CHAPTER 27
Parang palaging may kulang saakin yon ang pakiramdam ko... It's been 3 months simula nong mawalan ako ng alaala pero hanggang ngayon ito nangangapa parin ako sa mga alaala.
Nakaka alaala na ako ng kaunti katulad nalang ng kung paano ko ipinanganak at inalagaan si rocco at kung paano ko rin nalaman na buntis ako. hanggang don lang kahit anong pilit ko hindi ko maalala si steven.. alam kong nasasaktan sya kahit hindi nya sabihin. nasasaktan sya dahil hindi ko sya maalala.
Hindi ko sya naaalala pero hindi sya sumusuko. araw araw nag ku-kwento sya ng mga bagay na nangyari saamin pero wala talaga no effect kung baga. kahit kaunti wala akong maalala tungkol sa kanya.
ang sabi ng doctor imposibleng bumalik pa ang alaala ko dahil sa lakas ng pag kaka bagok ng ulo kaya sumuko nalang din ako kaso wala yata yon sa isip ni steven.
Si andrew naman.. His dead nakita ko sya sa panaginip ko naka ngiti habang kumakaway. paulit ulit nya ring sinasabi na mahalin ko daw si steven na hindi naman na nya kailangang sabihin pa dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko si steven.
Mahal ko sya yon lang ang sigurado ako at mahal din nya ako. dahil mag kakaron ba kami ng anak kong hindi namin mahal ang isa't isa at dalawa pa. dalawang anak pa ang meron kami..
Sinabi rin sakin ni steven ang tungkol sa kay trisha ba yon.. sinabi nya lahat lahat sakin na para bang takot na takot syang mag sinungaling sakin.
Nakokonsensya na ako dahil hindi ako maka alaala.. ang bigat sa pakiramdam na hindi ko makilala ang mga taong nasa paligid ko.
Kinuha ko ang photo album na ibinigay sakin ni steven may naka sulat don na 'MY LIFE' hindi ko pa kase nakikita ang laman nito. Binuklat ko yon at bumungad sakin ang mga baby pictures at sa ibaba ng mga yon ay ang naka ukit na pangalan ni rocco.
'Rocco Daniel Velasco-Walsh'
Sa kasunod na page ay picture ko na kasama si rocco. tingin ko two years old dito si rocco.. nag aayos ako ng mga bulaklak tapos karga karga ko si rocco. May naka lagay din sa baba nong picture na
'My Baby Rocco likes the smell of this flower but his allergic to flower that's why i buy him an artificial one but has the same smell'
Napangiti nalang ako.. ang cute cute nya talaga kamukhang kamukha sya ng tatay nya.. sa pangatlong page naman ay picture ulit namin ni rocco. pareho kaming may paint sa damit saka sa kamay.
Marami pa akong picture na nakita na mag kasama kami ni rocco pero ang mga sumunod na page na ay apat na kami. ako si rocco si seven at si steven.
Merong naka tayo ako sa harap ni seven at rocco.. parang pupunta kami sa isang party dahil naka black dress ako at formal na formal din ang ayos ng dalawang bata.
Ang kasunod naman non ay ang picture namin ni steven. naka yakap ako sa kanya ganon din sya. ilang inch nalang ay mag lalapat na ang labi naming dalawa. pareho kaming naka ngiti habang naka tingin sa mata ng isa't isa. mukha kaming inlove na inlove sa isa't isa sa picture na yon.
Marami pa akong picture na hindi nakikita kaso nakaramdam na agad ako ng pagod kaya itiniklop ko nalang ulit yon at ibinalik sa lamesa.
Malaki laki na rin ang tiyan ko kaya nahihirapan na akong tumayo at mag lakad lakad pero napaka swerte ko kasi hindi ako iniiwan ng lalaking nag ngangalang steven jerome walsh.
Pero ngayon wala sya dito sa bahay namimili sya ng lulutuin para sa tanghalian namin kasama ang dalawang bata si rocco at seven.
Gusto ko pa ngang sumama kaso baka daw mapagod pa ako kaya ito mag isa lang ako. hindi manlang mga naawa sakin iniwan nila ako dito mag isa. pano kong bigla akong madulas o kaya pano kung may mag nanakaw na pumasok dito. pano na kami ni baby?, grabe talaga sila nakaka bored pa naman dito sa bahay.
May kumatok sa pintuan kaya napatayo ako.
Baka sila na to.
Pumunta ako sa pintuan at binuksan yon. pero imbes na sila steven ay isang matangkad at magandang babae ang bumungad sakin Walang emosyon ang kanyang mukha naka titig lang sya sakin. Naka suot sya ng kulay blue na dress na mas lalong mag patingkad sa maputi nyang kulay sobrang haba rin ng violet nyang buhok.
"Sino ka?" tanong ko pero hindi sya nag salita at nag patuloy lang sa pasok pumunta sya sa sofa at umupo don na para bang sanay na sanay na sya inilibot pa nya ang tingin sa bahay.
Sobrang bigat ng aura nya nakaka takot..
"Sino ka bakit ka nampapasok nalang ng bahay ng may bahay?" tanong ko ulit.
Tumingin sya sakin na parang hindi maka paniwala sa sinabi ko. Tinaasan pa nya ako ng kilay bago mag salita.
"Diba ikaw dapat ang tinatanong ko nyan.. sino ka? at anong ginagawa mo sa pamamahay ko? ikaw ba ang kabit ng asawa ko?"
Nangunot ang noo ko. Asawa nya? kabit ako? sino ba sya? si steven ba ang tinutukoy nya? pero..
"I'm France Walsh Steven's wife and you are?" napalunok ako ng wala sa oras. nababaliw na ata ang babaeng to eh. ang lakas ng tamang mag joke. baka naman naliligaw sya.
pero ano daw? asawa sya ni steven ang galing talagang mag joke eh.
"I See" tumingin sya sa tiyan ko na may kalakihan na, "ikaw ang kabit nya at talagang binuntis ka pa nya. hindi ba nya sayo sinabi na may asawa na sya?"
Parang sinaksak ng karayom ang puso ko dahil sa sobrang sakit non. Hindi ako maka pag salita dahil walang kahit anong lumabas na salita sa bibig ko para akong naparalyze..
May asawa na sya... ibig bang sabihin non kabit lang ako? pero mag papakasal kami non nong nawalan ako ng alaala.
All this time niluluko lang pala ako ni steven. Yumuko ako para itago ang luhang kunting kunti nalang tutulo na.
VICEKATE | V.K
BINABASA MO ANG
SECRETARY SERIES 1 : HIDING THE SON OF MY BOSS (COMPLETED)
RomanceDESCRIPTION Almera Doesn't remember what happend that night but one thing she is sure about. Something happend between her and guy sleeping next to him. She don't know what she's going to do that's why she decide to leave the guy without ?knowing h...