CHAPTER 25
Hindi masukat ang kasiyan na nararamdanab ng aking puso ngayong araw na to. ito na ang araw na matagal ko ng pinapangarap ang maikasal sa lalaking mahal ko. Hindi ko lubusang maisip na maiikasal ako..
Pero heto ako ngayon nag lalakad papunta sa lalaking mahal ko. naka suot ako ngayon ng kulay puting simpleng dress hindi pa naman masyadong malaki ang tiyan ko kaya hindi mahahalatang buntis ako.
Pero sinong mag aakala na ang simpleng dress na suot ko ngayon at million ang halaga.. lahat ng suot ko ngyaon ay million million ang halaga dahil si mommy ang pumili.
Napaka simple lang ng disenyo ng simbahan.. dahil yon ang gusto ko. ayaw ko ng magarbong kasalan basta maikasal ako kay steven masaya na ako.. ako na ang pinaka masayang tao sa buong mundo
"Bunso nauhan mo pa kaming mag pakasal" nakangiting sabi ni kuya harry sya ang kasama ko ngayon ditong nag lalakad papunta sa altar imbes na si papa..
Ayaw parin daw akong makita ng mga magulang ko eh. nakaka tampo nga kase kasal ko pero wala sila pero hindi ko naman sila masisisi kong ayaw na nila sakin. kasalanan ko rin naman kase at isa pag naniniwala ako na darating yong panahon na mapapatawad nya rin ako. si kuya kiel naman nasa unahan sya ang ginawang best man ni steven.
Ang dalawa naman. si rocco at si seven ay kasama sa upuan ng lolo at lola nila. sila ang rin ang ring bearer namin..
"Mag pakasal kana rin kase kuya" nang aasar na sabi ko.
"Malapit na bunso.. pag naagaw ko na sya sa asawa nya saka ko sya papakasalan pag pumayag na rin sya na ako ang tumayong ama ng anak nya.." mahina akong napa singahap sa sinabi nya. mag tatanong pa sana ako pero nag salita na ulit sya.
"Mag fucos ka sa magiging asawa mo sa kanya lang dapat ang tingin mo"
Tumingin naman ako kay steven na ngayon ay naka ngiting naka tingin sakin ilang hakbang nalang ay makakarating na ako sa kanya. Ilang hakbang nalang ay magiging mag asawa na kami..
Bumalik sa aking alaala ang lahat ng nangyari saming dalawa. may malungkot at may masaya..
Kung hindi siguro ako niluko non ni andrew at kung hindi ako pumunta sa bar baka hindi ko nakilala ang lalaking papakasalan ko ngayon baka walang rocco daniel na nabuo.
That night naaalala ko na ang nangyari nong gabing yon nakaka hiya nga kase ako pala nag nag simula ng lahat kaya napunta kami sa mainit na pag tatalik..
ang akala ko non imposible ng mag kita ulit kami pero tadhana na ang gumawa ng paraan para pag tagpuin kaming dalawa..
.
Hindi ko naman talaga planong main love sa kanya eh.. ang plano ko lang gawin ay sabihin sa kanya na may anak kami pero ang baliw kong puso hindi napigilang mahalin ang lalaki.
"Alagaan mo yang bunso namin" naiiyak na sabi ni kuya harry saka iniabot ang kamay ko kay steven. tinanguan lang sya ni steven saka nag pasalamat.Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. nanlaki ang mata ko ng may makita akong pulang gumagalaw sa damit ni steven.
Sniper...
Niyakap ko sya ng mahigpit para protektahan. kasunod non ay ang malakas na pag putok hinintay kong may tumama sakin pero wala akong naramdaman na kahit ano.
Sandaling katahimikan ang pumailalim sa loob ng simbahan.. maya maya pa ay bigla nalang nag hiyawan ang mga tao saka nag takbohan. kumalas ako sa pag kakayakap kay steven at lumingon sa aking likuran kong saan sya naka tingin.
At doon ko nakita ang naka higang si andrew na duguan? nag mamadali akong lumapit sa kanya. kaya ba walang tumama sakin dahil sinalo nya?
Iniligtas ko si steven at iniligtas naman ako ni andrew..
Nanginginig akong umupo sa sahig.. "Andrew bakit mo yon ginawa baliw kana ba?" umiiyak na tanong. kahit papano naman ay minahal ko sya.
Hinawakan nya ang pisnge ko
Kahit na Nanghihina ay nagawa parin nyang ngumiti sakin. "M-Mahal na m-mahal k-kita p-patawarin ako.. M-Mahalin mo s-si st-steven sana m-maging m-masaya k-kayong dalawa" pag kasabi nya non umubo na sya ng dugo at dahan dahang ipinikit ang kanyang mga mata na mas ikina lakas ng iyak ko.
Wala na sya...
Wala na ang lalaking minsan ay minahal ko na rin..
Wala na ang lalaking naging dahilan ng pag kakakilala namin ni steven.
Wala na si andrew.. patay na sya
Pinatawad na kita diba.. ang sabi ko mag papakasal ka pa diba.. ang sabi mo hahanapin mo pa yong babaeng mamahalin mo ng sobra.. pero bakit? bakit nauna kang umalis?
"Find the sniper secure the place" rinig kong utos ni steven sa mga tauhan nya..
Naramdaman ko ang pag yakap sakin ni steven. Niyakap ko sya pabalik at doon sa balikat nya umiyak ng umiyak.
Itinayo nya ako saka sinakop ng kamay nya ang aking mukha. "Look at me almera" tumingin naman ako sa mata nya.
"Calm down makaka sama yan kay baby" pag papakalma nya saakin. huminga muna ako ng malalim bago muling humarap sa kanya.
"Ste–" napatigil ako sa pag sasalita ng may taong bumangga sakin.. saka nag mamadaling tumakbo. napahawak ako sa tagiliran ko ng makaramdam ako ng hapdi at sakit don.
Tiningnan ko ang kamay ko ng may kung anong malapot akong nahawakan.. nanlaki ang aking mata ng makita kong ano yon.
Dugo! may dugo!! maraming dugo!... unti unting umikot ang paningin ko.. hanggang sa matumba ako naramdaman kong tumama sa kung anong matigas na bagay ang ulo ko. kasunod non ay ang pag hiyaw ni steven at ang mas lalong pag kakagulo ng mga bisita. Bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata ay nakita ko ang nag aalalang mukha ni steven..
Ito na ba ang wakas ko?
Hanggang dito nalang ba talaga ako?
Lord please take care of my son's and husband.
"Baby i love you please don't close your eyes" rinig ko pang sabi nya bago ako mawalan ng malay.
A/N : Oppss
VICEKATE | V.K
BINABASA MO ANG
SECRETARY SERIES 1 : HIDING THE SON OF MY BOSS (COMPLETED)
RomansDESCRIPTION Almera Doesn't remember what happend that night but one thing she is sure about. Something happend between her and guy sleeping next to him. She don't know what she's going to do that's why she decide to leave the guy without ?knowing h...