CHAPTER 24

1.9K 30 0
                                    

CHAPTER 24



"Ang tanging ginawa lang naman nya ang mag mahal. ang ginawa lang nya ay mahalin ka pero malas nya dahil ako ang mahal mo. Love made her like that..." tumingin ako sa natutulog na si trisha.. she looks so inoccent.  "She just loved you too much and the love she got for you made her a monster.."


I Suddenly Remember what she said months ago.. before the family day Steven din't know that trisha and I talked...




Abala ako sa pag hahanap ng mga gulay na iluluto ko ng makita ko si trisha na naka tingin sakin mula sa malayo.. binitawan ko ang basket na may lamang gulay at nilapitan sya.

"What do you need?" malamig na tanong ko. kakaunti lang ang taong nandito kaya sigurado akong walang makaka kita samin.


Nanlaki ang mata ko ng lumuhod sya sa harapan ko at nag simulang umiyak. "Please iwanan mo na si steven so we can be happy.. Mahal na mahal ko sya almera mas una ko syang nakilala kesa sayo kaya please iwanan mo na sya.."

Umiiyak na sabi nya pero hindi manlang ako nakaramdam ng awa siguro kong meron man five percent lang yon.


Sinasabi nyang iwanan ko si steven na para lang aso.. baliw na talaga sya! "What made you think that i will leave the father of my son trisha tell me why should i leave him.. he loves me and our son and i love him too we love each other so why would i leave him"

Natigilan sya sa sinabi ko. Tumayo saka tiningnan ako ng sobrang sama. "Kung hindi ka dumating dapat masayang pamilya na kami.. kung hindi mo sya nilandi dapat ako na ang mahal nya ngayon hindi ikaw.." galit na sigaw nya mismo sa aking mukha..

Naiyukom ko nalang ang kamao ko.. na pipigil lang ako na sampalin sya. isa pa.. isa nalang at talagang hindi ko na mapipigilan ang galit ko.


"Buntis ako at si steven ang a–"

Hindi ko na sya pinatapos sa pag sasalita sinampal ko sya ng pag ka lakas lakas na ikina tumba sya pero wala akong pakialam..

"Hindi mo ko mapapaniwala jan sa pinag sasabi mong buntis ka at si steven ang ama luma na yan. marami ng gumawa nyan."

Pag katapos non ay iniwan ko na sya.. "Very good Almera sabi na eh yon ang sasabihin ng babaeng yon wag kang maniniwala sa kanya baliw na baliw sayo si steven to the point na hindi nya hinahayaang hawak hawakan sya ng kung sino sinong babae" napangiti ako sa sinabi ni floricel sa kabilang linya. tumawag kase sya sakin kanina nalimutan kong patayin nong pinuntahan ko si trisha pero mabuti na rin pala yon dahil narinig nya ang sinabi ni trisha..


"Baby Tulala ka nanaman" napa balik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni steven.


"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong nya habang naka turo kay trisha. Ngumiti ako saka nag salita. "Can you talk to her family? Tell them dalhin sya sa ibang bansa para mag pagaling I Think may sakit na sya.." tumango lang sya sa sinabi ko at kinuha ang cellphone nya. saka may tinawagan.


Nang matapos syang makipag usap sa telepono ay lumapit na sya sakin at pinag siklop ang kamay naming dalawa na ikinangiti ko.

"Let's Go baka hinahanap na tayo nong dalawa"





******

Isang linggo na simula nong kunin si trisha ng mga magulang nya. ang sabi nila dadalhin muna nila sa mental hospital dito sa pilipinas si trisha bago ilipat sa ibang bansa.

Si andrew naman wala ng nakaka alam kong nasan sya pinatawad na rin sya ni steven.. pero si trisha tingin ko matatagalan pa bago sya mapatawad ni steven.


"Kayong dalawa kailan ba kayo mag papakasal para maayos na namin ang lahat ng dapat gawin at ihanda?"

Napalunok ako sa tanong ni mommy.. Ang totoo nyan wala pa kaming napag uusapan ni steven na date kaya hindi ko alam ang isasagot kay mommy.

"I Want to marry her mom.. next week" napa nga nga naman ako sa sinagot ni steven. Next week? agad agad? masyado naman atang nag mamadali itong si steven.

"Next Week ok ipapahanda na namin ang lahat lahat" nakangiting ani ni daddy.. Nag paalam na narin sila ni mommy dahil marami pa daw silang aasikasuhin. isinama rin nila si rocco at seven dahil Friday ngayon lolo and lola's day daw kaya kaming dalawa lang ngayon dito sa bahay ni steven

Tumingin ako sa kanya na parang may malalim na iniisip.. nakatulala lang sya tapos biglang ngingiti na parang baliw na ikina inis ko mamaya ibang babae pala ang iniisip nya.

Kinuha ko ang unan na nasa sofa saka hinampas yon sa kanya. mukha namang natauhan sya dahil sa pag tingin nya sakin. kunot na kunot ang noo nya. "Bakit ka naman ng hahampas masakit kaya?" sabi nya habang hinihimas himas ang balikat pero sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Sinong babae naman ang iniisip mo ha?" iritang tanong ko. "Si angeline" nakangiting sagot nya. at talagang mukhang proud na proud pa sya.

Na mas lalong ikina init ng ulo ko. sinuntok ko sya sa balikat. "Hindi mo na ba ako mahal huh? sino yong angeline na yon? ipinag palit mo na agad ako" umiiyak kong sabi..

Bigla syang tumawa ng malakas kaya napatigil ako sa pag iyak. Umiiyak na nga ako tapos tatawa pa sya.. Niyakao nya ako saka nag salita.

"Silly... angeline is our baby"

"Baby?"

Hinawakan nya ang tiyan ko at maingat na hinaplos yon. "Baby angeline look si mama mo pinag seselosan ka." pag kausap nya sa baby sa tyan ko.

"Ang mama mo mahal na mahal ko sya.. pati ikaw mahal ko saka sila kuya mo.. mahal na mahal ko kayo at kayo ang buhay ko" mahinang bulong nya pero narinig ko parin.

Naramdaman ko nalang ang patulo ng luha sa aking mata... Sobrang saya ko dahil isang lalaking katulad nya ang minahal ko...

Napaka swerte ko dahil sa lalaking nag ngangalang Steven Jerome Walsh ang papakasalan ko. at syempre napaka swerte din ng mga anak namin dahil ang tatay nila ay si steven na kayang gawin ang lahat para lang sa kanila.





VICEKATE | V.K

SECRETARY SERIES 1 : HIDING THE SON OF MY BOSS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon