CHAPTER 8
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Puro puti lang ang bumungad sakin. Nasan ba ako?
"Mabuti naman gising kana" napatingin ako sa gilid ko ng may mag salita don.
"Sir Steven" mahinang banggit ko sa pangalan nya. nasan ba ako? ospital ba to? pero naman ako mapupunta dito ay nasa conference room ako kanina?
"Nawalan ka ng malay sa sobrang pagod may asthma ka pala nag pagod ka pa" hindi pinakinggan ang sinabi nya dahil abala ako sa pag hahanap ng cellphone ko. baka hinahanap na ako ng anak ko.
"Don't Worry Tinawagan ko na ang mga kuya mo pupunta daw sila dito mamaya" biglang nanlaki ang dalawa kong mata dahil sa sinabi nya. ibig bang sabihin non pati si rocco ay pupunta din dito. no! no he can't see him.. hindi pwedeng makita ni sir steven steven sa malapitan si rocco dahil malalaman nyang anak nya ito.
Pero teka! bakit naman nga pala hindi pwedeng makita ni sir steven si rocco. ano naman pala kung malaman nyang anak nya si rocco e karapatan naman nya yon. kaso hindi pa ito ang tamang oras baka pag nakita nya si rocco at nalamang anak nya ito. baka kunin nya sakin ang anak ko. ayaw ko ng ganon.
Naramdaman ko nalang na may tumutulo ng luha sa mga mata ko kaya dali dali kong pinunsan yon at tinanggal ang mga naka kabit sa kamay ko narinig ko pang pinipigilan ako ni steven pero nag patuloy parin ako.
Nang maalis ko lahat ng naka kabit sa kamay ko ay kinuha ko na ang mga gamit ko at tumakbo palabas ng kwarto.
"Hey Almera" rinig kong tawag sakin ni sir steven pero hindi ko sya nilingon. takbo lang ako ng takbo hanggang sa may naka bunggo ako kaya napa upo ako.
Nanlaki ang aking dalawang mata ng makita ko kung sino ang naka bangga ko. "Mama Bakit ka po tumatakbo?" tanong sakin ni rocco kaya nag mamadali akong tumayo at kinarga sya. Takang taka namang tumingin sakin sila kuya pero sinenyasan ko lang sila na sumunod sakin.
Nang maka labas kami ng ospital ay pumara kaagad ako ng taxi at sumakay kami ni rocco. nag paiwan sila kuya dahil sila na daw ang mag aasikaso ng bills ko sa ospital.
"Mama sino po yong lalaking humahabol sayo kanina" hinarap ko si rocco dahil sa sinabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil yon.
"Ipapaliwanag sayo ni mama pag uwi natin" nakangiting sabi ko mukha namang naintindihan nya ang sinabi ko dahil tumango sya at sumandal sa balikat ko.
Buong Byahe ay tahimik lang si rocco habang pinag lalaruan ang daliri ko. bata palang sya pero masyado na syang maraming alam dito sa mundo katulad nalang ng totoong nangyari sakin kung pano sya nabuo. pero mas ok na yon kesa naman sa palakihin ko sya na hindi nya alam ang totoo baka isang mag tanong nalang sya sakin kung nasaan ang ama nya wala akong maisagot atleast ngayon hindi ko na sya kailangang sagutin dahil alam nya ang totoo.
Kung karapatan ni Steven na malamang anak nya si roccco then siguro naman deserve din ng anak ko na malamang may mas naunang pamilya ang tatay nya.
Alam kong bata palang si rocco 5 years old palang sya. pero matalino sya kaya sigurado akong maiintindihan nya pag sinabi kong may pamilya na ang tatay nya.
"Mama pede nyo na po bang sagutin yong tanong ko kanina who is that guy po yong humahabol sayo kanina. and bakit po kamukha ko sya?"
Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tanong ni rocco. nandito na kase kami sa bahay inabot pa nga kami ng gabi dahil masyadong traffic.. sila kuya ay nandito narin may hawak hawak pa silang popcorn habang nakatingin samin ni rocco.
Seriously? ano to manonood sila ng drama at kaming mag ina ang bida?
"Sya po ba ang papa ko?" biglang bumilis ang tibok ko ng puso dahil sa sunod na tanong ni rocco. sinabi ko na nga ba mahuhulaan nya agad yon nasobrahan kase sa talino. pero kahit naman sino mahuhulaan na anak ni steven si rocco para kase silang carbon copy.
"Baby Listen to mama" hinawakan ko ang pisnge nya at tipid na ngumuti. "Yes sya ang papa mo" sagot ko bigla namang lumawak ang ngiti nya at nag titinalon pa sa sobrang tuwa lumapit pa sya kila kuya.
"Diba po may papa ang gwapo gwapo nya mag kamukha kami" tuwang tuwang pag mamayabang nya kila kuya pero imbes na matuwa ay tumulo nalang ang luha sa dalawa kong mata. ang saya nya. sobrang saya ng anak ko. bakit parang hindi ko kaya? natatakot ako. natatakot ako na pag sinabi ko sa kanya na may anak at asawa ang tatay nya ay mawala ang mga ngiti nya.
Bihira lang ngumiti ng ganon kasaya ang anak ko ayaw kong tanggalin yon sa kanya. sobrang bigat ng pakiramdam ko. "Mama thank you po nahanap nyo na si papa" lumapit sya sakin at niyakap ako ng sobrang higpit. hinalikan pa nya ang paulit ulit ang pisnge ko na mas lalo kong ikinaiyak.
Napatingin naman ako kila kuya naka titig lang silang dalawa sakin alam kung gustong gusto nila akong yakapin ngayon pero pinigilan ko sila.
"Mama bakit ka po umiiyak? diba po dapat happy ka dahil nahanap na natin si papa" marahan kong hinaplos ang pisng nya at ngumiti. "M-Masaya si m-mama baby Masaya ako d-dahil masaya ka.." sagot ko at niyakap sya.
I Can't do this anymore kailangan ko ng sabihin kay steven na anak nya si rocco habang hindi pa huli ang lahat. humiwalay ako sa pag kakayakap kay rocco at matamis syang nginitian.
"Baby dito ka muna may kakausapin lang ako"
Tumango lang sya at tumakbo papunta kila kuya. kaya lumabas na ako ng bahay para tawagan si steven. kung hindi ko sasabihin sa kanya ngayon baka mag sisi lang ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number nya. naka ilang ring pa yon bago nya sagutin.
"Hello This is Steven Walsh"
"Sir Steven si Almera po to secretary nyo" pag papakilala ko sandali namang tumahimik sa kabilang kinya.
"Thank god tumawag ka Seven want to see you. He can't sleep ang sabi nya matutulog lang sya pag ikaw ang mag papatulog sa kanya pwede ka bang pumunta dito" naririnig ko pang nag iiyak sa kabilang linya si seven.
"P-Pero m-may sasabihi–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makarinig ako ng pag kabasag ng kung ano sa kabilang linya kasunod non ay ang pag kamatay ng tawag
A/N : Kagabi pa sana to kaso nawalan ako ng signal..
VICEKATE | V.K
BINABASA MO ANG
SECRETARY SERIES 1 : HIDING THE SON OF MY BOSS (COMPLETED)
RomanceDESCRIPTION Almera Doesn't remember what happend that night but one thing she is sure about. Something happend between her and guy sleeping next to him. She don't know what she's going to do that's why she decide to leave the guy without ?knowing h...