag paalam kaya wala na akong nagawa.
Kinuha ko nalang ang isang bote ng whiskey na iniwan sakin nong bartender yon lang daw ang inomin ko para hindi ako malasin utos daw ng boss nya na kapatid ko.. mga kontrabida talaga yon..
Maganda naman ako.. sexy.. matalino.. at mayaman rin ako pero bakit palagi nalang akong niluluko? minsan napapatanong nalang ako. 'Magnanakaw o Kriminal ba ako nong una kung buhay kay pinaparusahan ako ngayon?'
Boyfriend ko yon eh mahal na mahal ko tapos ano ipag papalit lang ako at sa bestfriend ko pa. sa bestfriend ko pa na itinuring ko ng kapatid..
"Hi miss.. alone?" biglang nag init ang ulo ko dahil sa tanong ng kung sino nakikita na nga nyang mag isa ako tapos itatanong pa kong mag isa ako.. inis ko syang nilingon at halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil isang gwapo at matangkad na lalaki ang bumungad sakin..
Sandali akong natulala sa gwapo nyang mukha pero iniiwas ko rin ang tingin ko. "You want some?" tanong nya ulit at inabutan ako ng baso na may lamang red wine. nag dadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba yon o hindi baka kase may lason o kung ano syang inilagay.
at isa pa medyo lasing na din ako dahil naubos ko na ang isang bote ng whiskey."Wala akong inilagay jan" nakangiting saad nya kaya kinuha ko na yon at ininom. narinig ko pa ang mahina nyang tawa. "Anong nakakatawa?" masungit na tanong ko kaya napatigil sya sa pag tawa.
"Bakit mag isa ka dito? Let me guess your boyfriend cheated on you.."
Muling bumalik sa ala-ala ko ang ginawa sakin ni andrew at ng bestfriend ko.. akala ko naka limutan ko na dahil marami na akong nainom hindi parin pala.
"Sir ito na po" Napatingin ako don sa bartender ng abutan nya ng isang bote ng wine yong lalaking katabi ko. ng maka alis yong bartender ay inagaw ko don sa lalaki yong wine na hawak nya at sinalinan ang baso ko at dere-deretsong ininom yon.
Napa pikit nalang ako dahil nakakaramdam na ako ng hilo dahil sa dami ng ininom ko. "Let's dance" pag aaya ko don sa lalaki mag sasalita pa sana sya pero hinigit ko na sya papunta sa gitna ng dance floor.. at nakipag sayaw sa kanya..
Biglang bumagal ang music kaya inilagay ko ang dalawa kong kamay sa balikat nya. naramdaman ko namang inilagay rin ang dalawa nyang kamay sa bewang ko. sumabay lang kami sa music ng ganon ang pwesto. napa titig nalang ako sa kulay asul nyang mata na parang nilulunod ako.
"What's Your Name?" tanong ko sa kanya. matamis syang ngumiti sakin at ibubuka na sana ang bibig nya pero pinigilan ko sya sa pamamagitan ng pag halik sa labi nya.
Bigla akong nakaramdam ng kakaibang init sa katawan ko kaya agad akong humiwalay sa pag kakahalik sa kanya pero hindi sya pumayag at mas lalong hinapit ang bewang ko papalapit sakanya at madiin akong hinalikan na mahina kong ikina daing...
Nag habol kami ng hininga Nang mag hiwalay ang mga labi naming dalawa. pakiramdam ko ay pulang pula na ngayon ng mukha ko dahil sa hiya. "Ihahatid na kita san ka ba nakatira?" tanong nya pero hindi ako naka imik dahil umiikot na ang paningin ko. matutumba na sana ako mabuti nalang at nahawakan nya ang bewang ko kaya hindi ako natumba..
"Miss dito nalang kita iiwan hindi ko kase alam ang bahay mo may importante pa kase akong gagawin"
"Ayaw ko diyto ka yang" lasing na sabi ko sa kanya at hinawakan ang dulo ng damit nya.. narinig ko pang bumuntong hininga sya bago umupo sa kamang kinahihigaan ko.
"Matulog kana baka kung ano pang magawa ko sayo pag hindi pa ako umalis ngayo- Fuck! wag kang mag hubad.."
Napatigil ako sa pag huhubad sa damit ko dahil sa sinabi nya.. ang init init kase.. "Mainit" maikling sabi ko at ipinag patuloy ang pag huhubad narinig ko pang naka ilang mura sya bago tumayo at kinumutan ako na ikina inis ko. kakasabi ko lang na mainit tapos kukumutanan ako.
"Ano ba ayaw kong mag kumot"
"Fuck! Shit.. mag kumot ka your half naked miss"
"Ayaw ko"
"Mag kumot ka nga"
"A.Y.A.W K.O" lasing na saad ko at tinanggal ang kumot na naka takip sa katawan ko. "Ok fine aalis na ako" napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya. tatayo na ulit sana sya para umalis pero nahigit ko na sya papalapit sakin. matamis ko syang nginitian.
Biglang nag init ang buong katawan ko at sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.. Mas lalo ko syang inilapit sakin. Ipinulupot ko ang dalawa kong kamay sa batok nya at hinalikan sya sandali pa syang natigilan pero gumanti rin sya ng halik...
NAGISING ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at ganon nalang ang gulat ko ng hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sakin. mukang nasa isang hotel ako.
Pero ang gulat ko ay mas nadagdagan ng makita kong may lalaki akong katabi sa kama na mahimbing na natutulog at wala pang damit, kabado kong sinilip ang katawan ko na natatakloban ng kumot pero wala na akong kahit isang saplot..
Babangon na sana ako pero napa balik ako sa pag kakahiga dahil sa sobrang sakit ng pag kababae ko.
No! hindi ko ginawa yon.. hindi ako makikipag sex sa ibang lalaki.. I Love my boyfrien-
Napatigil ako sa pag iisip ng may mga memoryang pumasok sa isip ko. kung paano ko nakita ang pang gagago sakin ng boyfriend at bestfriend ko at ang pag punta ko sa bar pero hanggang don lang ang naaalala ko. muli kong ipikit ang mga mata ko para alahahanin ang mga katangahang ginawa ko pero hindi ko talaga maalala.
"Hmmm" bigla akong nataranta ng gumalaw yong lalaki kaya kahit na masakit ang bagay na nasa pagitan ng hita ko ay pinilit kong tumayo.. Nang maka tayo ako ay tinitigan ko muna ang mukha nong lalaki saka nag mamadaling nag suot ng damit at lumabas ng kwarto.
Paika ika akong nag lakad palabas ng hotel marami pang tumitingin sakin siguro dahil sa itsura ko ngayon sobrang gulo ng buhok ko at baliktad pa ang damit ko.. pero hindi ko nalang sila pinansin. nang maka labas ako ng hotel ay pumara agad ako ng taxi at nag pahatid sa bahay ng mga kuya ko...
A/N : hahaha walang spg to.. Siguro yong mga kissing scene lang ang meron pero hindi ako mag susulat ng Bed scene..
Steven and Almera
VICEKATE | V.K
BINABASA MO ANG
SECRETARY SERIES 1 : HIDING THE SON OF MY BOSS (COMPLETED)
RomanceDESCRIPTION Almera Doesn't remember what happend that night but one thing she is sure about. Something happend between her and guy sleeping next to him. She don't know what she's going to do that's why she decide to leave the guy without ?knowing h...