CHAPTER 1

5K 68 0
                                    

CHAPTER 1

AFTER 5 YEARS

"You Can start tomorrow" lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi ng interviewer... sa wakas may trabaho na ako. "Thank you maam.. thank you po talaga" pag papasalamat ko nginitian nya lang ako at tinanguan kaya lumabas na ako ng office nya at nag mamadaling Pumara ng taxi...



"Mama" napatawa ako ng salubungin ako ni rocco ang mag li-limang taon kong anak mag li-limang taon palang sya pero tuwid na tuwid na syang mag salita. Niyakap ko sya at binuhat.. "Asan ang mga tito mo?" tanong ko sa kanya. ngumuso naman sya at itinuro sila kuya na nag aasaran kaya mahina akong tumikhim. napatingin naman sila sakin at sinalubong ako ng yakap..

"Kamusta? natanggap kana ba sa trabahong pinapasokan mo?" kinakabahang tanong ni kuya Kiel ng humiwalay sa pag kakayakap saakin.. Sunod sunod akong tumango sabay namang nanlaki ang mga mata nila ni kuya Harry at ginulo ang buhok ko.

"Sabi ko na nga ba matatanggap ka dapat mag celebrate tayo mag papaluto ako sa mga katulong" sabi ni kuya kiel at dali daling pumasok ng bahay. si kuya harry naman ay kinuha muna sakin si rocco para maka pag bihis ako.

Nang maka pasok ako sa kwarto ko ay nag palit kaagad ako ng damit. Limang taon na pala simula nong nangyari ang bagay na yon.. hindi ko alam ang pangalan nya pero tanda ko ang mukha nya at kung mag kikita man ulit kami makikilala ko sya.

Sinubukan kong hanapin sya non kaso wala din akong nakuhang kahit na ano kaya tumigil nalang ako at nag fucos sa pag aalaga sa anak ko..

Ilang linggo pag katapos mangyari yon nalaman kung buntis ako.. nong una hindi ko alam ang gagawin ko dahil natatakot ako.. hindi pa ako handang maging ina mabuti nalang at nanjan sila kuya kiel tinulungan nila akong alagaan si rocco. sinabi ko rin sa kanila ang totoong nangyari nong gabing yon.

kaya hanggang ngayon dito ako sa kanila naka tira pareho naman daw kase silang walang asawa kaya ayos lang na dito kami tumira pero hindi naman ako papayag na maging pabigat kami sa kanila kaya nag hanap ako ng trabaho at sa kabutihang palad natanggap ako sa Walsh Iterprice bilang secretary ng CEO don..

"Almera Pumunta ka na dito kakain na" sigaw ni kuya kiel kaya inayos ko na ang buhok ko at lumabas ng kwarto.

"Mama tara na kakain na tayo" nakangiting sabi ni rocco at hinigit ako papunta sa dining table. napangiwi nalang ako dahil sa dami ng pag kaing naka handa sa lamesa. para naman kaming bibitayin neto.

"Bakit angdami?" tanong ko at umupo sa upuan na katabi ni rocco. "Mama may work kana kaya dapat hindi ka magutom"

"Oo nga naman bunso bawal kang magutom" napailing iling nalang ako at nilagyan ng pag kain ang pinggan ni rocco. lagi nalang nila akong pinag tutulungan.

"Mama nahanap mo na po ba si papa?" napatigil ako sa pag kin dahil sa tanong ni rocco pati sila kuya ay napatigil din. sandali akong natahimik at huminga ng malalim.

"Hindi pa eh. hindi ko parin alam ang pangalan nya pero malakas ang pakiramdan kong makikita mo na rin sya" nakangiti kong sagot. tumango naman sya at bumalik sa pag kain..

Mag lilimang tao palang sya pero alam na nya ang totoo dahil sa mga madadaldal kong kuya. alam nyang hindi ko kilala ang tatay nya kaya kahit kailan hindi sya umiyak dahil wala syang kasamang ama. pinaliwanag ko na rin sa kanya ang mga nangyari non bata pa sya pero alam kung naiintindihan nya ako. sinabi ko rin na hindi dapat sya mag tanim ng kahit na anong galit sa tatay nga dahil hindi naman non alam na may anak sya baka nga hindi nya ako matandaan dahil lasing din sya non..









SECRETARY SERIES 1 : HIDING THE SON OF MY BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon