CHAPTER 10
"Wifey nandito na kami" sigaw ni ryu lumabas naman ang magandang babae na naka kulay itim na dress na merong mahabang buhok.
Nang maaninaw ko ang mukha ng babae ay muntik ko ng mabitawan si seven. Sya yong asawa ni steven diba? pero bakit? taka akong tumingin kay steven na wala paring emosyon ang mukha.
"Pasok kayo" nakangiting sabi nya at lumapit sakin. "Ako na ang mag bubuhat jan sa batang yan mag pahinga ka muna kayo sa loob" sabi pa nya at kinuha sakin si seven.
Nag sipasukan na silang lahat samantalang ako ay takang taka parin. I Mean ang pag kakaalam ko ay ang babaeng tinawag ni ryu na wifey ay asawa ni steven. ano bang nangyayari dito sa mundo?
"Gusto nyo ba juice o coffee?" tanong ni floricel na kakalabas galing sa kwarto kung saan nya inihiga si seven. umiling lang kami ni steven bilang pag sagot.
"Diba sir steven sya yong asawa mo sya yon diba yong floricel?" lakas loob na tanong ko bigla namang tumawa si floricel na ikina pag taka ko. tumingin ako kay steven pero nakangiwi lang sya.
"Hey ako kaya ang papakasalan ng babaeng to hindi yang lalaking yan" biglang sabi ni ryu at mahigpit na niyakap si floricel saka sinamaan ng tingin si steven.
"Who told you that she's my wife?" malamig na tanong ni steven Kaya napaisip rin ako. sino nga bang nag sabi?. napa kamot ako sa ulo ko dahil hind ko alam ang isasagot sa kanya.
Wala nga namang nag sabi sakin na asawa nya si floricel. assuming lang talaga siguro ako kaya yon ang inisip ko.
Mag sasalita na sana ako para sagutin ang tanong ng biglang bumukas ang pinto at pumasok don si ma'am france na naka kulay itim na dress at naka suot padin ng mask.
Teka anong ginagawa nya dito?
bakit ba lagi nalang nila ako hindi pinapatapos mag salita? palagi nalang may abala sa susunod pag may importante akong sasabihin kay steven i-te-text ko nalang sya.
"Mabuti naman nandito kana steven akala ko kailangan ko pa kayong ipasundo sa bahay nyo and kasama mo pala ang secretary mo." tumingin naman sya sakin kaya agad akong nag iwas ng tingin sakanya. Nakakatakot ang presensya nya ngayon hindi tulad nong nameet ko sya sa kompanya ni sir steven.
"I need your help france, isasara ko muna company ko para maayos ang gulo at para narin malaman ko kung sino ang nag lakas ng loob na siraan ako.."
"Tsk. Ako na ang bahala sa mga empleyado mo ipapasok ko sila sa kompanya ko pero sisiguradohin ko muna kong mapag kakatiwalaan ko ba sila" malamig na sabi ni ma'am france at umupo sa sofa na kaharap ko. tumingin sya kay steven at may iniabot na susi taka naman syang tiningnan ni steven.
"Susi yan ng isa sa mga bahay ko, may isla akong pag mamayari sa palawan don na muna kayo ng secretary mo dahil sigurado akong hindi kayo titigilan ng media.. nakita syang kasama mo sa iisang bahay baka idamay sya ng mga gustong manira sayo alam mo na ang ibig kong sabihin" mahabang sabi pa ni ma'am france. tumango lang sa kanya si steven bilang pag sang ayon.
"Kaya ko naman ang sarili ko kaya bakit kailangan pa akong sumama?" takang tanong ko. Ang totoo nyan ok lang naman kung isasama ako ni steven don sa isla. wala namang problema yon pero ang anak ko. hindi ko sya iiwan.
"Delikado ang buhay mo ngayon Almera" napatingin ako kay floricel dahil sa sinabi nya. "Delikado? panong delikado?" takang tanong ko lumapit sya sakin at umupo sa katabi ko. "Involve kana sa mafia ngayon Almera may gustong pumatay kay steven at mas posibility na madamay ka" mahinahong sabi nya.
BINABASA MO ANG
SECRETARY SERIES 1 : HIDING THE SON OF MY BOSS (COMPLETED)
Roman d'amourDESCRIPTION Almera Doesn't remember what happend that night but one thing she is sure about. Something happend between her and guy sleeping next to him. She don't know what she's going to do that's why she decide to leave the guy without ?knowing h...